Alazne * * " Nanghihina na naupo ako sa ilalim ng puno may naalinag ako na kubo hindi ko alam kung nasaan na ako basta malayo na ako sa binabaan saamin ni mang Pablo. Hindi ko na rin pinansin ang umaagos na dugo sa pagitan ng hita ko. Tumayo ako naglakad ako patungo sa kubo. " Tao po, Tao po. May tao po ba d'yan?" Sigaw ko Ilang sandali lang may lumabas na matandang babae " Sino sila? Diyos ko pasok." Gulat na wika ng matandang babae " Maupo ka. Diyos ko Anong nangyari sainyo?" Nag aalala na tanong ng ginang " May humahabol saamin gusto kaming patayin. Pakiusap po tulongan nyo ako." Pagmamakaawa ko " Si---- Hindi ko na naintindihan ang sinasabi ng matandang babae, nawalan na ako ng malay. Nagising ako sa iyak ng sanggol napabalikwas ako ng bangon. " Naku iha huwag kang bum

