CHAPTER 48
“Let's go to the dance floor!” hindi kaagad nakabawi si Marina dahil sa sobrang pagkabigla kaya naman nang tumayo na si Elisa at hinatak siya bigla ay nagpatianod na lang siya keysa pareho silang bumagsak ng kanyang kaibigan sa sahig kung nanlaban pa siya.
“Elisa, wait! Can't you calm?!?” sigaw sa kanya ni Marina dahil halos matapilok na siya at halos awayin na siya ng mga taong nabubunggo niya habang hatak-hatak siya ni Elisa gamit ang buong pwersa niya. But na nga lang at walang warfreak sa mga nabubunggo nila dahil kung hindi ay baka nag-eskandalo na sila dito.
“This is a party!!! How can you calm down at a party?!?” Sigaw ni Elisa habang natatawa pa siya at hila-hila pa rin niya ang kanyang kaibigan hanggang sa makapunta na sila sa gitna ng dance floor.
Kaagad naman nang binitawan ni Elisa ang kanyang kaibigan nang makarating na sila sa gitna tiyaka na niya tinaas ang dalawa niyang kamay para sumabay sa mga taong masigla na nandoon. Napailing na lang si Marina pero dahil malalakas ang enerhiya ng mga nakapalagid sa kanya ay nahawa na rin siya at nakisayaw. Nang makita iyon ni Elisa ay napangiti siya dahil ang buong akala niya ay hihilain siya paalis Marina doon.
Para bang nagkaroon ng sariling mundo ang dalawang magkaibigan dahil padami na rin ang mga tao sa dance floor. Dahil masyado silang nag enjoy sa pagsayaw at pagtatalon-talon ay unti-unti na pala silang naghihiwalay dahil may mga iilan na sumisiksik pa. Hindi kaagad nila iyon napansin kung hindi lang tiningnan ni Marina ang gawi ng kanyang kaibigan na si Elisa pero wala na siya roon.
Agad na nagpanic ang sistema sa katawan ni Marina dahil alam niyang hindi sanay sa ganitong crowd ang kanyang kaibigan kaya hindi niya alam kung saan ito pupunta. Pero natigil siya sa paghahanap nang may makita siyang pamilyar na lalaki at hindi pamilyar na babaeng nagsasayaw. Siguro ay dahil lasing na siya ay hindi na niya maintindihan kung ano ang tumatakbo sa isip niya.
Imbis na hanapin niya ang kanyang kaibigan ay pasimple siyang sumayaw, nakikingitian sa kanyang mga nakakasalubong at naglalakad siyang magsayaw palapit kina Samuel at sa babaeng kasayaw nito. Hindi niya maintindihan kung bakit naiinis siya sa ideya na may kasayaw na ibang babae ang binata gayong siya naman ang isa sa pinaiiinisan niyang tao sa mundo.
“Ops!” maarteng sambit nito nang mabunggo niya ang likuran ni Samuel. Sigurado siya na ang binata iyon dahil naamoy niya ang pabango nito.
Pagalit niyang tiningnan ang binata habang may halong pagkamangha at gulat ang mata ni Samuel. Hindi niya inaasahan na makikita niya dito ang dalaga at mukhang mag-isa lang siya. Muli niyang naalala moong unang nakita niya ito sa club kung saan binabastos na siya ng kanyang ex boyfriend. Sa pagkakaalam niya ay hindi alam ng pinsan niyang si Oliver na kaibigan ni Samuel ang pagtakas niya nang gabing iyon kaya hindi niya maiwasan na pagdudahan ang babae na mukhang tumakas lang muli siya sa kanyang pamilya para makapunta dito.
“What are you doing here?” hindi maitago ang iritasyon sa boses ni Samuel habang tinatanong niya iyon kay Marina dahil hindi niya maatim ang ideya na naglalaro sa kanyang isipan na baka pumunta lang ulit dito ang babae dahil sa ex boyfriend niyang bastos.
“Ah? Why? Do I need to explain to you why I am here?” pagtatanong ni Marina habang gingesture niya pa ang kanyang katawan gamit ang kanyang kamay. Mabilis niyang sinulyapan ang babaeng kasayaw kanina ni Samuel na mukhang iritado dahil na kay Marina na ang atensyon ni Samuel.
“Are you seeing your ex boyfriend?” biglang nainis si Marina sa paratang ni Samuel at nabwibwisit sya kapag naiisip niya pa ang hayop na lalaking iyon. Hindi man lang siya kayang respetuhin. Sabagay, nung sila nga hindi niya narespeto ang relasyon nila, ngayon pa kaya?
“Why does it matter to you?” matapang na tanong ni Marina. Napaawang ang labi ni Samuel dahil sa sinagot ng dalaga. Mukhang hindi niya talaga kakayanin ang katigasan ng ulo ng dalaga. Hindi miya tuloy lubos maisip ang kalagayan ni Oliver dahil araw-araw niyang nakakasama si Marina.
“Are you really seeing that pervert guy?” hindi makapaniwalang tanong ni Samuel na para bang nahihibang na si Marina sa sinagot nito.
“You're asking too many questions when we're not even that close?” pagtatanong ni Marina dahil imbis na si Samuel ang mapaikon sa pagpunta niya ay si Marina ang napikon dahil sa pagsabi nito sa gagong lalaking ayaw na niyang maalala at nasusuka siya kapag naalala niya.
Nagulat si Marina nang maramdaman niya ang kamay ng lalaki sa kanyang braso. Hindi niya inasahan na ganon kabilis nakalapit sa kanya si Samuel at mabilis niyang nalagay ang kanay nito sa kanyang braso na para bang handa na siyang hilain nito para makaalis na sila sa bar.
“What are you doing?” iritadong tanong ni Marina dahil ayaw niya rin sa mga taong bigla na lang manghawak without her consent.
“Let's go,” sa ngayon ay si Marina naman ang umawang ang labi dahil hindi niya inaasahan na hihilain siya ni Samuel.
Tiningnan niya ang kawawang babae na kasayaw kanina ni Samuel, nakayuko na lang ito na para bang natalo ito sa isang laba.
Habang naglalabas sila paalis sa bilog na dance floor ay biglang naalala ni Marina ang kanyang kaibigan na hindi niya mahanap pagkatapos nilang sumayaw sa gitna dahil hindi na niya ito napansin. Hindi niya maiwasan na mag-alala dahil haka hindi pa dala ng kanyang kaibigan ang kanyang cellphone kaya mahihirapam siyang maghanap kung sakali.
“Wait!” sinubukas kumawala ni Marina sa pagkakahawak ni Samuel. Mas mahigpit pa iyon keysa sa hatak kanina ni Elisa. “Ano ba? I said wait!” inis na sambit ni Marina habang palabas na sila sa pabilog ng dance floor.
“Why? Do you wanna go and say goodbye to him?” panghahanon ni Samuel kaya tinaasan niya ito ng kilay.
“What the f**k are you saying?” bwisit na tanong ni Marina sa kanya.
“You pervert!!!!” agad na hinanap ni Marina ang boses na iyon pagkarinig na pagkarinig pa lang niya dahil magkaibigan naman na kami.
“Elisa!” Marina called.