Chapter 47 (Part 2)

2909 Words
CHAPTER 47 (Part 2) “Ikaw pala ang bukambibig ng anak kong si Lianna,” wika ni Lian habang nasa hapag-kainan sila. Nagluto siya nga adobong manok dahil iyon ang specialty niya lalo na’t may bisita sila. Hindi naman ganon kasarap ang luto niya sa ibang putahe dahil lumaki siya na hindi nagluluto sa kanilang bahay pero ngayon ay unti-unti na siyang natutuo kumpara sa mga lasa ng niluto niya ngayon.  Laking pasalamat din niya na hindi nagaya sa kanya ang dalawa niyang anak dahil marunong na kaagad sila sa gawaing bahay. Alam niya na kahit na maaga siyang mawala sa mundong ito ay mabubuhay pa rin ang dalawang magkapatid. Kita rin niya kung paano alagaan at mahalin ng dalawa niyang anak ang isa’t-isa kaya hindi siya mag-aalala na walang mag-aalaga sa kanila kapag nawala na siya.  “Really?” kunwari ay manghang tanong ni Avery kahit na halata sa reaksyon ni Lianna kanina na isa siya sa mga fans niyang hindi buo ang araw kung hindi nila masabi ang kanyang pangalan o bisitahin ang iba’t-ibang social media account niya.  “Yes, she never missed a day without uttering your names or how great your novels are!” wika pa ni Lian habang ginagalaw niya ang mga hawak niyang kubyertos. Wala pa ang kanyang asawa dahil bukas pa ang uwi nito. Dahil driver siya ng truck, madalas ay hindi siya nakakauwi sa layo ng kanyang binabiyahe.  “Thank you,” tiningnan ni Avery si Lianna na may matamis na ngiti sa labi kaya lalong lumawak ang ngiti ni Lianna at nagpigil pa siya ng tili dahil sa kilig na nararamdaman niya kay Avery. Hindi niya talaga inaasahan na makakasama niya ng ganito ang kanyang iniidolo.  Siguro nga ay she’s living every fan girl’s dream sa mga pagkakataon na ito. Tahimik lang si Oliver habang pinagmamasdan niya ang tatlong babae sa lamesa na masayang nagkukuwentuhan. Hindi niya alam kung bakit nakaramdam siya ng kasiyahan na para bang ganito ang gusto niyang eksena na makita araw-araw o ‘di kaya naman ay sa hapag-kainan.  “No worries, I will always support you! I really love your novels!” agap kaagad ni Lianna kay Avery kaya ngumiti si Avery. Kahit na hindi niya gustong makihalubilo sa ibang tao ay wala siyang magagawa kung hindi makipag-socialize sa kanila lalo na at siya ang trespasser sa bahay na ito. Iiispin na lang niya na ginagawa niya an fan service tutal ay fan naman din niya ang kapatid ni Oliver na si Lianna. “See? That’s how she’s obsessed with you,” pang-aasar ni Lian sa kanyang anak at kunwari niya pa itong binulong kay Avery para hindi marinig ng kanyang bunso pero dinig naman nila ito.  “Ma!” sambit ni Lianna tiyaka siya ngumuso dahil nahihiya kay Avery, natawa naman kunwari si Avery.  “Maybe you’re wondering why I am used to speaking in English,” biglaang sambit ni Lian. Gusto sanang sumagot ni Avery na alam na niya ang dahilan ang kaso nga lang ay pinigilan niya ang kanyang sarili dahil baka hindi matupad ang kanyang pina-plano.  “I’m really wondering po, can you share it why?” pagtatanong ni Avery gamit ang plastik niyang ngiti pero hindi napansin ng tatlong nakapaligid sa kanya na peke lang ang ngiting pinapakita niya dahil mukha talaga itong totoo. Mabuti na lang talaga at nag-enroll siya sa acting workshop noon kaya naman naitatago niya ang totoo niyang nararamdaman.  “Would you believe that I was a princess before?” kunwari ay kumunot ang noo ni Avery dahil sa pagtataka sa sinabi ng ginang ngunit natawa lang si Lianna dahil ang buong akala niya ay bakas ng pagtataka at curious ang mukha ni Avery. “I was rich,” sambit niya. Tiningnan naman ni Oliver ang kanyang ina.  Pinagmasdan niya ang kanyang ina dahil nagulat na lang siya bigla na in-open niya ito kay Avery, hindi niya gustong pag-usapan iyon dahil ayaw na niyang magtanong pa ang ibang tao kung bakit niya pinili ang ganitong klaseng buhay kaya hindi mapigilan ni Oliver na pagmasdan ang kanyang ina dahil sa unang pagkakataon ay siya ang nagbukas ng usapin na iyon. Lumipat ang tingin niya kay Avery—anong meron sa babaeng katabi niya at parang kumportable ang kanyang ina sa pagkwento ng buhay na gusto na niyang kalimutan. Hindi na siya nagtataka kay Lianna dahil halata naman sa kapatid niya na gustong-gusto niya talaga si Avery dahil nga idol niya ito.  “Was?” pagtatanong ni Avery na kunwari ay hindi niya naiintindihan kung ano man ang pinapahiwatig ni Lian, na parang hindi niya alam na isa siyang Lopez.  “Well, for correction, my family.” pagtatama ni Lian sa kanyang sarili. “So, I was born with golden spoon.” sambit pa niya habang may ngiti sa labi. Natahimik din si Lianna dahil sa biglaang pagkwento ng ina niya tungkol don. Hindi rin niya maintindihan kung bakit binuksan ng kanyang ina ang sugat ng kahapon. Sa pagkakaalam niya ay ayaw ng ina niya na pinag-uusapan iyon dahil ayaw niyang sunod-sunod ang tanong ng mga tao sa kanya at ayaw niya rin marinig ang opinyon ng ibang tao na hindi nila iiwanan ang kayamanan para sa isang lalaki.  “But I fell in love and my dad doesn’t want him for me because of our social status,” tanging si Lian lang ang nagsasalita sa hapag. Nakababa ang tingin ni Lianna sa kanyang plato habang si Oliver naman ay pinagmamasdan ang kanyang ina dahil baka may problema na pala ito sa biglaan niyang pag-kwento ng ganito.  “I never regret choosing the right man,” ngumiti si Lian pagkatapos niyang sabihin. “Especially now that he gave me Oliver and Lianna. And they are worth more than gold.” sambit niya habang may ngiti pa rin sa kanyang labi. Ngumiti si Avery dahil sa sinabi ngn ginang.  “I’m sure that you’ve been through a lot before having this kind of life—I mean, this kind of happy life. Indeed, money cannot buy happiness from people like you. I really admire how brave you are po for choosing what makes you happy despite that your family against with you relationship,” hindi alam ni Lian kung bakit napangiti siya sa biglaang sinabi ni Avery. Iyon ang maganda kay Avery kaya nakukuha niya rin ang loob ng ibang tao nang ganoon kadali dahil alam niya kung paano magsalita at kung ano ang mga tamang salita na gagamitin niya.  “Do you really think that I made the right decision?” pagtatanong ni Lian kay Avery dahil nagugustuhan niya ang mga salita niya. Ngayon ay alam na niya kung bakit iniidolo siya ng sobra ng kanyang anak na si Lian, hindi lang sa angkin nitong kagandahan kung hindi maging na rin sa kanyang mga salita na talagang may laman sa bawat tao.  “There is no wrong decision when you choose what makes you happy,” sagot ni Avery. “If you’re not regretting the decision you made then I think you really indeed made the right decision. And you don’t need anyone's validation from the decision that will make you happy po,” tuloy-tuloy na sagot ni Avery. Sa dami ng librong nabasa na niya ay alam niya kung paano makipag-usap sa mga tao. “You’re not only have a pretty face but a beautiful brain too,” pagpuri ni Lian sa dalaga kaya nahihiya kunwaring ngumiti si Avery. Alam na alam niya kasi kung paano kuhanin ang loob ng isang tao. Salamat sa inosente niyang mukha na kapag tinitingnan palang siya ay gusto na nila ang vibes na meron siya.  Hindi maiwasan na mamangha ni Oliver habang nag-uusap ang kanyang ina at si Avery. Hindi niya lubos maisip na magiging ganito ka-kumportable ang dalawa sa hapag-kainan. Ang buong akala niya ay hindi masyadong kakausapin ng kanyang ina si Avery dahil alam ni Oliver na alam ng kanyang ina ang tungkol sa kanya. Natatandaan niya pa rin ang araw na pinagsabihan siya ng kanyang ina tungkol sa kanya dahil nararamdaman ng kanyang ina kung ano ang kakaibang nararamdaman niya at ayaw niyang masaktan si Elisa.  “You know what? You can join Miss Universe,” suhestiyon ni Lian kay Avery habang pinagmamasdan niyang mabuti ang dalaga. “Your height, you’re gorgeous, your mind and the way you speak confidently and spontaneously.” dagdag pa niya. Sarkastiko ang ngiti na pinakita ni Avery pero alam niyang hindi naman mapapansin ng mag-iina iyon. Mind. Ilang beses na rin na sinabihan siya ng ibang tao na kakaiba ang takbo ng isip niya at madalas siyang hinahangaan ang kaso nga lang ay isa lang ang palaging tumatakbo sa kanyang isipan. Kung nababasa kaya nila kung ano talaga ang tumatakbo sa kanyang isipan ay pupurihin pa kaya nila ito? Kung nabasa nila kung ang mga magagandang bagay na tumatakbo sa kanyang isipan na hindi normal sa paningin ng ibang tao, nanaiinisin pa ba nila na hilingin na magkaroon ng pag-iisip na meron siya? “Thank you po,” nahihiyang sagot ni Avery. Hindi niya alam kung bakit nagkaroon siya ng kakaibang pakiramdam na ngayon lang niya naramdaman sa buong buhay niya. Na maging sa kanyang lolo ay hindi niya man naramdaman ang kakaibang pakiramdam na ito. Tanging sa ina lang ni Oliver niya naramdaman at hindi niya iyon nagugustuhan.  “Kung wala lang sanang girlfriend ang anak ko, ikaw na ang gugustuhin ko para sa kanya,” hindi mapigilan na magulat ni Oliver dahil sa sinabi ng ina. Sa pagkakaalam niya ay hindi niya gusto ang ideya na iyon dahil nga gusto niya si Elisa para sa kanya. “But Elisa is such a great woman!” agap ni Lian. “So, it’s okay. Pero naghihinayang lang ako na baka hindi na kita muling maka-kwentuhan.” Pagpapaliwanag ni Lianna. Umawang ang bibig ni Oliver dahil hindi niya alam na nakakuha na ng attachment ang kanyang ina kay Avery nang ganoon kadali.  “I can pay a visit naman po,” agap ni Avery dahil iyon naman talaga ang gusto niya para lalo niyang magulo ang buhay at pag-iisip ni Oliver. Pinigilan lang ni Oliver na bumuntong hininga dahil baka samain siya ng tingin ng kanyang ina.  “Really? I would love that!” sambit ni Lian na tila excited sa muli pa nilang pagkikita. “Anyway, how about you? How was your relationship with your parents?” sandaling natigil si Avery sa paglalaro ng mga kubyertos dahil sa biglaagn tinanong ng ginang. Ngumiti siya habang naalalaa ang gabing iyon kaya lalong hinigpitan niya ang pagkakahawak sa anyang kubyertos para pakalmahin ang kanyang sarili. Napansin ni Oliver ang reaksyon ng dalaga, bumaba rin ang tingin niya sa kanyang kamay na mahigpit ang pagkakahawak sa kanyang kubyertos. Gusto niya sanang sumingit para pagbawalan ang kanyang ina ang kaso nga lang ay naunahan na siyang magsalita ni Avery.  “They passed away when I was a kid,” sagot niya na parang wala man lang iyon sa kanya. Biglang natahimik ang buong lamesa dahil sa sinagot niya. Mahinang napasinghap si Oliver dahil don.  “I’m sorry,” kaagad na agap ni Lian pero umiling si Avery tiyaka siya ngumiti.  “It’s okay, that was a long time ago.” Sagot niya tiyaka na niya niluwagan ang pagkakahawak niya sa mga kubyertos niya. “I don’t even remember my memories with them,” that was a lie. Ayaw niya lang na magtanong pa sila tungkol sa kanyang mga magulang at kapag naaalala niya ang gabing iyon ay para bang gusto niyang maghanap ng hayop at katayin niya dahil biglang nagigising ang kanyang diwa sa t’wing naiisip niya ang dugo.  “But you can call me if you need someone to talk to. I can be your mother too!” alok ni Lian kay Avery.  “I will note that, thank you.” wika ni Avery.  Kaagad naman nag-iba ang kanilang topic habang pinagmamasdan lang sila ni Oliver na may ngiti sa labi. Parang nawala ang lahat ng pagod niya dahil sa tawa at ngiti ng mga babaeng nakapaligid sa kanya. Para bang may mahika na biglang nagpawala ng kanyang pagod.  Pagkatapos nilang kumain ay tumulong si Avery sa pagliligpit dahil kailangan niya talagang kuhanin ang loob ng ina ni Oliver para tuluyan ng maging parte ng buhay nito at kapag nangyari iyon ay maisasakatuparan na niya ang plano niya na makita ang dugo ng lalaki maging ang mga laman na loob nito. Habang iniisip niya iyon ay hindi niya mapigilan na maglaway ng kanyang mga mata at kumikintab ito, alam niyang magiging ganon ang reaksyon ng kanyang mata sa oras na nakita na niyang nakikitang dumadaloy ang dugo ng lalaki. “May sundo ka ba?” pagtatanong ni Lian kay Avery pagkatapos nilang magkwentuhan pa sa sala. Ngayon alam na ni Lian kung bakit naging ganon na lang ang attachment niya sa dalaga.  Kanina pa niya napapansin na kahit ang ganda ng mga mata nito ay wala itong buhay...malamig. Para bang ang lungkot niya kahit na nakangiti ang kanyang mga labi. Hindi niya alam kung bakit gusto niyang damayan ang dalaga, siguro ay naawa siya na hindi man lang niya ma-express ng mabuti ang kanyang sarili. At dahil na rin siguro walang magulang na gumabays a kanya, hindi niya tuloy lubos na maisip kung nawala silang dalawa ng kanyang asawa noong bata pa ang kanyang mga anak. Alam niyang malungkot ang mga magulang nito sandali bago sila tuluyang mawalan ng buhay dahil bata pa ang kanilang anak pero alam niyang masaya na sila ngayon dahil nakikita niya kung gaano napalaki ng maayos si Avery kahit na hindi nila ito nagabayan.  “Ah, I can book a grab,” sagot ni Avery tiyaka niya kinuha ang kanyang cellphone para pindutin ang application.  “Dito mo na lang hintayin, delikado sa labas,” payo ni Lian dahil alam niyang may mga tambay at nag-iinom t’wing gabi sa kanilang street kaya hindi na niya pinapalabas si Lian t’wing gabi dahil baka siya pa ang mapagtripan ng mga lalaki. Sinunod ni Avery ang sinabi ng ginang, nagpaalam muna ito sandali na maglalatag na siya ng kanilang higaan sa kanilang kwarto kaya tumango ito. Tinulungan ni Lianna ang kanyang ina dahil t’wing wala ang kanyang ama ay tabi silang matulog na mag-ina. Naiwan na lang sa sala sina Oliver pati na rin si Avery.  “Sorry kanina kay mama,” kumunot ang noo ni Avery tiyaka niya tinaasan ng kilay si Oliver dahil hindi niya alam kung ano ang sinasabi nito.  “What about it?” mataray na tanong niya. Napagod siyang umarte kanina na mabait kaya wala na siyang pakialam kung masungitan niya si Oliver.  “About ahm your parents,” nag-alangan na sambit pa ni Oliver sa dalaga. Natawa ng sarkastiko si Avery dahil sa sinabi niya. Sa palagay ba nila dinadamdam niya pa iyon? Sa pagkakaalala niya ay hindi man nga siya umiyak noong nilibing ang kanyang mga magulang kaya bakit parang umaakto ang ibang tao na para bang sensitive na topic iyon? Wala man nga siyang maramdaman kung hindi pagkasabik na makakita muli ng dugo kapag naalala niya ang gabing iyon.  “It’s okay, ang tagal na non.” Sambit pa niya. “I am not even affected,” sambit niya dahil pa niya dahil iyon ang totoo. Ayaw niyang isipin ni Oliver na iyon ang kahinaan niya dahil wala siyang kahinaan at hindi niya magiging kahinaan ang mga taong hindi niya naman nakasama ng matagal. Ang lolo nga niya na lagpas dekada na niyang kasama ay hindi man niya kahinaan, iyong dalawang tao pa kaya na ilang taon lang niyang nakasama?  Katahimikan ang naghari sa kanila pagkatapos sabihin ni Avery iyon. Pinagmasdan ni Oliver si Avery at kung titingnan niyang mabuti ay mukhang tama ang sinasabi niya dahil mukhang wala na siyang pakialam doon. Muli niyang tiningnan ang malamig niyang mga mata na walang makikitang kahit na anong emosyon doon. Tumango siya kahit na hindi niya maintindihan kung paanong walang maramdaman na kahit ano si Avery gayong magulang niya ang pinag-uusapan nila.  Nag notif na ang grab sa cellphone ni Avery kaya tumayo na ito para magpaalam. Kahit na ayaw ni Avery na pag-usapan ang ganon ay pakiramdam niya ay nagtagumpay naman siya para tuluyang makuha ang loob ng binata dahil alam niya na kahinaan ng mga tao ang emosyon. Bahagya siyang nagsisi, sana pala ay nagpaawa pa ito para kay Oliver.  “Una na ako,” paalam niya na may ngisi sa labi. Nagpaalam na rin siya sa kapatid at ina nito pagkatapos ay hinatid na niya sa labas ni Oliver.  Bago pa makapasok si Avery sa sasakyan ay hinawakan ni Oliver ang braso nito pero kaagad niya rin itong binitawan dahil para ba itong napaso. Napangisi si Avery dahil sa naging reaksyon ng binata lalo na noong nag-iwas pa siya ng tingin dahil sa ginawa nito.  “Ahm,” nag-alangan pa si Oliver kung paano niya sasabihin ang gutso niyang sabihin sa dalaga. “Ah, you can, uhm,” nagkamot pa siya sa kanyang ulo at nag-iiwas pa rin ng tingin dahil sa hiya niya.  “You can call me if you need someone,” mabilis na sabi nito dahil kapag hindi niya binilisan ay alam niyang mabubulol lang siya at nakakahiya iyon.  Ngumisi si Avery dahil konti na lang at mahuhulog na ang loob sa kanya ng binata. Marahan niyang pinisil ang pisngi ng lalaki tiyaka niya sinabi ang katagang,  “Cute.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD