First Met
“Absolutely not.” Halos hindi man lang tinaasan ni Jeidence ang boses niya, pero sapat na iyon para tumahimik ang buong dining hall. Marahan niyang ibinaba ang crystal champagne flute sa mesa bago tumingala sa mga magulang niya. Still elegant, composed, terrifying and offended. Deeply offended.
“Daddy,” she said softly,
“If this is a joke, medyo expensive yata masyado ang setup.” Nagkatinginan ang ilang staff sa paligid, agad ding umiwas ng tingin ng tingnan ni Jeidence ng masama ang mga ito. Normally tahimik lang naman siya at napaka masunurin anak, pero kapag nag toyo siya yung bibig niya parang bukas na gripo na naiwan hindi pinapatay. Jeidence crossed her legs gracefully, saka inayos ang silk champagne dress niya na parang mas importante pa iyon kaysa sa pinag-uusapan nilang arranged marriage.
“Do I look that desperate? You want me to marry a Van Amstel?” She smiled politely.
“His name is Owen Van Amstel.”
“I know his name, the one na laging nasa tabloids looking emotionally unemployed?”
“Jeidence—”
“Jeidence—” Sabay pang saway ng magulang niya na ikinatarak ng mata niya.
“No, Mom Dad. Because I’m trying to understand.” Bahagya niyang tinaas ang isang daliri.
“Are we building a business alliance or adopting a problematic golden retriever?”
“You can’t seriously expect me to marry some happy-go-lucky heir na mas madalas pang nasa parties kaysa sa kumpanya. Daddy, please. I have weak nerves and expensive standards.”
“Hindi mo pa siya kilala.”
“And I would really, really prefer not to. Parang allergic yata ako sa bad decisions.” Walang naka imik sa magulang niya na obviously kahit ang mga itong may doubt din. Only the soft classical music echoed around the dining hall. Humigop ng wine si Jared bago seryosong nagsalita ulit.
“Merging with the Van Amstel will strengthen the empire we’re trying to build.”
“Jeidence, he’s actually very intelligent.” sambot pa ng Mommy naman niya.
“Mm.” Tumango siya nang mabagal.
“So are dolphins, Mommy but I don’t marry them.”
“I checked his Instagram.” kinuha niya ang phone at start scrolling then ipinakita sa mga magulang.
“There were motorcycles and gym selfies.” Then she looked up.
“I don’t think I’m strong enough for this kind of struggle. Ni wala siyang picture na nagtatrabaho siya gosh!" tumarak pa ang mata ni Jeidence na hindi talaga makapaniwala sa gusto ng mga magulang niya.
“I’m old enough to get married yes but not a sacrificial offering.”
“Watch your tone, Jeidence." babala ni Jared sa anak. Napairap siya saka bumaling ng tingin sa ibang diretsyon. Nakakainis, sobrang nakakainis parang gusto niyang i-off ang buong mundo na parang ilaw sa gala click tapos katahimikan na lang.
“Hindi pa naman final,” malamig na sabi ng ama niya, parang nagdidikta lang ng bagong business acquisition.
“We simply want you to meet him.” Napangisi siya, yung nakakainis.
“Ah yes. The classic ‘meet him’ stage… which in rich families usually comes with wedding invitations and coordinated floral arrangements.”
“Jeidence,” may babala sa boses ng mommy niya. Napahawak siya sa noo niya na parang literal siyang sinusubok ng universe.
God. Of all days.
“Wait lang,” she said slowly, blinking like she was trying to process a badly written script.
“So let me just clarify—may meeting ako… with a future husband… I didn’t even approve… and I don’t even know his middle name?” Hindi agad nakasagot ang parents niya na nagkatinginan lang. And that silence? Ibang level parang mas malakas pa sa sagot na kailangan ni Jeidence.
“Oh my God,” marahas na napahinga si Jeidence and standing up like a queen who just got mildly insulted by reality.
“Oh my God. This is not a family conversation, this is a corporate merger with feelings.”
“Jeid!” saway ng ina.
“You already decided,” she cut in, voice soft pero matalim. Yung tipong maayos pakinggan pero nakakakaba, dahil yung pasensya niya sumasagad na ng buong taon at kapag ganun masama yun.
“Because this is good for your future,” her father replied, as if that explained everything in the universe. Pagak na napatawa si Jeidence at hindi makapaniwala sa mga naririnig mula pa kanina.
“Whose future?” she asked, tilting her head.
“Mine? Or the company’s… because last time I checked, I was the daughter, not the quarterly report.” Silence again. There it was again. Her least favorite answer in the world. No denial, no reassurance just… silence. Napapikit siya saglit, huminga nang malalim, then kinuha niya yung designer bag niya na parang wala lang—like she wasn’t about to explode internally.
“Where are you going?” tanong ng ina na napasunod ng tingin sa kanya. She turned slightly, lips curved into a smile that was too pretty to be safe.
“To make bad decisions.” At bago pa may makapagsalita, lumabas siya ng dining hall like it was a runway, heels clicking against marble floors—each step louder, prouder, and just a little bit more dangerous than the last. The guards moved instinctively.
“Ma’am—” But she didn’t even look at them.
“Don’t,” she said softly, almost bored.
“If you run after me, I might actually start behaving difficult… and we don’t want that, do we?” Pagkalabas niya ng mansyon, sinalubong siya ng sikat ng araw na para bang spotlight na hindi niya hiniling pero bagay na bagay sa kanya—at tuluyan siyang umalis. She was not going to politely obey.
-
-
-
-
-
“Miss Jeidence, maybe you should slow down—”
“Excuse me?” napaawang ang bibig niya habang hawak ang pang-anim na shot glass.
“I’m heartbroken.”
“Hindi pa naman po kayo engaged.”
“That’s even worse.” Napabuntong-hininga ang bartender na napakamot ng ulo dahil kanina pa nito magkausap at halos maikuwento na niya rito ang lahat ng pinag-usapan nila ng parents niya. Nasa isa exclusive luxury bar sa pinakamataas na floor ng isang hotel sa Makati si Jeidence ang hotel na pinamumunuan ng Kuya Jael niya ang main hotel ng mga La Huerta. Dim ang lights, mahina ang jazz music, at puro mayayamang tao ang naroon. Perfect place para magdrama, nakaupo si Jeidence sa bar counter habang naka-cross legs at tuloy-tuloy ang inom.
“Another one,” utos niya.
“Miss—”
“Do I look like someone who accepts no for an answer?”
“No, ma’am.”
“Exactly. Now give another one.” Ilang minuto pa ang lumipas bago niya muling chineck ang phone niya. Still nothing, napasimangot siya.
Cross. Her stupid, beautiful, emotionally unavailable Cross ang bff niyang matagal na niya itong gusto. Tahimik lang siya tungkol doon dahil ayaw niyang masira friendship nila pero ngayong baka ipakasal siya sa iba? Gusto man lang niyang malaman nito. Kahit isang gabi lang. Kahit isang chance lang masabi niya rito ang tunay niyang feelings at matulungan siya sa problema niya. Kaya nga uminom siya for courage. Unfortunately… sumobra yata. Napahawak siya sa ulo habang umiikot ang paningin niya.
“Ang unfair…” malungkot niyang bulong.
“Bakit kailangan ko pang magpakasal sa lalaking hindi ko gusto…? Like hello! Excuse me—anong era ba to? Victorian times? Arranged marriage with matching estate merger? Duh! gosh! I am a person, not a strategic alliance with a pretty face.” huminga ng malalim si Jeidence na halatang lasing na.
“Hindi ba pwedeng kahit isang decision lang sa buhay ko, ako yung may signature? Hindi yung naka-pre-approved ng board of directors?”
“And can we talk about the fact na I haven’t even met him properly? Like—hi? Who even are you? Aside from being a walking ‘beneficial connection’?” ani dalaga na parang sarili nalang ang kausap.
“Grabe, I feel like I’m being emotionally IPO-listed. Parang I’m not a daughter… I’m a luxury asset with emotional attachments na optional lang.” muling tinungga niya ang baso ng alak niya.
“I just want to know—am I getting married… or being acquired? Why do I need to marry a golden retreiver."
“Maybe because rich people enjoy suffering.” Napalingon siya sa lalaking biglang umupo sa tabi niya. Matangkad, gwapo ahhh erase that super gwapo parang pang pintrest ang mukha ng lalaking katabi niya. Nakasuot ng simpleng blue chinese colar polo at dark jeans pero halatang mamahalin lahat ng suot. Relaxed ang aura nito habang umiikot ang baso ng whiskey sa kamay.
At higit sa lahat ang bango, kaso nakakairita ang mukha. Masyadong guwapo, para hindi na totoo. Tinitigan niya ito mula ulo hanggang paa.
“Call boy ka ba?” Halos mabilaukan ang lalaki sa iniinom.
“Excuse me?”
“Don’t worry,” kumpiyansa niyang sabi habang tinuturo ito gamit ang daliri.
“I support side hustles.” Napatawa ang lalaki, mababa at genuine at weirdly enough… maganda pakinggan ang tawa nito parang nakakagaan ng kalooban.
“Interesting opener,” sabi nito.
“Answer the question.”
“Hindi ako call boy.”
“Hmm.” Pinagmasdan niya ulit ito.
“Sayang.” Napailing na lang ang lalaki. Habang si Jeidence naman ay muling humigop ng alak.
“Bad day?” tanong nito maya-maya.
“Bad life.”
“Dramatic.”
“I’m rich. We don’t process emotions normally.” Napatawa na naman ito at doon bahagyang natigilan si Jeidence.
Okay. Cute siya kapag tumatawa.
Nakakainis.
“Boyfriend problems?” dagdag pa ng lalaki. Napasimangot siya.
“Almost marriage problems.” Bahagyang tumaas ang kilay nito.
“That sounds worse.”
“It is.” Tahimik ulit sandali. Hanggang sa kusa na lang siyang napasandal sa counter habang nakatingin sa glass niya.
“Do you ever feel like everyone already planned your whole life for you?” mahina niyang tanong. Hindi agad sumagot ang lalaki.
“Sometimes,” sagot nito matapos ang ilang segundo at hindi niya alam kung dahil ba sa alak o dahil sa malungkot na tono nito…
pero bigla siyang naging emotional.
“This is why I hate feelings,” reklamo niya.
“Noted.”
“I was supposed to confess tonight.”
“Confess?” Tumango siya.
“But now I think I’m just going to embarrass myself.”
“Depends.”
“On what?”
“If he’s stupid enough to reject you.” wika ng lalaki kaya napatingin siya rito. Diretso lang nakatingin ang lalaki sa kanya habang may bahagyang amusement sa mga mata nito at sa unang pagkakataon buong gabi… napangiti siya.
“Nag fli-flirting ka ba sa akin?”
“Maybe.”
“Hmm.” Tahimik siyang tumitig rito. Then without warning hinawakan niya ang damit nito at bahagyang hinila. Bahagyang nagulat ang lalaki.
“You’re really handsome,” seryoso niyang sabi.
“Thank you?”
“Okay.” Tumayo siya na bahagyang gumewang.
“Decision made.”
“About?”
“You.” sagot ni Jeidence. Tumaas naman ang kilay ng lalaki.
“Me?” Tumango siya. Pagkatapos ay ngumiti. Dangerously pretty.
“Samahan mo ko tonight.” Natigilan ang lalaki.
“At bakit ko naman gagawin ‘yon?”
“Because I’m sad.”
“That’s your reason?”
“Yes.”
“That’s concerning.”
“Please?” dagdag pa niya habang bahagyang nakapout. Napabuntong-hininga ito habang pinagmamasdan siya. Parang pinag-iisipan kung problema ba siya o entertainment. Honestly? Both yata. Then finally— tumayo na rin ito.
“Fine.” at doon nagsimula ang pinakamalaking pagkakamali ng gabing hindi na mapapagsisihan ni Jeidence.