bc

Falling In Love with Engkanto

book_age18+
9
FOLLOW
1K
READ
HE
second chance
goodgirl
campus
mythology
like
intro-logo
Blurb

Falling In Love With ENGKANTO

TEASER:

SA MASUKAL na kagubatan ay may isang napakagandang paraiso na hindi nakikita ng mga tao. Isa lang itong ordinaryong malaking puno kung makikita mo.

Ngunit lingid sa kaalaman ng lahat ay doon nakatira si Hamad, isang prinsipe ng mga Engkanto, matipuno, matangkad, guwapo at may konting tulis lang Ang kanilang mga tainga pero hindi iyon hadlang sa kanyang kaguwapuhan.

Bawal silang umibig sa tao dahil malaking kasalanan 'yon sa kanila. Kung sinuman ang lalabag dito ay paparusahan. Maaari lang nilan ibigin ay kauri nila.

*

Sa Mundo naman ng mmga tao nakatira ang babaeng, masayahin,mabait at maganda, siya si Zooey Zalliya Lopez, hindi sila mahirap at hindi rin sila mayaman—sakto lang!

Zach King Villarreal, mayaman, seryoso, matangkad at guwapo CEO ng ZV Perfume Company. Lihim na nagkakagusto sa kanyang sekretarya.

Magtatagpo ang kani-kanilang mundo dahil sa maling ginawa ni Hamad sa lagusan kung saan makakalabas sila patungo sa mundo ng mga tao. . .

chap-preview
Free preview
falling Inlove with engkanto
Falling Inlove with engkanto Chapter 1 KASALUKUYANG nagtatrabaho si Zooey sa ZV perfume company. Siya ang secretary ng mismong CEO ng kumpanya at 10 years siyang nagtatrabaho sa mga Villarreal. Kahit suplado ang CEO nila, ginagawa pa rin niyang mabuti Ang trabaho niya. “Miss Zooey, tuloy ba yung team building natin?” Tanong ni Shane sa kanya habang nag memeryenda sila sa canteen at ito ang nakakatanda sa kanila. “Oo nga, para naman maka relax tayo sa work, work, work, work,” sabat naman ni Lia, na NBSB pa rin. “Kung hindi talaga matutuloy yan, ma-dedead na talaga utak ko, tuyong-tuyo na nga oh," Ani ni Clark sabay turo pa sa kanyang ulo ito ang nag-iisang bakla sa kanilang grupo. Tumawa naman si Zooey sa tinuran nilang tatlo, “Napaka OA niyo, ang daming ninyong sinabi. Syempre tutuloy tayo at saka nakapag paalam na ako kay sir Zach." Ani niya sabay kagat sa sandwich. "Oh ano sabi?" Tanong ulit ni Lia. “Edi pumayag," sagot niya, napakasaya naman ng tatlo, nag-aapiran pa kaya napailing siya at napatawa na rin. Masaya siya kasi dahil parang kapatid na niya ang mga ito. Nasa states kasi ang isang kapatid at mommy niya, meron kasi itong negosyo na hindi maiiwan at ang kapatid naman niya ay doon nag-aaral. Ayaw din naman niyang humihingi lagi sa mommy niya kaya nag desisyon siyang magtrabaho bilang secretary sa ZV perfume company. KINABUKASAN dumating na sila sa isla Mahalaya at nasa gitna ito ng kagubatan. Napag-usapan nila na dito na mag team building dahil napaka presko ng hangin, walang maingay at napapalibutan pa ito ng dagat. Agad nilang inayos ang gamit patungo sa kani-kanilang mga kwarto. Pagkatapos ay agad silang bumaba para magsimula sa kani-kanilang gawain. “Ang ganda talaga dito noh? Nakaka refresh ng utak," ani ni Shane habang nag iihaw. “Alam niyo bang maraming nagsasabi na may mga ‘engkanto’ daw dito?” Dugtong pa nito. Napakapit naman si Lia sa braso ni Clark na agad namang umiwas “Natatakot ka eh mukha ka namang engkanto," biro nitong sabi. Hinampas naman agad ito ni Lia. “Eh ikaw nga para kang aswang," nguso nito sabay irap. Napatawa naman si Zooey kanila. “Hep, hep, tigil na. Alam niyo yang mga yan, hindi yan nag-eexist dito sa mundo," kontra niya. “Huwag kang mag sabi ng patapos miss Zooey at baka makakita ka dito ngayong araw. Kahit hindi ka naniniwala, kailangan mo pa rin mag ingat kasi hindi natin to lugar." Paalala pa rin ni Shane sa kanya. Hindi na siya kumibo. Tama naman ito pero ayaw niya pa rin maniwala hangga't hindi niya nakikita. PAGKATAPOS nilang kumain, naglaro agad sila ng sinaunang laro. Enjoy na enjoy sila at sinulit talaga nila ang araw hanggang mapagod sila at napagdesisyonang magpahinga. Sumapit ang hapon, bumaba si Zooey para maghanap ng signal dahil gusto kasi niyang tawagan ang mommy niya. Nakalimutan kasi niyang magsabi rito na walang signal ang pupuntahan niya at baka mag-aalala ito. **** NAGLILIBOT si Hamad sa kanilang palasyo ng mahagip niya ang kanyang tauhan na galing sa lagusan. Labis ang kanyang tuwa ng sa wakas ay nahanap niya na rin ang lagusan. Hindi kasi ito sinasabi ng kanyang ama dahil alam nitong lalabas siya sa palasyo. Hindi naman siya lalayas sa kanilang palasyo kundi gusto lang niyang masilayan ang mundo ng mga tao. Na malaman kung ano ang pinagkaiba sa kanila at kung bakit ipinagbabawal sa kanila ang umibig sa tao. Hinintay niya munang makapasok ang kanilang tauhan bago siya lumapit sa lagusan. Hindi naman siya tatagal sa labas, babalik agad siya dahil baka hanapin siya ng kanilang hari. Lumabas agad siya sa parang ipo-ipo na pinto at nasilayan agad ang isang kagubatan. HINDI na namalayan ni Zooey na nakalayo na pala siya sa tinutuluyan nila dahil sa paghahanap ng signal. Nang mapansin niya na hindi na pamilyar sa kanya ang paligid ay agad siyang kinabahan. ‘No! naliligaw na ba ako?’ Sigaw ng isip niya. Nagpalinga-linga siya sa paligid at baka sakaling may tao at makahingi ng tulong pero ilang minuto na siyang naglalakad pero wala pa rin siyang makita. MALAPIT ng lumubog ang araw at naka-upo pa rin si Zooey sa malaking kahoy. Halong emosyon ang kanyang nararamdaman: Takot, pag-alala, kinakabahan, may iba rin kasi siyang nararamdaman sa paligid at naninindig ang balahibo niya. Ito na ba yung sinasabi ni Shane na may engkanto? Napailing siya, hindi sila totoo, isa lamang silang kathang-isip. ‘Paano kung mamatay na ako dito? Paano kung makita ako ng isang mabangis na hayop at lapain ako? Paano kung kunin ako ng engkanto?’ Sigaw ng isip niya hanggang umiyak na lang siya at tinakpan ang mukha gamit ang dalawang palad. MASAYANG namasyal si Hamad sa loob ng kagubatan at mas lalong gumaan ang pakiramdam niya. Hindi kasi ito tulad sa kanilang palasyo na laging may mga nakabantay na tauhan nila. Naintindihan naman niya ang kanyang ama sa mga desisyon nito na bawal umibig sa mga tao. Para rin naman kasi sa kanilang kalahi iyon at ito lamang ang dahilan para maprotektahan sila sa mga masasama. Nasa tapat na siya ng malaking kahoy kung saan siya dumaan kanina. Balak niya ng bumalik dahil baka hahanapin siya ng kanyang ama kung sakaling malaman nito na wala siya sa palasyo. Napakunot ang noo niya nang makita ang isang babaeng umiiyak. Akma na sana niya itong lapitan nang umangat ang mukha nito at nakita siya. NAPATAYO si Zooey sa kahoy ng makita niya ang isang lalaki nakatayo sa hindi kalayuan sa kanya. Akma sana itong lalapit sa kanya kaya napaatras siya. Hindi naman ito nakakatakot kundi gwapo naman ito. Napansin niya lang kasi na ang tenga nito ay hindi tulad sa kanya dahil ang mga tenga nito ay matutulis. “Huwag kang lalapit!" Banta niya kahit nanginginig ang boses. Alam niya kasi na hindi ito ordinaryong tao at ito ang tinutukoy ni Shane na engkanto. Agad siyang kumuha ng kahoy para kung sakali may ipanglaban siya. “Oo, magkaiba tayo. Tao ka, engkanto ako. Pero hindi ako masama tulad ng iniisip mo." Seryosong sabi ni Hamad at hindi na rin tinuloy pang lumapit dahil baka paluin pa siya ng kahoy kapag lumapit siya. “Paano ako makaka-siguro? Naligaw na nga ako ehh. Hindi ko na alam kung saan ako pupunta para makauwi at sabi ng Lola ko noon, kapag naliligaw ang isang tao, engkanto ang may kagagawan non!" Garalgal na sabi naman ni Zooey, natatakot na kasi siya. “Tutulungan kita," ani nito. “Ayoko! Baka ano pa ang gawin mo sa akin at kahit na gwapo ka pa, hindi mo ako malilinlang!" Sigaw niya. “Sige babae, uuwi na ako." Bubuksan na sana niya ang lagusan ng may naisip siyang kalokohan na agad niyang ikinangiti. “Nakakita nga pala ako kanina ng isang nilalang. Hindi ko nga lang mawari kung ano iyon pero nakakatakot ang itsura, parang nangangain ng tao kaya mag-iingat ka babae," sabi niya habang nakangiti at agad niya ng binuksan ang lagusan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
195.5K
bc

Wife For A Year

read
70.3K
bc

BAD MOUTH-SSPG

read
19.8K
bc

Heiress Bodyguard (Tagalog / SPG)

read
13.7K
bc

Mang Julio (SSPG)

read
43.3K
bc

SYLUS MONTENEGRO

read
14.9K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
318.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook