Alazne * * " Binili kita ng strawberry ice cream." Nakangiti na wika ni Devon sabay abot ng ice cream cup saakin. Naupo siya sa tabi ko kinuha ko ang bigay ni Devon hinawakan ko ang kamay niya " Tagal mong nawala! kumusta ang business?" tanong ko " Okay lang naman! Marami lang akong pinagkabahan ng mga nakaraan kaya ngayon lang ako nakabalik. Kumusta kana?" Tugon niya na may kasamang tanong " Pakiramdam ko nanghihina ako! Madalas sumasakit ang ulo ko hindi ko alam kung bakit nanghihina ako palala ng palala ang nararamdaman ko." Pagsisinungaling ko " Hindi pa malala ang sakit ko. Madalas ang pananakit ng ulo ko pero hindi katulad ng dati na parang mabibiyak. Kaya ko lang naman nalaman agad na may sakit ako dahil sa nagkasakit din si mama dati kaya inisip ko agad na pwede akong matul

