CHAPTER 46 (Part 3)

1053 Words
CHAPTER 46 (Part 3) Hindi kaagad nakapagsalita si Oliver dahil sa biglaang sinabi ni Avery. Para bang tumigil ang mundo niya sa mga salitang iyon at nawawala na sa katinuan ang kanyang pagkatao. Pinilit niyang labanan ang epekto ni Avery sa kanyang sistema dahil alam niyang mali iyon. Ayaw niyang masaktan si Elisa—ayaw niyang mangyari kay Lianna kung ano man ang sakit na maipaparanas niya kay Elisa kapag hindi siya tumino. Hindi mapigilan ni Avery ang pag-ngisi niya dahil sa reaksyon ni Oliver. Hindi alam ng binata kung saan ito titingin dahil naging malikot ang kanyang mga eyeball at para bang may nilalabanan ito. Palihim na natawa si Avery dahil alam niya kung ano ang nilalabanan ni Oliver. “I'm really affecting you that much, huh?” natatawang tanong ni Avery kay Oliver. Sasagot na sana siya ang kaso nga lang ay sabay na silang napatingin kay Lianna na ngayon ay may ngiti sa labi habang dala-dala niya ang pagkain para kay Avery. Ang mabuti na lang ay nakapag-grocery na ang kanilang ina kaya kahit papano ay may miryenda sila. Kung wala silang mapapakain ngayon kay Avery ay talaga namang nakakahiya at kapag nalaman pa ng kanilang ina iyon ay baka mapagalitan lang sila dahil waa silang napakain sa bisita. “Here,” sabay lapag nina Lianna at Oliver sa kawayan nilang table sa sala. Umayos ng upo si Avery para makakuha ng tinapay kahit na mukhang mumurahin lang naman ang tinapay na iyon dahil walang brand ng isang sikat na bakery. Umupo si Lianna habang punong-puno pa rin ng adorasyon sa kanyang mga mata havang tinitingnan niya si Avery. Nag-alinlangan pang kumuha si Avery dahil baka hindi niya magustuhan ang lasa o 'di kaya naman ay sumakit ang kanyang tiyan pagkatapos niyang kumain. Ngunit nang mapansin niyang nakangiting nakatingin sa kanya si Lianna at mukhang umaasa siya na kumuha siya ay wala siyang pag-alinlangan na kumuha ng isang pirasong tinapay. Lalong lumawak ang ngiti ni Lianna dahil sa ginawa ni Avery. “I'm sorry kung hindi siya katulad ng mga paborito mong tinapay galing sa mga mamahaling bakery,” paghingi ng tawag ni Lianna. Alam niyang mahilig sa mamahalin na gamit at pagkain ang kanyang iniidolo dahil lagi talaga siyang bumibisita sa IG para lang makita niya ang mga story ni Avery. “No, it's okay!” agap agad ni Avery. Kahit na gusto na niyang umikot ang kanyang mga mata ay hindi niya magawa dahil kailangan niyang maging mabait sa harapan ni Lianna. “It's good,” tumatangong sambit ni Avery habang nginunguya niya ang tinapay na hindi niya alam kung anong tawag, may pink siya sa gitna, may asukal sa taas at margarine. Gusto niya mapangiwi dahil matamis iyon, sinabi niya lang na masarap ito pero ang totoo ay hindi naman talaga. Gusto niya lang pakisamahan si Lianna dahil isa siya sa malapit kay Oliver at magiging madali ang plano niya kapag nagkataon. Alam niya na kapag napalapit ito sa kapatid niya ay mapapalapit siya lalo sa binata. Hanggang sa wala ng choice si Oliver kung hindi tanggapin na parte na si Avery sa buhay niya. “Pan de regla ang tawag namin diyan!” magiliw na sambit ni Lianna may Avery habang kumakain siya ang kaso nga lang ay nabulunan bigla si Avery dahil sa kakaibang pangalan na tawag sa tinapay na hawak niya. Hindi naman siguro madumi ang pagkakagawa dito. Dahil nga nabulunan siya ay nagmamadali ang dalawang magkapatid sa pag-alay sa kanya ng juice. Ngunit kinuha ni Avery ang binibigay na juice ni Lianna para mapalapit sa dalaga at para na rin maasar niya si Oliver. Nang uminom siya ay napasinghap si Oliver at siya na lang din ang uminom sa dapat ay ibibigay niya kay Avery. Dalawang beses itong umiling dahil bigla siyang nagtaka kung bakit sobrang bilis naman niyang bigyan ng drinks si Avery tapos ay hindi naman pala niya kukuhin. “Hala! Are you okay?” nag-aalala na tanong ni Lianna may Avery. Bahagya siyang kinabahan dahil baka may nasabi siyang maselan may Avery. “What do you call this again?” nagtatakang tanong ni Avery pagkatapos ay inangat niya pa ng kaunti ang tinapay na hawak niya para makasigurado. Bahagyang natawa si Lianna dahil sa kainosentihan ni Avery o ganon lang talaga kapag mayayaman. Hindi sila pamilyar sa mga pagkain na kaya naman nilang bilhin ang kaso nga lang ay mas pinili nilang huwag itong bilhin. “Pan de regla,” pang-uulit ni Lianana. Napatingin muli si Avery sa kinakain niya. Siguro naman ay hindi naman siya papakainin ng dugo ni Lianna, 'diba? “Regla?” hindi maiwasan na magtanong ni Avery dahil ngayon na nga lang siya nakatikim, nakakita at nalaman ang pangalan ng tinapay na ito ay hindi niya alam kung malinis ba iyon o hindi? “As in period?” dagdag pa ni Avery. Natawa muli si Lianna dahil mukhang inosente talaga si Avery sa mga ganoon. “Oo, tinawag lang na ganon dahil sa palaman niya na kulay pink. Mukha kasing regla,” natatawang sambiy ni Lianna kaya bahagyang tumango-tango si Avery habang pinagmamasdan niya ang tinapay. “But it's not made of blood, right?” paninigurado ni Avery bago niya muling kagatin iyon. Muling natawa si Lianna dahil sa tanong ni Avery. Maliit na ngiti ang pinakawalan ni Oliver habang umiinom siya ng juice sa kanyang braso. “Syempre, hindi.” agap ni Lianna dahil baka hindi na ubusin ni Avery iyon. Kahit sino naman ay hinid uubusin iyon kung hindi nila alam na binansagan lang ganon ang tinapay na iyon at hindi naman talaga gawa sa dugo. Nagkwentuhan sina Lianna at Avery. Mukhang hindi nga sila mauubusan ng topic lalo na't mukhang interview ata ni Lianna si Avery. Minsan ay nagtatanong pa siya kung pwede ba niyang i-disclose ang mga impormasyon na binibigay sa kanya ni Avery dahil parang pinagkakatiwalaan na siya ni Aver ngayong unti-unti siyang nag-open sa kanya. Syempre, hindi buong buhay ni Avery ang kinuwento niya. Hindi niya sinasabi kung kung anong meron sa loob ng kwarto niya at kung ano ang nakadikit sa kanyang pader. Bigla lang silang nanahimik nang narinig nila ang pagbukas ng maliit na gate nina Oliver kaya naman napapikit ng mariin si Oliver dahil alam niya kung sino ang kakarating lang. “Si mama ba iyon?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD