FALLING INLOVE WITH ENGKANTO
AUTHOR: IANNAH
CHAPTER 11
HIDING
Sikat na Ang pinatayong restaurant ni Zooey at pinangalanan niya itong ZALLIYA RESTAURANT na dinadarayo ng mga vlogger at sikat na mga celebrity. May isa na din siyang branch nito sa Visayas na Ang mommy niya Ang nag aasikaso pupunta lang siya Doon kung may importanteng aasikasohin.
Lubos siyang nagpapasalamat Kay Zach na boyfriend niya dahil lagi itong nakasuporta sa kanya. Kung Hindi dahil Dito Hindi niya makakamit ang lahat ng pangaral niya sa Buhay.
Nalaman niyang may isa ding sikat na restaurant na dinadarayo din ng mga turista at gusto Sana niya na mapuntahan iyon at gusto niyang mag invest para mapalago Lalo Ang kinikita sa restaurant niya.
"love, Gusto Kung mag invest ng Pera what do you think?"
Sabi niya habang kumakain Sila ng breakfast sinusundo Kasi siya nito palagi kaya minsan sa Bahay niya ito kumakain. tumigil naman ito sa pagkain at tumingin sa kanya.
"Hmm I think that is a good idea. pero Dapat kapag mag invest ka siguradohin mong pagkakatiwalaan mo yong pinag invesan mo"
"Oo naman, hmmm Napuntahan mo na ba yong Bagong restaurant balita ko Kasi Doon dinadayo din yon ng mga celebrity. bago pa lang yon ha pero sikat na"
"So Doon mo gusto mag invest?"
Tanong nito na tapos ng Kumain, tumayo na din si Zooey at nagligpit na
"Oo pupuntahan ko yon Mamaya"
"I'll be with you"
"Baka kailangan ka sa office ako nalang kaya ko naman"
"No love, sasamahan kita. nandoon na din si Pete at alam niya Ang gagawin pag Wala ako"
Napabuntong hininga naman si Zooey Wala siyang magawa Kong Hindi sumunod Dito.
"Ok fine, hintayin mo ako sandali lang akong magbibihis"
Tumango naman si Zach at umakyat na siya sa taas, ilang sandali lang tapos na siyang mag bihis lalabas na sana siya ng ma sulyapan niya Ang picture ni Hamad sa table niya. Hindi pa ito nakikita ni Zach dahil nirerespeto naman ng binata Ang privacy niya kahit mag gf-bf na Sila.
Hindi lang niya maiwasang malungkot pag naalala niya si Hamad. Minahal niya ito ng higit sa Buhay niya pero Hindi Sila tinadhana. siguro masaya na ito Ngayon, Sana masaya na siya kahit Wala ako sa piling niya.
Sigaw nalang ng malikot niyang isip at napabuntong hininga. lumabas na siya ng silid para makaalis na Sila ni Zach excited na Kasi siyang puntahan Ang restaurant na para bang may tumutulak sa kanya na puntahan ito.
***
Abala si Hamad sa pagluluto ng mga order ng customer nila mayron naman silang chef pero gusto din niyang magluto dahil hobby niya talaga iyon at masaya siya sa ginagawa niya. Nakapagtapos siya ng bachelor of science in hotel and restaurant sa tulong ng kanyang mama at naka pagpatayo siya ng malaking restaurant mayron din siyang hotel na pinapatayo pero Hindi pa tapos.
"Hello ma"
Habang palabas siya ng restaurant at patungo sa sasakyan niya.
"Are you busy?"
"Yes ma, I have a meeting with my investor now" sabay pasok sa kotse niya
"Ok good luck anak"
"Thank you ma" At Binaba na niya Ang cellphone sabay binuhay Ang makina sa sasakyan niya
Paalis na Sana siya ng Makita ang Isang babae na Hanggang Ngayon mahal parin niya na lumabas sa sasakyan at sumunod naman si Zach at inalalayan ito papasok sa restaurant niya.
Masaya Ang dalawa sa nakikita niya at nasasaktan siya pero tatanggapin nalang niya Ang katotohanan na hindi Sila Ang nagkatuluyan.
alam niyang may malaking restaurant din si Zooey at masaya siya para Dito pero Ang pinagtataka niya ay Kung bakit andito Sila ni Zach sa restaurant niya. kaya Dali Dali niyang tinawagan Ang assistant niya Kung may naghahanap sa kanya ay sabihin na Wala siya at busy.
***
"Jach's restaurant? ito Pala name non at masarap Ang mga pagkain nila Diba love?"
Tanong niya ka Zach na sarap na sarap din sa pagkain kaya napangiti siyA katulad din ito Kay Hamad na matakaw sa pagkain. nakatingin naman ito sa kanya na may pagtataka.
"Mayroon ba akong pagkain sa gilid ng bibig?"
"Wala, hmm Ang gwapo mo lang Kasi lalo kapag kumakain"
Ngumiti naman si Zach at kumuha ng tissue sabay pahid sa gilid ng bibig ni Zooey
"Ikaw din naman tingnan mo nagkalat pa sa gilid ng bibig mo"
Natatawang saad nito na ikatawa na din niya. pagkatapos nilang Kumain pumunta agad Sila sa counter.
"Hmm miss can I talk to your manager"
Sabi ni Zach na ika gulat naman ng kahera
"B...bakit po sir may problema po ba?"
"No actually masarap nga Ang pagkain niyo and my girlfriend love it so much. Gusto lang namin makausap Ang manager niyo about business matter"
"Okay sir pero Wala Dito Ang manager namin naka alis na po bago lang"
"Sayang naman"
"Pero mag Iwan na lang po kayo ng contact number at pangalan po sasabihin ko na Lang po Mamaya Kay sir jach para tawagan po kayo"
Sabi nito na ikatuwa ni Zooey, agad naman niyang binigay Ang contact number at pangalan niya.
***
Pagkatapos ng meeting ni Hamad sa mga investor bumalik siya restaurant at pumunta sa office niya. Laman parin Kasi ng isip niya si Zooey, mas Lalo na siyang gumanda Ngayon at mas lalo niya itong minahal.
Napapikit siya at napabuntong hininga bakit ba Hindi mawala sa kanyang puso si Zooey kahit Anong Gawin niyang paglimot Dito Hindi parin nawawala.
Isang Katok Ang nanumbalik sa kanyang pagiisip kaya napaupo siya ng maayos at kunwaring abala siyang nag babasa ng mga papeles.
"Come in"
Sabi niya at agad bumukas Ang pinto at pumasok Ang assistant niya si Nicholas na best friend niya nong college.
"How's your day? Your meeting with the investors?"
Tanong nito habang Paupo ito sa upuan na sa harap niya, tiniklop naman niya Ang folder at hinarap ito.
"Doing great and this coming week they will sign the contract" Saad niya
"Congrats dude I'm proud of you"
"Thanks"
"Hmm by the way may nagpunta Dito kanina and na gustohan nila mga pagkain natin and wiling Silang mag invest. Hinahanap ka nga nila but nag Iwan Sila ng contact number at pangalan"
Sabay abot ni Nicholas ng card, napakunot noo naman si Hamad habang Kinuha ito at binasa. Halos mag karerahan Ang puso ni Hamad ng mabasa niya pangalan ni Zooey sa dinami Dami ng iBang restaurant bakit sa kanya pa na iniiwasan na niya.
"Ok ka lang jach?"
"Bakit siya pa?"
Tanong niya Dito na ikataka naman ni Nicholas at tumingin sa card na inilapag ni Hamad sa mesa niya.
"Zooey Zalliya Lopez? Diba siya iyong...."
"Yeah siya nga, alam mo nicholas Marami namang malaking restaurant eh bakit Dito pa!?" Inis niyang Saad Dito
"Destiny? Do you believe in destiny?"
Hindi siya kumibo sa sinabi ni Nicholas, Tadhana ba kaya Ang gumagawa ng paraan para makalapit Sila sa isa't isa?
Napailing siya sa isipan na iyon, Masaya na siya na isa na siyang tao pero ayaw naman niyang masira Ang relasyon ng kambal niya at si Zooey Hindi siya makasarili para Gawin Ang bagay na ikasira nila kahit mahal pa niya Ang dalaga.
"Dude just think of it, sayang naman Malaki Pana man Ang iinvest nila. Tandaan mo business is business walang personalan"
"Kaya ko kaya siyang harapin?"
"Wala kana Mang kasalanan ehh, Hindi mo lang alam pagkatao mo non kaya mo yon ginawa. Nagmahal ka lang bro at Hindi yon kasalanan. Kung gusto mo ako na lang haharap sa kanila as your assistant manager Kung Hindi mo pa kayang humarap"
"Pagiisipan ko Nicholas tatawagan nalang kita Kung makapag decide na ako, salamat ulit"
"Your always welcome dude, alis na ako may date pa Kasi ako eh"
Ngiting sabi nito at tumango naman si jach bilang Tugon. nagpapasalamat talaga siya dahil Bukod sa mommy niya may kaibigan siyang naintindihan siya at lagi siyang pinapakinggan pag may problema.
***
Pag dating ni Zooey sa restaurant niya ay agad siyang pumunta sa kusina para alamin Kung ok lang ba Ang mga staff niya. Pasado alas singko na Kasi ng hapon pero Marami paring taong kumakain at nasasarapan sa pagkain nila.
Habang abala siya sa pag entertain ng mga costumer ay napansin niya Ang lalaking naka upo sa may sulok ng mesa nila na naka cup na black at jacket. Familiar din sa kaniya Ang postura nito Ang pagka kisig ng pangangatawan pero Hindi niya masyadong maaninag Ang Mukha nito dahil naka Yuko Ang lalaki.
Akma Sana niya itong lalapitan ng naunsa siyang nilapitan ng vlogger at interview siya. kaya Hindi na niya napansin Ang lalaki dahil sa pagsagot niya ng katanungan sa Isang vlogger.
Pagkatapos siyang kausapin ng vlogger ay Tiningnan niya ulit Ang lalaki pero tumayo na ito at mukhang aalis na, ng masilayan niya Ang side view nito ay laking gulat niya ng si Hamad Ang Nakita niya kaya agad agad niya itong hinabol.
Pagdating niya sa labas ay wala na ito, pero Hindi talaga siya nagkakamali si Hamad talaga Ang nakita niya. paano Kung namamalik mata lang siya kakaisip Kay Hamad sigaw ng isip niya. kaya napabuntong hininga siya at napa sabunot sa buhok Kung ano ano na lang Kasi Ang iniisip niya sabay pasok sa restaurant niya.
Nakapasok na si Zooey sa loob ng restaurant ng bigla namang lumabas Ang lalaki na nagtatago sa gilid ng sasakyan na naka parking at sinusubaybayan Ang dalaga sa malayo.
***
Pagod na hinubad ni Hamad Ang jacket at Ang cup muntik na siyang mahuli ni Zooey kanina mabuti na lang nakapagtago siya. Minsan sa Sarili Hindi niya maintindihan may pagkakataon kasing gusto niyang Makita Ang dalaga kahit masilayan lang ito sa malayo minsan naman gusto niya ng malayo dahil sinasaktan na niya Sarili niya pag nakikita niya Sila Zach at Zooey.
"Tired?"
Bungad ng mama niya sa kusina ng condo niya pinagluluto Kasi siya nito tuwing dinner at nagdadala na lang ito ng ulam pauwi para sa kanila ni Zach.
"Yes ma"
Saad niya at hinalikan ito sa pisngi
"Hmm Kumain kana tapos na akong magluto at aalis na din ako baka hanapin ako ng kakambal mo"
"Ma..gusto ni Zooey mag invest sa restaurant ko"
Napabuntong hininga naman Ang ginang sa sinabi niya. ito na ngang sinasabi niya, pilit ni Hamad na lumalayo, pinaglalapit naman Sila ng Tadhana ni Zooey
"Son Hindi it's about time siguro na magpakita kana sa Kapatid mo at Kay Zooey. Hindi mo Kasi Malaman Ang sagot kung patuloy Kang nagtatago"
Sabi ng Ina niya napayuko naman siya at pinahiran luhang umagos sa kanyang pisngi.
"I will ma, pero Hindi pa Ngayon"
Saad niya sabay Tayo at pumasok na sa kanyang silid. naiwan namang Ang ginang na naawa sa anak na nahihirapan.
Pagpasok niya sa silid agad niyang kinontak Ang kaibigan na si Nicholas at sinabi niya Dito na magkita Sila bar Kung saan Sila umiinom.
Hindi na siya nakakain pa sa luto ng mama niya dahil pag alis ng mama niya ay umalis din siya agad. Gusto Kasi niyang uminom para makalimot lang saglit sa sakit na nararamdaman.
"Himala hah gusto mo ng uminom. Hindi tulad ng Dati ako pa yong magyaya sayo"
Saad ni Nicholas sabay lagok ng alak pero siya Hindi pa niya ginagalaw Ang alak niya tumitingin Muna Kasi siya sa mga tao na nag sasayaw.
"Set me an appointment with her"
"Hindi na magbabago isip mo?"
Umiling naman si Hamad
"Okay"
Saad nito sabay lagok ng alak, nakarami na ng inom si Nicholas kaya nasa ginta na ito ng crowd at may kasayaw na babae kaya napailing siya at napatawa Hindi talaga nag babago Ang kaibigan niya playboy parin.
"Hi"
Napalingon naman siya sa katabi niya dahil bigla na Lang itong sumulpot na may dalang alak.
"Hello"
Bati niya din Dito at binalik Ang atensyon sa alak Hindi Pana man siya lasing kaya alam pa niya Anong nangyari sa paligid at Wala siyang balak mag intertain ng babae.
"I'm Zabrina and you are?" Pagpakilala nito
"I'm Jach Villarreal"
"Oh Wala ka bang Kasama?"
"Mayroon andoon sa crowd may kasayaw"
"Gusto mong sumayaw Tara sayaw Tayo"
"Wala ako sa mood makipag sayaw at Wala ako sa mood makipag kwentuhan kahit kanino and please just go I'm not interested"
Prangkang Sabi niya Dito na ikagalit naman ng babae at padabog itong umalis. kahit nahihilo na Kasi siya laman parin ng isip niya ay si Zooey kulang na lang ibagok niya ulo sa pader para makalimot.
Hindi niya alam na may Isang grupo Pala Ang naka kilala sa kanya na may pagtataka sa Mukha. Hindi Kasi sila sigurado Kung siya ba talaga dahil sa pananamit niya oh namamalikmata lang Sila.