“Natahimik ka ata?” Takang tanong ni Ryen pag kauwi naming.
Kaming girls lang ang naiwan sa bahay dahil may pinuntahan nanaman si Davian at Noah.
“Pagod lang siguro.” Sambit ko at nag iwas ng tingin.
“Naubos ata energy ko sa pagsusulat saka sap ag gagala sa mall.” Dagdag ko pa sa palusot ko.
“Kahit kailan, hindi ka marunong mag sinungaling.” Seryosong puna ni Annaya kaya napatahimik nalang talaga ko.
“They really know me, so well.”
“Bakit bigla kang nawalan ng gana?” Tanong ni Annaya at saka ako inaabutan ng isang beer.
“Lalasingin niyo nanaman ako.” Biro ko.
“Beer lang yan, hindi ka tatamaan niyan.” Napapailing na sambit ni Ryen. Nasa may rooftop kasi kami para tumambay at mag pa antok.
“I saw him.” Seryoso kong sambit.
“Sino?” Tanong ni Ryen na ngayon ay titig na titig sa akin.
“Achi.” Natatawa kong sambit at hindi inakalang may luhang babagsak mula sa aking mata.
“Saraiah.” Mahinang sambit ni Annaya.
“I am not okay.” Ang agad kong na i tugon sakanila.
Wala naman kasi akong magagawa, hindi ko rin naman kontrolado ang mundo para hindi kami mag tagpo o mag kita.
“Bumalik lahat e.” sambit ko.
Halos paulit ulit nalang naman yung sinasabi ko sakanila, kung paano ako mag open up, kung paano ko masaktan, lahat.
“Nag back to zero nanaman ako.” Sambit ko habang tinutungga ang beer na hawak hawak ko. Andaming pumapasok sa isip ko na kung ano ano, mga thoughts, what ifs, sana, possibilities, everything.
My mind was in a chaos, habang ang mga mata ko ay umuulan ng luha. Bagyong bagyo nararamdaman ko sa sobrang sakit.
“Calm down.” Sambit ni Annaya habang hinihímas ang likod ko.
“Paano nga??” Natatawa kong tanong.
“Tama naman ako sa sinasabi ko sainyo na hindi ko pa siya kayang makita.” Biro ko pa.
“Wala na rin naman akong magagawa kung nandiyan na siya. Hindi ko na rin ata kayang takbuhan pa siya.” Natatawa kong sambit.
It’s funny how I always avoided and escape my problems yet I have no strength to do it now. Naubusan ako ng lakas, ni hindi na nga rin ako makaalis sa hulog at hindi na makatayo mula sa pag kaka laglag ko.
“Hindi naman kaasi dapat tinatakbuhan ang problema.” Sambit ni Ryen.
“Pero yun kasi nagiging way para mapabuti.” Seryoso kong sambit.
“Napabuti ba?” Tanong naman ni Annaya dahilan para maitikom ko ang aking bibig.
“Hindi.” Mahinang sambit ko.
“See? Hindi rin naman napa buti sayo yang pag iwas mo. Mas lumala pa, pero bakit nag se settle ka sa ganyan? Sa mas masasaktan ka?” Tanong ni Ryen.
“Kasi mas madali, mas kaya kong gawin.” Sagot ko.
“Pero sa ginagawa mo unti unting nasisira sarili mo.” Tugon ni Annaya.
“Matagal ng sira sarili ko, simula nung iniwan ko si Achi ay may parte na sap ag katao ko na nawala. Nag laho.” Pag amin ko.
“Siya lang naman kasi ang kukumpleto sayo. Wala ng iba.” Sambit ni Ryen.
“Nasa akin na kasi e, pinatalo ko pa.” Natatawa kong sambit.
“Kaya pa yan late gamae, malay mo?” Pang aasar ni Annaya.
Bibilis mag shift ng mood, parang kanina seryosong concern sa akin, ngayon bibinggo nanaman sila sa pang aaar.
“Mahal mo pa??” Tanong ni Ryen.
“Para namang hindi niyo alam ang sagot diyan.” Sambit ko habang napapailing. Nakatitig lang din ako sa city lights, sinusubukang I clear ang aking pag iisip na sobrang gulo at halo halo na.
“Ay may tatanong ako sayo.” Sambit ni Annaya.
“Oh?’ Nag tatakang tugon ko.
“Paano kung maka trabaho mo?” Tanong niya.
“Ayoko.” Sambit ko. Buo ang loob ko naa hindi ako iiwas, pero hindi ko rin kakayanin na nasa iisang company kami.
“Pag yan naka trabaho ko talaga, ewan ko nalang.” Napapailing kong sambit.
“Pero paano nga hano? Dapat kayanin mo, dapat ipakita mo ayos ka na.” Pag susulsól ni Ryen.
“Hindi ko nga kaya, hindi ko kakayanin, Siya ang aking kahinaan.” Natatawa kong sambit.
“Face your fears. Pag naharap mo may deal ako sayo.” Sambit ni Ryen.
“Ayan tayo sa mga deal na yan e.” Reklamo ko habang nag kakamot ng aking ulo.
“Ayaw mo ba?” Tanong niya.
“Wala akong sinabi na ayoko.” Mabilis kong tugon.
“I’ll take you to Paris kapag nakaya mong harapin yang takot at problema mo. Lahat ng expenses sagot ko, lahat.” Sambit ni Ryen.
“I re ready mo lang passport mo.” Dagdag pa niya.
“Paris? Shít city of love.” Sambit ko.
“Alam niyong gusto ko pumunta diyan ah. Mautak.” Sambit k okay Ryen na nag kibit balikat nalang talaga.
“So ano? Deal?” Tanong ni Ryen.
Desidido talaga sila ni Annaya na iharap ako kay Achilles.
“Kaya mong humarap don, inom ka alak.” Pang aasar ni Annaya kaya napa irap ako.
“Tarantádo.” Reklamo ko dahil alam kong mas walanghíya ako kapag naka inom.
“Baka kung ano pang kabalbalan magawa ko.” Tugon ko na mas ikinatawa nila.
“Deal.” Seryoso kong sambit.
“Yun, tángina welcome to hell.” Biro ni Ryen sa akin. Bakit feeling ko ay planado ito at may plano talaga sila?
“Sasakalin ko kayo kapag planado ‘to.” Reklamo ko habang naka taas ang aakibg kilay.
“Di ah, behave kami rito.” Tumatawang sambit ni Annaya.
“Ano pala naramdaman mo nung Makita mo siya sa Mall?” Tanong ni Ryen.
“Sumikip dibdib ko e, nang hina ako, alam mo yung biglang na estatwa sa kinatatayuan mo tapos naramdaman mo sa kaloob looban mo yung panginginig? Ganon kalakas epekto niya sakin.” Natatawa kong sambit.
“Seryoso ba?” Hindi makapaniwalang sambit ni Annaya.
“Oo, sa tuwinhg naririnig ko pangalan niya, nakikita siya. Ganyaan nararamdaman ko which is wala akong magawa kasi kahit anong pigil ko o pag tatago, mas lalong lumalala.” Sambit ko.
“His presence made me feel safe and at the same time makes me nervous.” Seryoso kong sambit.
“Naalala ko tuloy si Chavez.” Sambit ko dahilan para mapahinto si Ryen at Annaya na ngayon ay nag papalitan ng tingin.
“Natatandaan mo si Chavez?” Tanong ni Annaya.
“Mhm, he’s kinda familiar. Nalala ko lang pinag gagawa ko nung nag pakalasing ako.” Sambit ko.
“Pero hindi mo pa rin kilala si 3S?” Tanong ni Ryen.
“Hindi, iniisip ko nga e, sino kaya yon?” Tanong ko. Hindi naman siguro si Chavez yon kasi if oo pwede naman nilang sabihin sa aki yun.
“Hindi niyo ba talaga kilala nag uwi sa akin?” Tanong ko.
“Nawala ka nga bigla sa table natin, tapos hindi ka na naming mahanap. Alam mo bang ni review pa naming CCTV para sayo tapos it turns out wala ka sa lahat ng nahahagip nung CCTV.” Puna ni Ryen.
“Kaya akala naming kung hindi ka nabastos o nagalaw, may kumuha sayo.” Napapailing na sambit ni Annaya.
“Bakit hindi kayo tumawag pulis?” Tanong ko muli.
“Wala ka pang 24 hours na naawawala e.” Direktang sambit ni Ryen.
“Pero alam niyo? At some point, nahanap ko rin comfort ko kay Chavez.” Natatawa kong sambit.
“Sayang nga lang at hindi ko nakuha number niya. Hindi ko siya mahanap.” Nakanguso kong sambit.
“Nasa paligid lang yon, mag kikita rin kayo.” Biro ni Ryen habang tumatawa.
“Sana nga Makita ko.” Seryoso kong sambit.
“I wanna say thank you, kasi he made mee feel safe and seen. Nakakagulat nga e, sa random stranger ko pa nafeel yung bagay na kulang sa akin. Para akong naakumpleto nun.” Pagyayabang ko habang sila ay napapailing nalang.
“Pero alam niyo, super familiar siya. Like para silang pinag biyak na bunga talaga ni Achi.” Tumatango tangong sambit ko habang ang dalawa ay tahimik na nakikinig habang paminsan minsan ay nag titinginan.