CHAPTER 48 (Part 3)
“Marina!” Kaagad na nilapitan ni Samuel ang pinsan ng kanyang kaibigan tiyaka siya pumunta sa harapan nito para maharangan niya ang dalaga kung sakali man na bumawi ang lalaki at saktan siya nito.
“What the f**k is your problem?!” muling pagtatanong ng lalaki, astang sususgurin na niya sana si Marina.
Wala na siyang pakialam kung babae ito peor hindi niya mapapalampas ang ginawa ng babae. Walang sino man ang mangahas na sumampal sa kanya kung hindi ang kulot na babae na animo ay kaylakas pero alam naman niya na isang suntok lang niya ay matutumba na ang babae. Kagaya ng sinabi niya kanina ay wala na siyang pakialam kung babae pa ito o hindi. Wala na rin siya sa katinuan at hindi an siya makapag-isip ng tama, para bang natapakan ang kanyang ego dahil sa biglaang pagsampal at pangungutya sa kanya.
“Dude,” walang emosyon na sambit ni Samuel dahil mukhang alam na niya kung saan ang kapupuntaha nito. Sa itsura at tikas pa lang ng lalaki ay alam niyang hindi niya palalampasin ang pananakit sa kanya ni Marina.
Hindi naman siya galit kay Marina sa ginawa niya dahil alam nilang lahat na deserve ng gagong lalaking ito ang sampal na ginawa ni Marina. Sa katunayan pa nga ay kulang pa iyon dahil sa kabastusan niya. Hindi mapigilan na mainis ni Samuel sa lalaki dahil siya na nga ang nambastos siya pa ang may ganang magalit kapag may nagtama sa kanyang kabastusan. Minsan ay kinahihiya niyang maging lalaki dahil sa mga gantong lalaki na wala na lang ibang ginawa kung hindi magpadala sa tawag ng laman.
“What the f**k is your problem, bro?!” inis na tanong ng lalaki kay Samuel dahil muling nag-init ang kanyang dugo na mayroon pang isa na sisingit sa kanya pero bago pa siya nakasugod ay may dumating ng bouncer para ilayo ang lalaki sa kanila. Nakakahiya pa siyang nagsisigaw-sigaw habang hinihila na siya palabas ng club.
“Are you okay?” agad na tanong ni Marina sa kaibigan tiyaka niya tiningnan ang buong katawan nito kung may galos lang ba siya pero nanatiling matamlay si Elisa tiyaka siya ngumiti ng pilit para hindi na masyadong mag-alala ang kanyang kaibigan.
“Yes,” sambit niya kahit na hanggang ngayon ay nanginginig pa rin ang kanyang laman dahil sa nanyari. Ayaw siyang papuntahan ng kanyang mga magulang sa mga crowded na lugar o ‘di kaya naman ay sumakay sa public transportation dahil natatakot sila na baka mabastos siya pero sa sarili lang pala niyang desisyon ang magpapakapagpahamak sa kanya.
“Are you sure? We can report it to the police,” nag-aalalang sambit pa ni Marina habang hawak-hawak niya ang magkabilang kamay ni Elisa at marahan na pinipisil-pisil ang mga ito para kahit papaano ay kumalma naman ang kanyang kaibigan na si Elisa.
Muli pang kunulit ni Marina si Elisa tungkol sa kalagayan niya kaya naman hindi maiwasan na kumunot ang noo ni Samuel dahil don. Noong siya ang nabastos ay hindi naman ganyan ang naging reaksyon niya. Hindi naman niya ni-report sa pulis ang lalaking nambastos sa kanya kahit na malaki ang tiyansa niyang makulong ang lalaki dahil kakilala niya ito at isa pa ay makapangyarihan ang kanyang pamilya na panigurado sa oras na malaman nila ay hindi tatagal ng isang oras nakakulong na ang lalaking iyon.
Bakit nga ba hindi niya naisipan na tumawag ng pulis? Dahil ba ex boyfriend niya ang may gawa non sa kanya? Free pass ba kapag dating jowa ang nambastos? O may pagtingin pa ang pinsan ng kanyang kaibigan sa ex boyfriend niya?
“Let’s go home,” naging alerto si Samuel nang marinig niya angd desisyon ni Marina. Tiningnan siya ni Marina habang naglalakad sila palabas ng club ay nakasunod si Samuel sa kanila na para bang buntot na nila. Kinausap din ng manager kanina si Elisa tungkol sa pambabastos pero dahil mabait ang kanyang kaibigan ay hindi na ito pumayag na umabot pa sa kulungan.
Hindi na lang niya kinontra kung ano ang gusto ni Elisa dahil hindi nga naman ganon kadaling magkwento para sa ibang tao lalo na kapag related sa s****l harassment. Naintindihan niya kung saan ito nanggaling dahil naranasan na rin ni Marina ang ganon. Literal na nablangko ang isip niya kahit na mag inhale-exhale pa siya ay wala pa rin tulong kung paano mawawala ang lahat ng nasa isipan niya.
“Why are you following us?” masungit na tanong ni Marina dahil napansin niya na ang pagsunod sa kanila ni Samuel. Kinuha niya ang kanyang cellphone para tawagan niya si Oliver ang kaso nga lang ay hindi niya ito sinasagot kaya lalong namuo ang sistema niya.
“I’m just making sure you’re both safe,” pagdepensa ni Samuel dahil iyon naman talaga ang totoo. Alam niyang sisihin ni Oliver ang kanyang sairlil kapag may nangyari pang masama sa kanyang kasintahan na si Elisa.
“Why doesn't Oliver answer his phone?” inis na tanong ni Marina nang nasa labas na sila. Hindi na lang niya pinansin si Samuel. Ayaw niyang dagdagan pa ang takot ng kanyang kaibigan na hanggang ngayon ay tulala pa rin.
Parang ang bilis lang ng pangyayari. Iyan ang nasa isip ni Elisa, hindi na siya makapag-focus dahil sa nangyari kanina kung minsan ay hindi siya kumportable sa mga tao na kausap niya ngayon ay lalong lumala panigurado na hindi na siya kumportbleng makipag-usap sa mga taong hindi niya ka-close.
Napatingin siya sa kanyang kaibigan na si Marina na ngayon ay mukhang papatayin niya ang kanyang cellphone dahil hindi sumasagot si Oliver Talaga naman masasaktan niya si Oliver sa kanya kapag hindi niya sinagot o ‘di kaya naman ay susunduin dito sa club.
“Maybe Oliver was taking a rest since finals day ended,” pagsingit ni Samuel. Nakita niya kasi ang puspusan na gawa niya sa pag-aaral ng malapit na ang final examination na halos tumambay na lang siya sa library,
“Yeah, maybe whatever~!” inis na sambit ni Marina dahil ayaw din naman niyang nasaspawan siya lalo na sa isa pang lalaki.
“Let’s go home, hatid ko na kayo.”pag-volunteer ni Samel.