CHAPTER 46 (Part 4)

1039 Words
CHAPTER 46 (Part 4) Tumayo si Avery nang maramdaman niyang nakapasok na ang ina nina Oliver at Lianna sa sala. Kunwari ay nahihiya itong ngumiti sa Ginang. Mukhang galing siyang trabaho at nakapamalengke na rin dahil sa dala niyang supot na may lamang karne at mga gulay. Tiningnan ni Lian si Avery na para bang inaalala niya kung nakita na niya ang mukha niya dati pero hindi niya pa ito nakita at ngayon niya lang nakita si Avery. Napatingin siya sa anak niyang si Oliver para magtanong dahil hindi naman niya pinaalala noon na may kaibigan siyang babae. Imposible naman na si Lianna ang kaibigan ng babaeng ito dahil mukhang magkasing-edaran lang sila ni Oliver. “Good evening po,” bati ni Avery sa ginang dahil wala na ring araw at gabi na. Hindi naman talaga siya nakikipag-usap sa mga tao pero ngayon ay kailangan niyang maging maayos ang pakikitungo niya dahil siya ang nagpumilit na pumasok sa bahay nila. Ganito ang nakikita niya sa mga palabas o 'di kaya ay nababasa niya sa libro. Ngingiti na para bang nahihiya ang babae pagkatapos ay babati siya gamit ang malambing niyang boses. May iilan naman na kabado pa sila kapag babati lalo na kapag mukhang mataray ang ina na makakaharap nila. Mukha namang mabait ang ina nina Oliver pero kahit na mukha siyang mataray ay hindi naman kakabahan o matatakot sa kanya si Avery. Kung ma-attitude ang isang tao kay Avery ay mas ma-attitude siya. “Good evening too, iha.” pagbati ng ina ni Oliver kahit na nalilito pa siya kung sino si Avery. Pasimple niyang tinaasan ng kilay si Oliver. Naghihintay kasi siya na ipapakilala siya ni Oliver ang babaeng nasa tabi nito. Kung titingnan mabuti ni Lian ay para niyang nahuli sa akto ang anak kasama ang kanyang girlfriend ang kaso nga lang ay alam niyang may kasintahan na ang kanyang anak at hindi iyon ang babaeng katabi niya. Kaya labis siyang nagtataka kung bakit may dinadala na ibang babae ang anak niya sa kanilang bahay. “Si Avery ma,” kabado ang boses ni Oliver dahil para bang jina-judge na ng kanyang ina ang buo niyang pagkatao kaya hindi niya alam kung saan niya ipipilmi ang kanyang tingin. “Ah, kaibigan ko.” naiilang na sambit pa niya dahil hindi naman siya sigurado kung magkaibigan nga ba talaga sila ni Avery. “Kaibigan,” pag-ulit ni Lian sa sinabi ng anak tiyaka niya muling tiningnan si Avery na may tipid na ngiti sa kanya. Hindi alam ni Lian kung bakit nakakaramdam siya ng kakaibang awra sa kanyang anak habang katabi niya ang babaeng pinakilala niyang kaibigan. Gusto sanang ikutan ng mata ni Avery ang ginang ang kaso nga lang ay mas pinili niyang lawakan ang kanyang ngiti dahil pinagmamasdan siya nito. Hindi niya rin inaasahan na ipapakilala siyang kaibigan ni Oliver, ang akala niya ay walang sasabihin ang kabadong lalaki sa kanyang tabi. “Yes, we're friends po,” muntik na niyang makalimutan ang po, mabuti na lang at kaagad niyang naihabol iyon kaya hindi masyadong halata. Hindi pa rin mawala ang pasususpetya sa mata ng ginang at ang pagmamasid nito sa kanilang dalawa. “Where did you meet? How did you become friends? Do you have common or mutual friends? Are you aware that he has a girlfriend?” sunod-sunod na tanong ni Lian kay Avery dahil ayaw niyang isarado ang posibilidad sa kanyang nararamdaman at kung tama man ang nararamdaman niya ay mabuti pang matutulan na niya habang mas maaga pa ang panloloko ng kanyang anak. Ayaw niyang humantong sa ganoong kalagayan ang kanyang anak at alam niyang pagsisihan iyon ni Oliver sa tanang ng buhay niya. Hindi ganoong klaseng lalaki ang kanyang anak kaya alam niyang hindi siya mamumuhay ng masaya kapag nakagawa siya ng desisyon na hindi niya pinag-isipang mabuti lalo na at may mga taong masasaktan sa paligid niya kapag ginawa niya iyon. Bahagyang namangha sa pagiging englishera ng nanay ni Oliver pati na rin ang accent nito sa lenggwahe. Hindi halata sa itsura niya na marunong siyang magsalita ng English. Hanggang sa naalaa niya na galing nga pala siya sa mayamang pamilya at mas pinili niya ang ganitong buhay dahil sa lalaking mahal niya. Bahagyang napailing si Avery dahil sa naisip niya. Pagmamahal… ang dahilan kung bakit pangit ang nagiging desisyon ng ibang tao dahil lang don. Bakit naman niya pipiliin na manirahan sa ganitong klaseng pamumuhay? Dahil sa pagmamahal. Ni hindi man niya tuloy mabigay ang pangangailangan at gusto ng kanyang anak. “We're schoolmates po. We have mutual friends, if you know Samuel and Henry, I'm friends with them. And yes, I am aware that he already has a girlfriend. I don't have any intentions aside from being a friend.” diretsong sagot ni Avery kahit na alam niya sa sarili niya na may balak siya kay Oliver at hindi lang pagkakaibigan ang gusto niyang makuha sa binata. Para namang nakaalala bigla si Lian. Kaya pala mukhang pamilyar na ang kanyang pangalan ay dahil nabanggit na nina Lianna si Avery at napayuhan na niya noon ang kanyang anak tungkol sa pangangaliwa. Narinig na niyang nagpaliwanag si Avery kaya aam niyang hindi nagsisinungaling ang dalaga at mukhang pagkakaibigan nga lang talaga ang habol niya sa kanyang anak. Napalapit na sa kanya si Elisa. Tinuring na rin niya itong parang tunay na anak kaya ayaw niyang masaktan o lumuha ito dahil lang sa isang lalaki at ang masakit pa ay ang anak niya ang may kagagawan. Kapag nangyari iyon ay alam niyang kaya niyang hindi kausapin ang anak para magtanda siya sa kanyang ginawa. “Your name sounds familiar,” sambit niya habang tumatango. Napataas ng kaunti ang kilay ni Avery dahil sa sinabi ng Ginang at bahagyang nagpanic si Oliver dahil alam niya na kungano ang gustong sabihin ng kanyang ina. “P-po?” kunwari na tanong ni Avery na para bang naguguluhan kahit na may hinala na siyang naikwento na siya ni Oliver dito sa loob ng pamamahay na ito kaya naman natatandaan ng kanyang ina ang kanyang pangalan. Sinenyasan ni Oliver ang kanyang ina kaya bahagyang tumango si Lian tiyaka siya ngumiti kay Avery. “You can join us for dinner,” anyaya ni Lian kay Avery.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD