Chapter 3

1578 Words
"Miss, panyo." Tinig iyon Ng lalaking katabi, Nakakahiya man dahil tinaray-tarayan Niya Ang lalaking ito pero nagpakita parin ito nang kabaitan. Hindi Siya tumingin sa lalaki at kinuha nya Ang panyo na WAlang pag alinlangan. Kailangan talaga Niya ito Ngayon. kanina pa tumulo Ang mga luha Niya at sipon at Wala Siyang Malay Gawin kundi Ang punasan iyon Ng daliri nya at pasimpling ipahid sa bimpong nasalikod ni Jaywon. "Salamat," at napaangat Ang Mukha Niya sa lalaki. Napadta Siya. Saglit na napahimpil Ang tingin sa Mukha Ng lalaki. Hindi naman niyang magawang mag- ignore sa kakisigang taglay Ng lalaki. "Parang Ang bigat-bigat Ng problemo mo," anito "Mabigat nga,"and she bursted into tears again. "Huwag kang mag alala. Lahat ng problems ay may solusyon." "Pero Wala na akong Pera pabalik Ng maynila. Tinangay lahat ng mga pisting holdaper na 'yon," "Don't worry. Ako Ang bahala." Napatingin uli Siya sa lalaki.napatingin nanaman siya rito at muling nasabi sa sarili na magandang lalaki ito, husto sa tindig, Maganda Ang pangangatawan, maayos manamit. Ang tanong Niya Ngayon ay kung pwede ba niyang pagkatiwalaan Ang lalaking ito? "Saan Ang punta mo, miss?"bago maibuka Ang bibig sa tanong Ng lalaki. Nag iisip siya kung sasabihin Ang Lugar na pakay . Pero naisip Rin nya ,Kanino ba Siya magtatanong? Wala Siyang alam sa Lugar na ito at Wala ring kakilala. "Taga rito ka?"ganting tanong Niya. "Dito Ako pinanganak," "Actually , Hindi ko alam Ang patutunguhan ko . But I have his address." "Saan ka ba pupunta?" "Villa Haciendo na pag- aari Ng Isang nangangalang Jaylord Haciendo ." "Ah , Si Jay." "Kilala mo Siya?" Wari ay nabuhayan Siya Ng loob. "Hindi personally pero Kilala ko Siya dahil magkapareho kami Ng pangalan. Hindi mo naitatanong ay Jaylord din Ang pangalan ko lol." " Pati spelling Ng pangalan nito, pareho?" "Oo.Maliban sa apilyedo. Jaylord de Palerme Ang full name ko." Napangiwi Siya. Sa lahat ng tao, BAkit Jaylord pa Ng lalaking iyon Ang nakilala Niya Allergic na nga Siyang banggitin Ang pangalan noon, eh. Tapos, binigyan Siya Ng taong makakatulong sa kanya na kapareho Ang pangalan Ng lalaking kinasusuklaman Niya. She cursed that name so much! "BAkit mo Siya Kilala?" "Isa Siya sa mga well known personalities dito sa Quezon. Walang nakakapagtaka roon, Miss. "Ano nga pala Ang kailangan mo sa kanya?" "Ah.....d--dadalaw lang Ako. Balita ko Kasi ay kakarating lang Niya Buhat Sa Australia. Isa akong close friend." "Akala ko ay Girlfriend." Napatingin ito sa batang karga Niya. "I'm sorry. May anak kana pala." Minabuti nyang huwag nang itanggi Ang hinala nito na Anak Niya Si Jaywon. "Ilang taon na Siya?" Pagkuwa'y tanong Ng lalaki. "Four years old na Siya " "Pwedeng, Makarga?" Ha?atubiling react Niya. Inataki nanaman siya Ng kaba. At paano kung bigla nalang nitong itakbo Si Jaywon? "Huwag kang mag -alala.Hindi Ako kidnapper. I just love kids." Wari ay nahulaan Ang iniisip nya. "May mga anak ka na?" Matagal bago nakasagot Ang lalaki. "Wala pa. BAkit mo naitanong?" "Akala ko Kasi ay Meron. Kasi ay mahilig ka kamo sa bata." "Pwede namang maging mahilig sa bata Ang isang taong Wala pang Asawa, ah." "Oo nga. Parang Ako,"nakangiting wika Niya. Napilitan niyang ibigay si Jaywon sa lalaki. Sumilay Ang maluwang na ngiti Buhat Sa labi nito habang nakatitig sa bata. "Ang Gwapo nitong anak mo. Siguro gwapo Rin aNg Tatay. Iwan ko, gusto sana niyang isagot. Malay ba Niya kung ano Ang itsura Ng Tatay Ng batang ito. Minabuti niyang huwag nalang mag react. Hindi pa natatagalan sa bisig Ng lalaki si Jaywon ay bigla na itong nagising . "Dede, Mommy..."Kaagad na lumabas sa bibig nito. "Mommy ' Ang nakasanayang tawag sa kanya ni Jaywon. Naalarma siya. saan Siya kukuha Ng ipapadede dito? Ito Ang malaking problema na sinasabi na sa kanyang Ina noong three years old palang Si Jaywon. Pinagsabihan Siya nito na dapat Ng awatin sa feeding bottle si Jaywon at turuan nalang uminom sa baso pero Siya Ang umayaw. Katwiran Kasi Niya, hayaang si Jaywon Ang kusang umayaw. Kaya tuloy four years old na ito ay talagang naghahanap parin Ng Dede. "Dede!" Wari ay impatient na wika Ng bata sabay kamot Ng ulo. Halatang gutom ito.at naalimpungatan nang Makita Siya. Nanlumo Siya, Anong Dede Ang ibibigay nya Kay Jaywon? NAka depende parin ito sa gatas at Hindi pa gaanong na nati-train sa mga solid foods.. Kasalanan parin Niya. Hindi Siya nakikinig sa mga sinasabi Ng Ina gayong kung tutuusin ay apat silang inianak nito at lumaking maayos. "W-walang Dede, Jaywon .nawala." mangiyak ngiyak na wika Niya sa bata. "BAkit nawala? "A-ano.. nahulog sa bintana, Gagawa sana Kita Ng Dede sa bus kanena pero biglang nahulog." "BAkit nahulog?" Eh, Kasi...." Naubusan Siya Ng isasagot. Ganito kalisto Ang bata. Hindi nasisiyahan sa isang sagot lang. Pakasusuriin nito Ang mga sagot at sunod- sunod na magtatanong hangga't Hindi ito nasisiyahan sa sagot na nakukuha. "Natabig Kasi Ng kamay ko Kaya nahulog," agaw ni Jaylord. Natigilan Si Jaywon. Wari ay noon lang nito napagtanto na Hindi siya Ang may karga rito. Kaagad itong tumingala at Sinino Ang may kantong rito. Pagka Kita sa Mukha ni Jaylord ay natawa si Jaywon. "Sino po kayo?"tanong nito 'ako? Kaibigan." "BAkit po kayo kaibigan?" Ah... Kasi nagkakilala kami Ng mommy mo dito sa bus kaya naging magkaibigan kami Napangiti Si Jaywon,"magkaibigan pala kayo ni mommy,"anito sabay bunghalit Ng tawa... Aba't natuwa Ang paslit na batang ito,Dati Dati ayaw itong pakarga sa mga Hindi ka Kilala. Tapos bigla itong naiyak. "Dede..Dede...gutom na Ako," reklamo nito "Talagang gutom nanga ito. Paano ba ito? Wala na akong Perang pambili at nasa bag Ang lahat ng mga gamit Niya ,"himutok Niya. "Huwag kang mag alala,.malapit na nating madaanan Ang isang supermarket. "Baba Tayo roon, para makabili Ng gatas at mga gamit ni Jaywon ." "Pero alas sais palang Ng Umaga .may bukas na bang supermarket Ng ganyang uras? "Kakilala ko Ang may Ari doon pwede kong patawagan para makapasok Tayo at makakuha Ng paninda. Ganoon? React Niya sa isip Maraming katanungan na gusto nyang isatinig pero gusto na Niyang paniwalaan Ang sinasabi Ng lalaking ito. Ang mahalaga ay Ang may maipakain Siya Kay Jaywon. Nagsimulang magwala Si Jaywon,kinuha nya ito Buhat Sa lalaki. "Tahan na,malapitna Tayo,"Alo nya sa bata. Pero umiyak parin Si Jaywon. "Oh, I have something for you..wika Ng. Lalaki" Dumukot ito sa bulsa . Isang balot menthol candy na Wala pang bawas Ang iniabot Kay Jaywon . Kinuha iyon ni Jaywon. Binuksan naman Niya iyon at sinubuan Ng Isa Ang bata.siya man Ang sumubo narin.. Pangpakalma kahit na papaano. Nakatulong iyon para ma-pacify Si Jaywon kahit na sandali lang .makalipas Ang Kalahating uras ay may nadaanan nga silang supermarket. Malakas parin Ang ulan at nakabibingi Ang mga patak niyon. "Pare,puwedeng pakibuwelta Ang bus At ipasok sa loob?mababasa itong bata," wika Ng lalaki sa driver. Nagbigay naman Ang driver at inihatid sila Hanggang sa loob. "Okay, kalang bang mabasa?" Oo ," basta't wag lang Si Jaywon." Hinubad nito Ang suot Ng jacket at ibinabalabal Kay Jaywon. Naunang bumaba Ang lalaki habang karga naman Si Jaywon. Ikinanlong ito Ang bata sa katawan nito para Hindi mabasa. Kasunod Siya. Hindi Niya Malaman kung ano Ang iisipin Ng mga uras na 'yon. Naririto sya Ngayon at kasama Ang isang extrangherong lalaki na Hindi nya alam kung ano talaga Ng likaw Ng bituka. "Maiwan ko muna kayo dito,"anito sa kanila Ipinuwesto sila nito sa isang bench roon na istambayan Ng mga mamimili kung saan ay may mga naghelirang bakanteng booth Ng ibat-ibang uri Ng pagkain na katulad Ng pan Pizza , squid and fishballs, french fries at iba pa.. Patungo sa likuran Ng supermarket Ang lalaki. Kuwestiyonable sa kanya Ang sinasabi nitong papabuksan Ang supermarket para maka kuha Ng mga gamit ni Jaywon pero Hindi na nya gustong guluhin Ang isipan para roon.. Ang mahalaga sa kanya Ngayon,ay may maipakain Kay Jaywon at mayroon silang nakilala na makakatulong sa kanyang pakay. Matagal ring nawala ito . Nang magbalik ay may bit2x ng mga plastic bag, kasunod Ang isang guwardiya na may mga bit2x ding mga supot. "Kunin Mona Ang sasakyang pwede kong magamit," pagkuwa't parang haring utos nito sa guwardiya. "Sandali lang po." "Paano mong kinuha 'yan wla kanamang Pera pambili," "Nagpaalam Ako sa may Ari." "Baka ninakaw mo lang Ang mga iyan?" "Hindi Ako Ganoon, miss. Never kong gagawin na magnakaw." Maya-maya lang ay nagbalik Si manong guwardiya at minamaeho Ang isang pick up. Stockholder ba ito sa supermarket na ito at ganito kalakas sa may Ari? Hindi Niya maiwasang magtanong sa sarili . "Sige, sakay kana Miss at nang maihatid na kita sa pupuntahan mo." Mabilis na Sumakay Siya sa unahan, katabi Ang lalaki. "May gatas na Siyang, at may mineral water, Mayroon ding feeding bottle. Ipagtimpla Mona Ng gatas Ang anak mo," wika Ng lalaki nang makasakay na sila Ng sasakyan. Tumalima Siya. Nag timpla Ng gatas para Kay Jaywon.at iniabot iyon sa bata. Gutom na gutom na talaga Si Jaywon. Wlang limang minuto ay simot Ang gatas na timpla nya... Samantala at subrang nagngangalit Ang panahon sa labas. Halos Hindi nila Makita Ang daan kung kaya Mabagal Ang naging takbo Ng sasakyan. "Talaga bang ihahatid Moko?" "Oo naman. Alangang sumugod ka sa ganyang kasungit na panahon. Mabuti kong pagbaba mo Ng sasakyan ay nasa tapat Mona Ang Villa Haciendo." "Salamat talaga kung gayon." "Pero Hindi sa nakikialam Ako, ha. Pwede bang Malaman kung ka ano-ano mo talaga Si Jaylord Haciendo at ano Ang pakay mo sa kanya?" Pagkuwa'y tanong Ng lalaki..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD