chapter 9

1541 Words
FALLING INLOVE WITH ENGKANTO AUTHOR: IANNAH CHAPTER 9 PAGKIKITA Sigaw ng sigaw si Zacheus sa kagubatan na dala dala Ang anak niya na umiiyak. gusto niyang makausap Ang hari ng mga engkanto, alam niyang Galit ito dahil sa nangyari sa kanila ni Emily pero Sana Hindi dinamay Ang bata. Ilang sandali lang Isang liwanag Ang lumabas sa kanyang harapan at ito Ang hari ng mga engkanto. "Anong ginawa mo sa bata? Bakit mo siya dinamay?" Galit na sigaw ni Zacheus Dito pero kalmado lang Ang hari na tumingin sa kanya at sa bata. "Anak ko yan kaya ganyan Ang itsura dahil isa yang engkanto" "Ayoko at Hindi ako naniniwala sayo, anak ko Ang batang ito" Sigaw niya Dito at umalis na, bumalik siya sa Bahay nila ni Emily at naabutan niya itong nagkamalay na katabi Ang Isang kambal. Nalaman na din nito Ang Ang tunay na kalagayan ng Isang kambal, Hindi naman maiwasang mapaiyak ni Emily Hindi siya makapaniwala, na anak ito ng hari. sinabi sa kanya ni Zacheus Ayaw niyang Gawin Ang Isang bagay pero kailangan dahil na Rin sa katauhan nito, kaya napagdesiyonan niyang ibigay ito sa hari na naging karelasyon niya at minahal niya. Mahal niya Ang haring engkanto pero Hindi pwede dahil may parasuha ito na kamatayan at ayaw niyang may mangyari ditong masama. kaya siya nagpabuntis Kay Zacheus na kaibigan niya para layuan na siya ng hari kahit masakit sa kanya. Nalaman ni Zacheus na binigay niya Ang bata at Galit na Galit ito pero kalaunan naintindihan na Rin nito Kung bakit niya yon ginawa. Pero Ang nararamdaman niya Dito sa Asawa ay Hindi katulad ng pagmamahal niya sa hari Hanggang sa namatay ito at may ipinagtapat ito sa kanya. Nanumbalik sa malalim na pag iisip si emily ng may biglang tumawag sa kanyang cellphone pinahid niya Ang luha niya at sinagot ito. "Hello Pete?" "About sa pinagawa mo tita, Bukod sa nakalagay sa BioData ni Hamad yong janitor Wala na siyang mga magulang,Wala din siyang mga Kapatid malayo din Ang tirahan nito nasa Visayas sa pagkaka alam ko po kay Zooey sYa nakatira" Napa kunot noo naman Ang ginang "Magkakilala Sila ni Zooey?" "Yes po, magkaibigan Sila" "Sige Pete salamat, bumalik kana sa trabaho mo" "Ok tita" Agad siyang umalis at napag desisyonan niyang puntahan si Zooey ito lang Ang makakasagot sa mga katanungan niya. Malakas Kasi pakiramdam niya sa janitor na yon. *** Pabalik balik ng lakad si Zooey sa Sala nalilito Kung Sabihin ba niya Kay Hamad Ang tungkol sa nanay nito na nahanap na niya. Ayaw naman niyang mag sinungaling Dito Kasi nakokonsensya siya pero ayaw din naman niyang mawala ito sa kanya. Pupunta Sana siya sa kusina para kumuha ng tubig ng may kumatok sa pintuan niya kaya agad niya itong binuksan at nagulat siya dahil Hindi niya inaasahan na si donya Emily Ang bibisita sa kanya. "Ma'am Emily, napadalaw po kayo" Saad agad niya at nakipag beso beso siya Dito pumasok naman Ang ginang at umupo sa sofa. Nanibago naman si Zooey sa pananahimik nito at parang may hinahanap ito sa Bahay niya. "Anong gusto niyong inumin ma'am?" "Juice na lang Zooey" Tumango naman siya at agad tinungo Ang kusina. ilang sandali lang nakabalik na siya sa Sala na may dalang juice at nilapag iyon niya yon sa mesa na Malapit Kay donya Emily. "Thank you, I came here Kasi may gusto akong Malaman." Kinabahan naman si Zooey pero pinanatag niya Ang kalooban "Ano po yon ma'am Emily" "Saan mo na Kilala si Hamad?" Deretsa namang Tanong nito na ika gulat niya, paano nito nalaman tungkol Kay Hamad Wala naman siyang pinagsabihan tungkol Dito kahit sa BioData nito Iba Ang nilagay niya. *** Magkaharap naman si Zach at Hamad sa ipisina nito pinatawag Kasi niya ito dahil gusto niya itong makausap. pinakiramdaman niya Ang Sarili Iba Ang koneksyon niya Kay Hamad simula nong pinakilala ito ni Zooey sa kanya pero binaliwala niya lang iyon . Pero ngayong magkaharap na Sila kitang kita niya Kung saang bahagi sa Mukha Sila magka pareho. Ganon din si Hamad, Tama nga sinabi ni Zooey sa kanya magkamukha Sila. "Ano po Ang ipapalinis niyo sir?" Tanong niya Dito na ika buntong hininga naman ni Zach Sabay Tayo at lumapit sa kanya "About Zooey, alam Kung may gusto ka din sa kanya. Hindi ako Tanga para Hindi Mahalata yon." "Hindi naman siya mahirap ma gustuhan" Saad niya na Hindi tumitingin Kay Zach nakayuko lang siya habang si Zach naman nakatitig sa kanya "Pero Wala akong balak agawin siya sayo kaya Wala Kang Dapat ipag alala" Dugtong niya Hindi naman kumibo si Zach nakatingin lang siya Dito at Kita niya sa mga mata ni Hamad na malungkot. *** Sinabi lahat ni Zooey Kay donya Emily Kung paano niya nakilala si Hamad at sinabi din niya kung bakit ito narito sa Mundo nila. Humagohol lang ng iyak Ang ginang nangulila talaga ang anak niya sa kanya at namimis din siya ito, gustong gusto na niya itong mayakap. Tama na naman din Ang ginawa ni Zooey na Sabihin Dito para Hindi na malungkot si Hamad at makapiling na niya Ang nanay niya. "Anong Oras siya dating hija?" Tanong nito na Hindi na makapag hintay na Makita Ang anak. "Ganitong Oras po maam, hintayin lang natin...Hindi po ako makapaniwala na kakambal ni sir Zach si Hamad ma'am" "Hindi din ako makapaniwala na magkita kami Ngayon ng anak ko . Gusto ko na siyang Makita" Maluha luhang Saad nito, TILA napahinto naman si Hamad sa narinig papasok na Sana siya ng Sala ng narinig niya Ang pinag usapan ng mga ito tungkol sa kanila ni Zach. Dahan dahan siyang lumapit sa mga ito, Nakita niya si Zooey at sa nakatalikod na ginang tumingin naman si Zooey sa kanya at agad tumayo. "Hamad andito na nanay mo" Salubong niya Dito tumingin naman si Hamad sa gawi ng ginang na lumuluhang nakatingin sa kanya. Napaiyak na Rin siya at agad niyang niyakap Ang nanay niya at humagolhol. "Maiwan ko Muna kayo" Paalam ni Zooey sa mga ito at lumabas na siya ng Bahay para mag pahangin. Hindi pa umalis si Hamad pero napakalungkot na niya, iniisip niya palang parang dinudurog na siya. Pinunasan niya Ang kanyang mga luha dahil kusa na itong bumabagsak sa mga mata niya pero kailangan niyang maging masaya para Kay Hamad kailangan niyang tanggapin na Hindi Sila pwede. *** "Mahal na hari nagkita na Ang mag ina" Saad ni turo na kararating lang "Pauwiin Muna siya Tapos na tungkulin niya Doon at ayokong mag tagal Sila na magkasama!" Galit na Turan nito agad naman sumunod si turo at bumalik sa Mundo ng mga tao *** Maraming na ikwento si Hamad sa kanyang Ina at masaya siya dahil Nakita na niya ito. Gusto niyang ayaw na bumalik sa kaharian pero Hindi naman pwede dahil nandoon Ang Buhay niya at doon siya nararapat. Hindi niya maiwasang malungkot ulit dahil Ang Ina naman niya Ang iiwanan niya Pati na Rin Ang babaeng pinakamamahal niya. "Hindi ako magtatagal Dito sa Mundo niyo ina, babalik din ako sa mahalaya. Dahil iyon Ang pangako ko Kay ama na Oras Makita kita, uuwi ako" Malungkot na sabi nito hinawakan naman siya sa magkabilang pisngi ng ginang "Huwag ka ng babalik don Dito ka na lang" "Gugustuhin ko man Ina pero Hindi pwede Hindi ko din pwedeng iwan Ang ama ko" "Pero bumalik ka Dito hah, bumalik ka" Tumango naman si Hamad at ngumiti, ngumiti din Ang ginang at niyakap siya ulit ng mahigpit. *** Hindi maipaliwanag ni Hamad Ang nararamdaman dahil sa saya na Makita Ang Ina. halos dalawang Oras din Silang nag kwentuhan nito kulang pa nga yon sa matagal nilang Hindi nagkasama. Nakita niya si Zooey sa balkonahe ng Bahay nito na parang malalim Ang iniisip Kay nilapitan niya para magpasalamat. "Salamat nga pala za, sa lahat lahat ng naitulong mo Sakin. Hindi ko ito makakalimutan" Saad niya sabay tabi Dito na nakatayo at naka tanaw sa malayo. Unti unti naman itong lumingon sa kanya na umiiyak pero agad naman itong pinahiran ng dalaga. "Uuwi kana?" Garalgal na boses niya Pilot naman nilalabanan ni Hamad Ang damdamin gusto Kasi niya itong yakapin dahil nasasaktan siya pag umiiyak ito. "Bukas uuwi ako" "Paano nanay mo?" "Sapat na sa akin na Nakita ko siya at naging buo narin pagkatao ko. Sapat na sa akin na nalaman ko na minahal niya Rin ako" Napa Yuko si Zooey at humihikbi "Paano ako Hindi ba ako naging parte ng Buhay mo?" Tanong niya Dito , napapikit naman si Hamad. kinuha niya Ang dalawang kamay ni Zooey at tinitigan ito. "Hindi ka lang naging parte ng Buhay ko zalliya ikaw na Ang naging Mundo ko. Hindi ko alam Kung bakit pero bigla na Lang kitang minahal, pilit Kong nilalabanan dahil Hindi pwede sa Amin na mahalin Ang Isang tao. pero ikaw parin Ang sinisigaw ikaw parin zalliya" Umiiyak na saad ni Hamad, Mahal siya nito at masarap sa pandinig niya na mahal din siya ni Hamad. "Mahal na mahal din kita Hamad, matagal na kitang minahal Kung alam mo lang" "Pero Hindi pwede maging Tayo at Sana maintindihan mo" Sabi nito na agad hinalikan Ang noo ni Zooey at agad siyang tumalikod Dito para Hindi na niya Makita itong nasasaktan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD