CHAPTER 47

2066 Words
CHAPTER 47 “Do you have a problem?” pagtatanong ni Marina sa kanyang kaibigan dahil nahinto siya sa pag-inom habang pinagmamasdan niya si Elisa na ngayon ay sunod-sunod ang shot. Sa katunayan nga ay siya halos ang nakaubos sa dalawang bote ng tequila. Hindi lubos na maisip ni Marina na mas marami pang maiinom ang kanyang kaibigan sa kanya gayong alam niyang hindi naman pala-inom si Elisa kaya naman hindi niya mapigilan na mamangha at the same time ay magtaka sa kinikilos ng kanyang kaibigan.  Kanina niya pa napapansin na para bang may kakaiba sa kanyang kaibigan ang kaso nga lang ay hindi niya iyon pinansin dahil ang buong akala niya ay normal lang naman iyon o ‘di kaya ay gustong maranasan ni Elisa ang ibang paraan ng pamumuhay na taliwas sa kanyang nakasanayan. Hindi niya maiwasan na mapangiwi sa t’wing napapangiwi ang kanyang kaibigan dahil sa sunod-sunod niyang pag-inom. Hindi sanay sa inuman si Elisa kaya alam niyang masakit sa lalamunan sa bawat paglunok niya.  “Wala,” agad na tanggi ni Elisa pero kaagad siyang napangiwi dahil sa tapang ng kanyang iniinom. Ang dami na niyang nainom pero wala namang nagyayari sa katawan niya. Nang-iinit lang siya kaya minsan ay pinapaypayan niya ang kanyang sarili. Ang buong akala niya ay kapag uminom siya ng marami ay mawawala ang lahat ng mga bagay na gumugulo sa kanyang isipan pero mali siya. Lalo lang gumulo ang kanyang isip at nakakaramdam pa siya ng pagkirot. Pero baka kulang pa ang kanyang nainom kaya naman kumuha siyang muli at tinungga niya ito.  “You’re not acting like your usual self,” puna kaagad ni Marina. Sa tagal nilang magkaibigan ay nakabisado na niya si  Elisa. At kung ngayon lang siya umaktong ganito, isa lang ang ibig sabihin non: may bumabagabag na mga bagay sa isip ng kanyang kaibigan.  “What? You told me to enjoy the night!” agap ni Elisa tiyaka siya bahagyang natawa. Ayaw niyang magmukhang kawawa sa kanyang kaibigan. Ayaw niyang dagdagan ang galit ni Marina sa kanyang pinsan. Alam niyang naiinis na si Marina kay Oliver dahil sa napapansin nila sa nakalipas na araw pero ayaw na niyang tuluyan na magalit si Marina kay Oliver. Ang panget tingnan na magkadugo sila pero magkaaway sila at ayaw niya na siya ang maging dahilan ng pag-aaway ng dalawang taong mahalaga sa kanyang buhay.  “I told you to enjoy the night but not to f**k yourself up,” inis na sambit ni Marina. Dapat nga ay maging masaya siya dahil nakikita niyang nagrerebelde na ang kanyang mabait at hindi makabasag pinggan na kaibigan ang kaso nga lang ay alam niyang may problemang bumabagabag sa kanya kaya hindi siya makapag-celebrate ng maayos. Ni hindi nga niya mainom ang laman ng shot glass niya na kanina pa niya hawak dahil pinagmamasdan niyang mabuti si Elisa.  “This is what we are supposed to do right?” pa-inosenteng tanong ni Elisa tiyaka niya tinaas ang shot glass na hawak niya para ipakita niya iyon sa kanyang kaibigan. Pumikit ng mariin si Marina dahil alam niya ang mga ganitong galawan ng kanyang kaibigan.  Minsan, sa sobrang bait ni Elisa ay nakakalimutan na niyang may kaibigan siyang pwedeng sandalan. Na pwede niyang sabihin ang mga saloobin niya sa kanya. Na katulad ng ginagawa ni Marina sa t’wing may problema siya ay pwede niya itong lapitan. Ang kaso nga lang ay mas pipiliin ni Elisa na kimkimin ang lahat ng kanyang problema, mas pipiliin niyang tumahimik sa maingay na boses sa kanyang utak at mas gusto pa niyang sarilinin ang kanyang problema keysa magsabi siya.  Dahil para sa kanya, ayaw niyang maging pabigat sa kanyang kaibigan. Alam niyang may sarili na itong problema kaya ayaw na pa niyang dumagdag pa. Mas gugustuhin pa niyang siya na lang ang magdusa keysa magdamay pa siya ng iba na malulungkot o iiyak dahil sa kanya. Hindi niya kayang makitang lumuluha ang mga taong malapit sa kanya at hindi niya kakayanin na ang dahilan ng kanilang mga pagluha ay siya.  “I don’t really have a problem, swear!” tinaas pa niya ang kanang kamay para mapaniwala ang kanyang kaibigan sa kanyang pag-iinarte. “I just realized that I’m already nineteen years old and yet I didn’t even had a chance to experience what it feels to be a drunk lady,” tumawa pa si Elisa para hindi mahalata ni Marina na nagsisinungaling siya. Napabuntong hininga naman si Marina dahil mukhang kahit anong sabihin niya ay hindi aamin ang kanyang kaibigan.  “If you’re not yet ready to tell me, I can wait until you're ready. For now, I respect your decision, I respect your personal space but always think that you can lean on me,” sambit ni Marina, hindi maiwasan na mapangiti ni Elisa dahil nagpapasalamat siya na mayroon siyang kaibigan na katulad ni Marina. Sakit niya man palagi sa ulo ang kanyang kaibigan dahil sa impulsive nitong desisyon na nagpapa-stress sa kanya pero bandang huli ay sila pa rin namang dalawa ang magkasama at iitindi sa isa’t-isa.  “Aww, thank you!” umusog si Elisa para mayakap niya ang kanyang kaibigan tiyaka siya pumikit. Pinpigilan niyang mapaluha dahil alam niyang hindi na siya talaga titigilan ni Marina sa oras na nakita niya itong umiiyak.  “Let’s enjoy our night?” pagtatanong ni Marina tiyaka na humiwalay sa yakap si Elisa tiyaka ito tumango at nagcheers pa sila.  Muling uminom ang dalawang magkaibigan habang wala silang pakialam sa mga tao sa paligid nila. Nasa table lang silang dalawa at doon sila nagsasayaw dahil wala pa sila sa mood para pumunta sa dance floor. Nang humingal na si Elisa ay muli siyang naupo, naramdaman na rin niya ang pagkahilo niya dahil sa galaw ng kanyang katawan na dahil sa marami niyang nainom na alak.  Tumingin siya sa kisame pagkatapos ay umayos na rin siya ng upo kahit na ramdam na niyang nahihilo siya. At kahit na kumikirot na ang kanyang ulo ay nilagyan niya pa rin ng alak ang kanyang shot glass tiyaka niya ito ininom ng straight. Hindi na siya makapag-isip ng maayos dahil sa dami ng what if’s na tumatakbo sa kanyang isipan at maging ang mga naiisip niya nitong mga nakaraang araw.  “Bakit ganyan ang pinsan mo?” hindi na niya mapigilan kung ano man ang lumalabas sa kanyang bibig dahil sa epekto ng alak sa kanyang katawan ay hindi na niya ma-control ng maigi ang kanyang sasabihin at maging ang kanyang emosyon. Biglang napahinto sa pagsayaw at kakatalon si Marina nang marinig niya ang kanyang kaibigan. Tunog pagod at may sakit ang kanyang boses kaya nama kaagad siyang umupo sa tabi nito para mapakinggan kung ano man ang sasabihin niya.  “What happened?” mabilis na tanong ni Marina. May mabuti rin palang maidudulot ang alak sa kanyang kaibigan dahil alam niya na kung hindi man lasing ngayon si Elisa ay wala siyang makukuha kahit na isang salita tungkol sa problema nito. Pero ngayon, may alam na siya kung tungkol saan ang problema ng kanyang pinsan.  Wala pang sinasabing ibang salita si Elisa ay hindi na mapigilan ni Marina na manggigil sa kanyang pinsan dahil alam niyang hindi deserve ng kanyang kaibigan ang ganitong trato. Mas deserve ni Elisa ang pagmamahal na higit pa sa kanyang binibigay, ang oras na hindi siya naghihingi at ang atensyon na hindi siya nauuhaw. Kung nandito lang siguro si Oliver sa tabi niya ay nasuntok na niya ang kanyang pinsan dahil sa boses ng kanyang kaibigan kanina maging ang pagod nitong itsura.  “I feel it,” sambit ni Elisa. Unti-unting namuo ang mga luha sa kanyang mata kaya bahagyang nagpanic si Marina at inabot niya ang tissue sa kanyang kaibigan. Natawa si Elisa habang naiiyak siya dahil hindi niya mapigilan na matawa sa kung ano man ang itsura niya ngayon. Mukha siyang kawawa na hindi alam kung iiyak ba o tatawa. “Ako pala ang cry baby sa inuman,” pagbibiro pa nito habang pinupunasan niya ang mga luhang nag-uunahan sa pagtulo.  “It’s okay,” kaagad na agap ni Marina sa kanyang kaibigan. Pinapangako niya sa kanyang sarili sa oras na nakita niya ang kanyang pinsan ay sasapakin niya ito ng malakas. Walang-wala iyon sa sakit na pinaramdam niya sa kanyang kaibigan.  “I feel it,” pag-uulit ni Elisa tiyaka siya muling umiyak. Hindi niya alam kung kakayanin niya bang sabihin ngayon dahil nauunahan siya ng iyak. Nasasaktan siya sa lahat ng iniisip niya at alam niya, pakiramdam niya ay tama kung ano man ang tumatakbo sa kanyang isipan. At hindi niya rin alam kung kaya niyang sirain ang imahe ni Oliver dahil isang perpektong lalaki ang pang-uuri sa kanya. Natatakot siya na baka kapag nagpadala siya sa bugso ng damdamin ay nasiraan niya ang taong pinakamamahal niya. “You feel what?” pagtatanong ni Marina. May kutob na siya kung ano man ang hinala ni Elisa dahil maging siya ay hinala na niya iyon sa kanyang pinsan. Pinili na lang niyang tumahimik dahil kilala niya ang kanyang pinsan na may paninindigan at kailanman ay hindi tatakbo sa kanyang responsibilidad. Hindi niya babaliin ang mga salita niya at alam niyang tutuparin niya kung ano man ang pinangako niya sa kanyang kaibigan.  Pero bakit nakakaramdam siya ng ganito? Bakit pakiramdam niya ay hindi na niya kilala ang kanyang pinsan dahil sa hinala niya at sa nakikita niya? Ayaw niyang saktan ang kaibigan niyang si Elisa kaya pinili na lang niyang itikom ang kanyang bibig dahil baka mali siya ng hinala. Pero mali pa ba ang hinala kung dalawang babae na ang nanghihinala?  “From the start, I know that he doesn’t love me.” kahit masakit man sabihin iyon ang totoo kaya pinili ni Elisa na huwag mabulol habang sinasabi niya iyon. “He may like me, yes. But I know that he is just like me as a friend or as his sister, not as the woman of his dreams.” patuloy ang pagluha ni Elisa habang siansabi niya iyon.  Hindi makaimik si Marina dahil alam niyang tama kung ano man ang sinabi ni Elisa. Alam naman niya iyon simula noong una palang pero habang may bukas ay may pag-asa pa na magbago ang nararamdaman ni Oliver para sa kanyang kaibigan.  “But he doesn’t like anyone that time, that is why I was confident that I would make him fall in love with me within the days we’re together or months or even years being together,” sambit ni Elisa. Tahimik lang na nakikinig sa tabi niya ang kanyang kaibigan na si Marina. “I see no one as a threat not until he met Avery,” humina ang kanyang boses sa pagbanggit ng pangalan ni Avery. Para bang nalalasahan niya ang alat ng alak na iniinom niya kanina.  “I feel it… I feel that he likes her as a woman. I can see it through his eyes how it is sparkle wherever he’s staring at her even if he’s beside me,” muling naluha si Elisa habang inaalala niya ang mga panahon na nasa tabi niya nga si Oliver pero ang mga mata at atensyon nito ay nasa isang babae at iyon ay si Avery.  “You know what? I can break up with him since I promised myself back then, if he already met the woman of his dreams, I’ll break up with him because I wanted him to be happy. I want to set him free because he deserves that,” huminto muna si Elisa para humugot ng malalim na hininga bago niya ipagpatuloy ang kanyang sasabihin. “Pero ngayon na nakikita ko ng may iba siyang gusto? Parang bigla akong naging selfish. Parang hindi ko kaya na mabuhay nang wala siya dahil nasanay na ako sa presensiya niya. Parang hindi ko kaya na pakawalan siya dahil gusto ko na akin lang siya. Parang ayoko siyang ibigay sa ibang babae dahil alam ko na maalagaan ko siya at mamahalin ko siya higit pa sa kayang ibigay ng ibang babae.”  “I don’t know what to do, Marina. My mind was f****d up, I wanted him to be happy but I couldn't stand seeing him happy with someone else.” pagtangis ni Elisa sa kanyang kaibigan. Bumuntong hininga si Marina tiyaka niya hinawakan ng mahigpit ang dalawang kamay ng kanyang kaibigan.  “I’m with you in this battle, do not set him free.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD