CHAPTER 48 (Part 4)

1066 Words
CHAPTER 48 (Part 4) “Why is your best friend not replying?” inis na tanong ni Marina habang pilit niya pa rin tinatawagan ang kanyang pinsan dahil gusto niya sana na siya ang magsundo kay Elisa na hanggang ngayon ay tulala pa rin dahil sa nangyari. Pakiramdam kasi ni Marina ay kailangan ni Elisa ang kanyang pinsan para mapakalma na niya ito.  Alam niyang mapapagalitan sila kay Oliver dahil sa pagtakas muli nila pero alam din naman niya na makakatulong ang presensya ng pinsan niyang si Oliver sa kanyang kaibigan na si Elisa. Suminghap si Marina nang hindi pa rin sinagot ni Oliver ang kanyang tawag kaya mas pinili niyang lapitan ang kanyang kaibigan na nasa unahan niya at mukhang tulala pa rin sa nangyari sa kanya. Nahuli kasi si Marina kanina dahil sa pagtawag niya sa kanyang pinsan na hindi naman sumasagot.  Alam niyang hindi madali ang nakuhang trauma ng kanyang kaibigan lalo na’t hindi siya lumaki sa ganoon o iyon ang kauna-unahang nangyari sa kanya. Alam niya kung anong pakiramdam ng mabastos at wala man lang magawa, na nagmukha kang mahina dahil natatakot kang mahusgahan. Ang kaso nga lang ay malakas pa rin ang loob niya at kaagad siyang naka-move on pero alam niyang babalik ang trauma na iyon kapag may pagkakataon na mangyari ang ganoong pangyayari sa kanya.  Ang inaalala niya ay ang kaibigan niya dahil hindi sila pareho ng response sa sitwasyon. Kung si Marina ay kaagaad nakakapag-cope si Elisa naman ay hindi lalo na kapag nagulat siya o hindi niya inaashaan lalo na’t nabastos siya na kanina lang niya naranasan sa tanang ng buhay niya.  “Oliver is not really answering his goddamn phone!” ranta muli ni Marina habang naglalakad sila sa parking lot at nakasunod sila kay Samuel dahil siya ang nagpresinta na ihahatid niya ang mga ito.  “Maybe your cousin is busy,” sagot ni Samuel para sa kanyang kaibigan kaagad naman siyang inikutan ng mata ni Marina.  “Why is he busy?” pagtatanong ni Marina tiyaka niya tiningnan ang kanyang cellphone para makita kung anong oras na. “He's supposedly done with household chores, we’re already done with the exam, so what would make him busy?” pagtatanong ni Marina dahil wala na siyang maisip na dahilan kung bakit busy si Oliver at hindi niya hawak ang kanyang cellphone at kung kailan nawala pa sa mood ang kanyang kaibigan.  Muling tiningnan ni Marina ang kanyang kaibigan na ngayon ay tulala pa rin, kung hindi niya lang hawak-hawak ni Marina ang kamay niya at ginagaya niya ito sa kanilang paglalakad ay malamang natapilok na ito o ‘di kaya naman ay nabunggo na sa mga kotse lalo na’t magalaw na maglakad ngayon si Elisa dahil siguro may tama pa sa kanya ang lahat ng ininom niya kanina. Hindi rin naman biro ang sunod-sunod na shots niya.  “Maybe there’s an emergency,” pagpapaliwanag ni Samuel sa kalmadong boses para hindi na sila mag-away ni Marina. Kung pu-pwede nga lang ay pinangaralanan na niya si Marina sa nangyari kanina. Oo, alam niyang deserve ng lalaki na masaktan siya pero ang kay Samuel lang naman ay baka gumanti ang lalaki at masaktan lang si Marina dahil sa impulsive niyang desisyon na hindi man lang niya napag-isipan ng mabuti.  “Ang galing niyo talagang pagtakpan ang isa’t-isa ano?” sarkastikong pagtatanong Marina kay Samuel. Hindi maiwasan ang pait sa kanyang boses dahil naalala niya palagi kapag pinagtatanggol ng mga kaibigan nito ang kanyang pinsan. Alam niyang may pakiramdam na siya sa galaw ng kanyang pinsan ay may tinatago ito dahil gantong-ganto ang naramdaman niya noon kay Hanzo.  “What?” Hindi makapaniwala na tanong ni Samuel kay Marina. Hindi niya maintindihan kung bakit bigla na lang naging ganon ang tono ng dalaga. Wala naman masama sa kanyang sinabi dahil pinapaliwanag lang naman niya kung bakit hindi nasagot ng kanyang kaibigan na si Oliver ang kanyang cellphone, hindi naman din palaging hawak ni Oliver ang kanyang cellphone dahil madalang lang silang nag-uusap gamit ang cellphone.  “Tsk, typical men,” bulong-bulong ni Marina kaya naman hindi maiwasan na kumunot ang noo ni Samuel dahil hindi niya maintindihan kung ano ang gustong sabihin ni Marina. Pero sa tono ng boses nito ay para siyang naiinis. Hindi niya alam kung bakit bigla na lang siyang nainis gayong kay Oliver naman talaga ang inis niya.  “Why are you mad?” hindi mapigilan na itanong ni Samuel iyon sa kanya.  “I’m not, I’m just telling the truth,” maarteng sambit ni Marina. “You’re protecting your friends of course,” sambit pa nito kaya hindi alam ni Samuel kung ano talaga ang pinupunto ng dalaga.  “What the f**k are you saying?” hindi mapigilan na magmura ni Samuel dahil sa pagkalito pagkatapos ay huminto na rin siya sa tapat ng kanyang kotse para maharap niya si Marina na ngayon ay nakataas ang kilay na tila ba inaasahan na niya na ganon ang gagawin ni Samuel. Sinubukan habaan ni Samuel ang pasensiya niya sa dalaga dahil ayaw niya na mag-away sila, nagsasawa na rin kasi siya. Ang kaso nga lang ay hindi niya mapigilan mainis dahil bigla na lang nainis sa kanya si Marina nang wala man lang dahilan.  “I’m just saying that you’re tolerating your friend’s wrongdoing,” maarteng sagot pa ni Marina. Napasinghap naman si Elisa tiyaka niya hinawakan ang kamay ng kanyang kaibigan para tumahimik na siya. Hindi siya handa na pakinggan ang pag-aaway nilang dalawa ngayon.  “What? Wrongdoing? Look at you, you’re accusing your cousin!” hindi mapigilan na mainis ni Samuel dahil kahit na alam niya kung ano ang sinasabi ni Marina pero napapansin din niya ang pag-ilag ni Oliver kay Avery. Ramdam niya na iniiwasan niya ang dalaga sa abot ng kanyang makakaya kaya hindi niya maintindihan kung bakit kailangan siyang pagbintangan ng kanyang pinsan, sariling kadugo pa talaga niya.  “I’m accusing him because it’s true!” pagsagot ni Marina. Pumikit ng mariin si Elisa dahil hindi na kaya ng utak niya na i-process ang nangyari ngayong araw pagkatapos ay dadagdag pa ang pag-aaway nina Marina at Samuel, alam niya kung sino ang pinag-uusapan nila kaya naman lahat ng mga what if sa isip niya ay muling nabuhay.  Bumuntong hininga siya at marahan niyang inalis ang kamay ni Marina na nakahawak sa kanya.  “Kung mag-aaway kayo, mauna na lang ako.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD