"Ang likot2x mo naman,mo miss. Muntik na akong mahulog. at sa one fourth na lang yata Ng pwet ko nakaupo,"SITA sa kanya nang lalaki.
Magdusa ka, ana sa isip at dinidma lang ang lalaki
Medyo Hindi na cya komportable Ngayon, sumikip na Ang pakiramdaman nya, kandog na Niya Si Jaywon at nasa paanan naman Ang Kanyang backpack.
"Lumipat ka kaya Ng upuan? BAkit ba Kasi nagsisiksik ka dito, eh marami pa namang bakante?" Anya
"Ayoko kong lumipat. Dapat ay Ikaw Ang lumipat dahil Hindi Tayo kasya rito.May dala ka kasing bata kaya masikip."
"Pinagbintangan mo pa kami? Eh, Ikaw itong malaking tao!"
Parang nakakalokang ngumiti ang lalaki at saka Siya tiningnan, Hindi sa Mukha kungdi sa parteng ibaba Ng katawan Niya.
"Palagay ko 'yang balakang mo ang Malaki kaya masikip dito,"
"Bastos! BAkit nasali Ang balakang ko dito?"
"Tingin ko lang Kasi .sanay akong sumukat Ng size Ng babae, eh.
"Huwag mo 'kong asarin, ha. Hindi Ako nakipagbiruan sayo,"
"Hindi naman Ako nagbibiro, eh.
I think, mga size thirty six Ang hips mo at Ang bewang mo naman ay mga twenty two to twenty four."
Naningkit Ang mga mata Niya sanhi ng inis sa preskong lalaki.
Mukhang mahusay ngang kumilatis Ng sukat Ng babae Ang mahaderong ito. Aba'y nahulaan ng eksato and sukat Ng bewang niya at balakang!
Pero Teka, bakit nauwi sa vital statistic niya Ang usapan gayong pagkagitgit Niya sa upuan Ang issue nila.
Nakasimangot na sinita nya uli ito.
"Alam mo,nababastos na Ako sa iyo,Out of the topic kana. Ang Inereklamo ko lang, masikip Ang upuan para sa ating dalawa. Pwedeng bang lumipat ka nalang? Pakiusap,"maraiing wika Niya.
Lumingon Ang lalaki. Wari naghahanap Ng malilipatang upuan.pero nagkataong isang pulutong Ng mga pasahero Ang umakyat at kanya-kanya na nang hanapan Ng upuan.
May ilang minalas na Wala nang mauupuan at napilitang bumaba.
"Excuse me... No vecancy,"
Wala na Siyang nagawa kundi pagtiisan Ang bwisit na lalaking ito.
NANG Umadar Ang sasakyan ay dinalaw na Siya Ng maraming alalahanin.
Pinagmasdan Niya Si Jaywon, na noon ay masarap na Ang tulog sa dibdib Niya.
Huwag lang magkakamali Ng salubong Ang ama mo sa atin,Jaywon. Kahit na babae Ako ay talagang uupakan ko Siya para Kay Mer.
Siguro naman ay early morning ay nasa Quezon na sila at magkaroon Siya Ng maraming uras para ipagtanong Ang address na ibinigay Ng kaibigan ni Mer.
Panay Ang text Ng mga kaibigan nya sa kanya gayon Rin Ang kanyang pamilya nang nasa daan na Siya. kinukumusta Ang biyahe Niya at nagbibigay paalala Ang mga iyon.
Sa inis Niya sa katabi ay nai text Niya sa mga Kaibigan Ang naging engkwentro nila nito.
Nagtanong Si Kayla kung gwapo at sinagot Niya Ng oo.
Nagtanong Si Linda kung Hindi Siya nag ka crush, sinagot Niya Ng iwan.
Si Merry Jean ay nagpaalala.huwag raw Siyang papadala sa mga gwapo at baka masamang tao ito.
Iyong text Ni Jean Ang pinaka gusto niya. Hindi naman talaga Siya dapat na magtiwala kaagad sa lalaking ito o kaya kasapi Ng kidnap for ransom gang.
O baka Isa itong tagatulak Ng droga Malay ba Niya.
Basta nang mga sandaling iyon ay puro negatibong isipin Ang gusto niya Ng ikabit sa lalaking iyon.
Kalaliman na Ng gabi at nasa kalagitnaan na sila Ng biyahe pero Hindi parin Siya dinadalaw Ng antok.
Ngayon nagiisip na Siya kung paano haharapin Ang Ama ni Jaywon kung sakaling Makita na sila nito .
Siguro ay tatalakan nya kaagad ito at pagsasalitaan Ng masama. Pwede ring sumbatan Niya at papanagutin sa sustento ni Jaywon.
O di kaya ay pagsasampalin Niya kaagad.
Bahala na.Basta Ang alam Niya ay may Gawin Siya kapag nagkita sila nito.
At tiyak mawawal Siya sa sarili Nya Buhat Ng Galit na tinanim sa kanyang dib2x 4 years ago na Ang nakalipas.
Sana nga ay huwang naman Siyang madala Ng kanyang damdamin at magkaroon Siya Ng self control. Pero parang mahirap Gawin 'yon.
Nag-uumapaw Ang Galit Niya sa dib2x para sa ama ni Jaywon.
Habang papalalim Ang gabi ay dinalaw narin Siya Ng antok pero Ang katabi niyang lalaki ay mahimbing itong natutulog.
nagkaroon nanaman Siya Ng pagkakataong pagmasdang mabuti Ang Mukha nito.
WAlang kaduda-duda na guwapo nga Ang unggoy na ito. Napako Ang mga mata Niya sa bahagyang nakabukang bibig nito at napangiti Siya.
Kissable Ang lips nito, ah.Medyo pouting pa, masarap kayang humalik Ang unggoy na ito?
Teka care ko ba? BAkit ba humahanga na Ako sa hudas na ito,eh napaka ungentle naman.
Inirapan Niya ito Ng Tudo.Tutal ay tulog naman ito at Hindi Siya nakikita.
Malikot Ang bus na sinasakyan nila na ikinahilig Ng ulo Ng lalaki. Medyo napalapit Ang ulo nito sa ulo nya.
Iniusog nya Ang kanyang ulo palayo. Pero lalong napalungayngay Ang ulo nito at napaunan na sabalikat Niya,
"para tuloy Silang mag Asawa kong tingnan idagdag pa Si Jaywon na nakatulog sa kanyang dib2x."
Talagang nahuli na ito Ng antok kung kaya Wala Ng pakialam ito.
Aba Ang saya Ng lalaking ito. At ginawa pa akong unan.
Imagine, may kandong na akong bata nakahilig sa dib2x ko, tapos may nakahilig pang mama sa balikat ko.
Galeng Ng kumag na 'to pang asar talaga.
Nangipot Ang mga labi Niya at saka isang malakas na siko Ang ibinigay sa katabi "bogs!!"
"Aray!" Nakangiwing daing nito.
Napurohan yata ito Ng kanyang siko.
"Inaano ba Kita, miss?"
"Ginawa mo lang naman patungan Ng ulo mo itong balikat ko!" Pagtataray Niya.
" Hindi ko naman sadya 'yon, ah. Nakikita mo na ngang natutulog Ako."
"Paki ko sayo kong matulog ka. Trespassing na 'yang ulo mo kaya Kita siniko,"
Hindi na nagawang mag react pa Ng lalaki .Tatlong putok Ng baril Ang narinig nila.
Namataan Niya na pinapara Ng mga lalaking iyon Ang bus at biglang huminto iyon sa ilang na Lugar na iyon.
Mabilis Ang mga pangyayari. Namalayan nalang nila Ang tila pagkakaroon Ng komosyon at ilang mga kalalakihan Ang umakyat ,pawang may takip Ang bibig at armado Ng high powered guns.
"Holdap ito! Walang kikilos Ng masama! ibigay lang ninyong lahat Ang mga gamit NYo!Pera,bag , alahas at WAlang mangyaring masama sa inyo.l!
Parang mga baggage collector na sinamsam Ng ilang mga kasama nito Ang mga gamit Ng mga pasahero habang Ang iba ay naka look out lang.
Mahigpit na nayakap nya Ang mahimbing paring Si Jaywon at napasiksik Siya sa lalaki.
May katapangan Siyang taglay pero sa pagkakataong ito ay tila Wala Siyang lakas Ng loob na magtaray.
"Ikaw!nasaan Ang bag mo?" untag sa kanya Ng isang lalaki na nakatapat sa kanya.
"Wala po akong bag,"Anya
*Among Wala? Gusto mo bang samain ka?Kanino Ang bag na nasa paanan mo?"
At itinutok Ng lalaki Ang hawak na baril sa sentido nya.
Napapikit Siya sa takot pag inamin Niya iyon ay tiyak na Patay Siya. Kung Hindi naman Siya aamin ,itatanggi naman ito tiyak Ng katabi nya.
"Kanino sabi Yan eh!
"Sakin Yan boss,"wika Ng katabi niyang lalaki.
Napamulat Siya . Hindi nya akalaing aakuin Ng lalaki Ang pagsisinungaling nya.pailakim na tiningnan Siya Ng masamang loob at saka inalis ang baril sa ulo nya.
Nanginginig Ang katawan na hinila Niya Ang backpack sa Kanyang. Paanan.
"Pwedeng makuha Ang mga damit nitong bata?" Lakas loob na tanong Niya.
"Akala ko ba Hindi sa iyo to?Nagsisinungaling ka ano?"
"Pare sa akin talaga 'yan, nakikilagay lang Siya Ng gamit nilang mag Ina, dahil napunit 'yung paper bag na dala Niya kanina." Sabad Ng lalaki.
Pahalbot na inagaw Ang backpack Ng hawak Ng katabi.
"Wala kang makuha dito!Ikaw ,labas mo wallet mo!" Baling nito sa lalaki.
Parang WAlang anumang binunot nito Ang wallet sa bulsa at iniabot sa mga masasamang loob.
Wala Siyang nagawa Ng mga sandaling iyon,
kungdi Ang mapanganga habang nililimas Ang mga wallet at gamit Ng iba pang mga pasahero.
Nasa gitna sila Ng isang ilang na Lugar kung saan ay WAlang matanaw ni isang bagay man lang.
Matapos makuha Ang lahat ng mga gamit Ng mga pasahero ay bumaba na Ang mga masasamang loob at muling umandar uli Ang kanilang sinasakyan.
Nakaramdan Siya Ng matinding alalahanin.
Paano na sila ni Jaywon?
Nasa bag Ang lahat ng gamit nya .Pera , cellphone, wallet at mga damit nila ni Jaywon.
Hindi nya napigilan Ang luha ! Kung nakinig lang Siya sa payo Ng mga magulang at mga kaibigan ay Hindi sana Niya inabot 'to.
Nagi-guilty din siya dahil pati Si Jaywon ay ipinain Niya sa panganib.
Gustohin man niyang bumalik ay paano na?
Wala na Siyang Pera kahit ni peso. Dapat Makakita Siya Ng taong may cellphone at maki text para ipaalam sa mga kasambahay Ang kinaroroonan nya .
"Huwag kang umiyak, miss. Pare- pareho naman tayong nawalan, eh.Buti kung Ikaw lang."
"Pakialam mo ba kung bumaha man Ang luha ko. Mind your own business!"bulyaw Niya sa lalaki.
Wari ay gusto niyang ibunton Ang lahat ng pagkadismaya sa lalaking ito.
Medyo maulan na kanina habang nagbibiyahe sila pero mas lalo itong lumakas. Nang pumasok na sila vicinity Ng Quezon.
Biglang nagsungit pa Ang panahon na ikinabahala Ng marami.
"Paano na Tayo Niyan? Wla na tayong mga Pera.tapos, ganito pang kalakas Ang ulan.." wika Ng Isa sa mga pasahero.
"Napaaga yata Ang bagyo.Dapat ay bukas pa ang dating Niyan, ah."
"Samu't - saring reaksiyon Ang Nakita Niya sa mga tao.
Paputok na Ang Umaga ay isa-isa nang nagbababaan Ang mga tao.
Bagama't pareho -pareho Silang mga nanakawan, mabuti parin Ang kalagayan Ng mga taong ito dahil alam Ng mga ito Ang pupuntahan.
Samtalang sila ni Jaywon ay maghahanap pa. Ang ikinababahala Niya ay kapag nagising Si Jaywon.
Ano Ang ipapakain Niya rito.Tangay pati Ang bote Ng gatas at mga gatas na panimpla na gamit sa pagdede.
Mabuti kong may perang natira sa kanya at pwede Niya Ibili Ng pagkain ni Jaywon.
Pero ni wala na nga Siya ni isang kusing. Nag woworry Siya Ngayon para sa bata.
Mabuti sana kung may Kilala Siya rito kahit na Isa na pwede nilang tuluyang magtiyaga.
Napaiyak na naman siya.
Iyak na mas matindi kesa kanina at halos ay ayaw na yatang tumigil sa pag agos Ng luha ..
Inaatake na Siya Ng matinding takot at kaba sa kanyang sitwasyon.