CHAPTER 48 (Part 2)
T/W: s****l harassment(you can skip this chapter if you’re not comfortable with the said topic. This is nothing serious that will affect your understanding with the flow of the story. Thank you and I hope for you to heal with the traumas that happened to you.)
Dahil ngayon lang naramdaman ni Elisa ang ganitong pakiramdam na para bang masaya siyang nagsisigaw at nagtatalon, nakaramdam siya ng kalayaan na kailanman ay hindi niya naranasan sa kanyang buhay. Na maging ang mga iniisip niya kanina ay unti-unting nawawala habang sinasabayan niya ang beat ng kanta sa kanyang pagsayaw at pagtaon-talon niya na para bang walang kapaguran.
Sa loob ng ilang minuto ay nakalimutan niya ang dinadala niyang problema. Nakalimutan niya panandalian ang mga bagay na gumugulo sa kanyang isipan. Ang mga tanong na naglalaro sa kanyang utak. At ang isang karayom na tumutusok sa kanyang puso.
Masyado na siyang nawili sa pagsasayaw na hindi na niya napansin na nalayo na pala siya sa kanyang kaibigan at dahil sa dami ng mga tao sa dance floor ay hindi niya kaagad napansin na nagkahiwalay na pala sila ng kanyang kaibigan na si Marina. Patuloy lang siya sa pagsunod ng mga galaw at pagtalon, kung minsan ay nakikisigaw din siya kagaya ng mga tao sa paligid niya. Narealize niya na masarap din pala sa pakiramdam ang pagsigaw. Para bang nare-release niya ang kanyang emosyon dito.
Ilang minuto rin siyang sumayaw at nakisayaw sa iba hanggang sa napagdesisyunan niyang mag-solo na lang sa pagsayaw dahil hindi naman siya ganon kagaling makipag-usap sa ibang tao. Ngunit aaminin niya kahit papaano ay nalibang siya sa pakikipag-usap habang sumasayaw sila kahit na halos magsigawan na lang sila dahil sa music.
Dahil masyado na niyang in-enjoy ang music ay hindi na niya napansin na may isang lalaki ang lumapit sa kanya tiyaka siya sumayaw sa likuran nito. Nang maramdaman niya ang presensya ng lalaki ay hindi niya muna agad ito kinompronta dahil baka naitulak lang o dahil lasing lang ito kaya tumatama ito sa kanyang likuran. Kahit na iba na ang pakiramdam niya ay binigyan niya pa rin ito ng benefit of doubt dahil lahat naman ng tao ay deserve ang ganon bago paratangan at baa siya pa ang mapahiya bandang huli kapag sinabihan siya na assuming.
Ang kaso nga lang ay habang tumatagal ay para bang nagkakatotoo na ang kanyang hinala dahil nararamdaman na niya ang idinidikit nito sa kanyang likuran. Hindi maiwasan na mapatigil ni Elisa dahil hindi niya alam ang kanyang gagawin. Ngayon lang nangyari sa kanya ito kaya hindi niya maiwasan na magpanic, dapat ba siyang humingi ng tulong o hindi? Hindi ba nakakahiya na hihingi siya ng tulong? Baka siya lang ang sisihin ng mga taong nakapaligid sa kanila dahil nasa club siya kaya normal lang ang mga bagay na ganito? Pero hindi siya kumportable sa ganoon! Iyong mga nakasayaw niya kanina ay ginusto niya iyon Pero ang nangyayari ngayon? Hindi niya gusto.
Hindi maiwasan ni Elisa na mamuo ang mga luha sa kanyang mata dahil mukha siyang kawawang bata na hindi alam ang gagawin kung hahayaan niya ba ito kahit na nandidiri na siya sa nararamdaman niya o pagbawalan niya ito pero baka siya lang ang mapahiya sa bandang huli o ‘di kaya ay saktan siya ng lalaki,
Lumingon siya sa kanyang paligid, nagbabakasakali na makita niya ang kanyang kaibigan o kahit na sino sa mga kaklase o ‘di kaya ay kakilala niyang mahilig magpunta sa club. Ngayon niya kailangan ang mga ito pero bakit wala siyang makitang pamilyar na mukha sa kanya? Parang nawawala na ang alcohol sa kanyang sistema habang wala pa rin siyang sawang siansayawan ng lalaki sa kanyang likuran kahit na tumigil na ito sa pagsasayaw. Aaminin niya na umaasa siyang titigil ang lalaki sa oras na napansin niyang tumigil na ito sa pagsayaw pero mukhang mali ang kanyang naiisip dahil sige lang ang lalaki sa kanyang ginagawa.
Muli siyang desperadong tumingin sa kanyang paligid para makita niya ang kanyang kaibigan na si Marina, kung wala ang mga kaklase o kakilala niya na ginawa ng bahay ang club, o kung wala don ay ang mga nakasayaw niya kanina. Alam naman niyang mahahalata nila na hindi siya kumportable sa lalaking nasa likuran niya at halata naman sa kanyang itsura na hindi niya gusto ang ginagawa nitong pagsayaw sa kanyang likuran.
Pero hindi niya nagustuhan nang maramdaman na niya ang kamay ng lalaki sa kanyang beywang habang ang isa naman ay sinusubukan na hawakan ang kanyang puwit kaya kaagad ng gumalaw ang kanyang katawan para maalis na ang lalaki sa kanya.
Buong lakas niyang tinulak ang lalaki dahil naipon ang inis, galit, takot at kaba sa kanyang pagkatao kaya naman kahit na malaki ang katawan ng lalaki ay nagawa niya pa rin itong itulak lalo na’t mukhang hindi niya inaasahan iyon. Mukhang maganda rin pala na pinaramdam niya sa lalaki na hindi niya ito napansin dahil wala ang atensyon niya sa biglaang pag-atake nito kaya naman madali para sa kanya ang kumawala dahil sa pagtulak nito,
“You pervert!” buong lakas na sigaw ni Elisa, sakto rin na humina ang music ng DJ kaya may iilan nang napatingin sa kanila lalo na ang mga taong malapit lang sa kanila.
Hindi niya alam kung anong gagawin niya sa mga mata na nakatingin sa kanya. Bigla siyang nakaramdam ng hiya kahit na hindi siya ang dapat makaramdam noon. Pero dahil sa mga tingin ng ibang tao sa kanya na para bang sinisisi pa siya na nabastos siya ay nahihiya siya. Baka baligtarin siya ng lalaki at siya pa ang magmukhang nagsisinungaling.
“Elisa!” para siyang nakahinga ng maluwag nang marinig niya ang pamilyar na boses ng kanyang kaibigan. Kaagad siyang lumingon sa pinanggalingan ng boses na iyon tiyaka niya nakita ang kanyang kaibigan na si Marina na ngayon ay punong-puno ng pag-aalala ang kanyang mga mata maging ang kanyang boses.
Napatingin si Elisa sa lalaking nakasunod sa kanyang likuran kaya hindi niya mapigilan na kumunot ang kanyang noo. Hindi niya alam kung bakit magkasama ang kanyang kaibigan na si Marina at ang kaibigan ni Oliver na si Samuel. Pero hindi ito ang tamang oras para isipan niya pa iyon lalo na’t nasa harapan niya ang isang manyak.
Kinuha ni Marina ang kamay niya at dahil sa gulat ay muntik pa siyang masubsob papunta sa likuran ni Marina. Hindi rin inaasahan ng lalaki ang mabilis at malakas na pagsampal sa kanya ni Marina.
“What the f**k?” pagtatanong ng manyak na lalaki.
“What the f**k?” Marina mocked him. “f**k yourself, asshole.”