CHAPTER 49

1054 Words
CHAPTER 49  Nang makapasok na si Avery sa taxi ay hindi mapigilan ni Oliver ang ngiti niya na kanina pa niya pinipigilan dahil sa sinabi ng dalaga. Pero lumipas ang minuto na nakangiti siya habang tinitingnan ang papalayong sasakyan ay bigla siyang natauhan. Tumikhim siya at umayos ng tayo kahit na wala naman nakakita sa ginawa niya. Hindi niya alam kung bakit bigla na lang siyang napangiti. Wala naman siyang balak na ngumiti ang kaso nga lang ay nagkusa ang kanyang labi at nang matauhan ay kaagad niyang inayos ang kanyang sarili.  Alam niyang mali iyon at wala siyang balak na i-tolerate ang ganoon. Mas gugustuhin pa niya na siya na ang masaktan keysa siya ang makasakit ng ibang tao. Hindi kaya ng konsensiya niya na matulog sa gabi habang iniisip niya ang taong sinaktan niya. Walang mapagmahal na tao ang deserve masaktan, umiyak, at sisihin ang sarili na kasalanan nila at kung saan sila nagkulang gayong wala namang mali sa kanila.  Hinding-hindi niya iyon ipaparamdam sa ibang tao. Kung ang isang tao ay hindi na masaya sa isang relasyon ay mas mabuti pang tapusin na niya kaagad ito hindi habang sila ay naghahanap na ng ipapalit ang isang tao. Masakit ang trauma na iiwanan non sigurado siya kahit na si Elisa pa lang ang kauna-unahan na naging nobya niya. Nakapagbasa, nakapanood, at nasaksihan niya sa iba niyang kaibigan kung paano sila nasaktan sa kanilang mga kasintahan. Maging ang kanyang pinsan ay hindi nakaligtas sa kanyang mata kung paano ito halos mawalan sa sarili dahil sa panloloko ng isang tao at alam niya dahil ramdam niya na hanggang ngayon ay hindi pa maayos ang puso ni Marina. Na hanggang ngayon ay nandoon pa rin ang trauma na iniwan sa kanya ng ex niya. Na kahit na maraming nanliligaw sa kanya ay hindi niya pinapansin dahil ramdam niya na hindi pa ito move on sa gagong ex niya.  Pero hindi naman din niya mahuhusgahan ang kanyang pinsan dahil nagmahal lang naman siya. May hinala na siya na natatakot ng sumubok ang kanyang pinsan sa pag-ibig dahil sa nangyari sa kanya, dahil sa panloloko ng kanyang ex sa kanya. Natatakot siya na kapag sumubok ulit siya ay muli siyang mabigo. Kita pa naman niya kung gaano magmahal si Marina na kahit hindi ganon kagandahan ang ugali ay mapagmahal siyang tao. Kung minsan ay dinadamay niya sa sermon ang gusto niyang iparating sayo para matauhan ka kaya maganda na rin na naging kaibigan ni Elisa si Marina dahil at least, panatag si Oliver na palaging nasa tabi ng kanyang kasintahan ang kanyang pinsan.  Nang hindi na niya makita ang kotse na sinakyan ni Avery ay sinarado na niya ang maliit nilang gate tiyaka na siya pumasok sa kanilang bahay. Matutulog na siya dahil tapos na rin naman na ang kanilang finals. Mukhang mas kailangan niya ng tulog keysa mag-advance reading. Pwede niya pa naman gawin bukas iyon, mas kailangan niya ng tulog para hindi siya antukin sa binabasa niyang libro na makakatulong sa kanila sa second sem ng first year.  Pagpasok niya sa bahay ay hindi niya inaasahan na bubungad pala sa kanya ang kanyang ina na may malungkot na ngiti sa labi. Hindi niya maiwasan na mag-aalala dahil hindi niya alam kung ano ang ikinalulungkot ng kanyang ina. Masaya naman siya kanina kaya naman hindi niya maiwasan na itanong sa kanyang ina kung anong nangyayari.  “Bakit po , ‘nay?” pagtatanong ni Oliver. Baka may dinaramdam pala ang kanyang ina at baka masakit ang pakiramdam nito. Hindi pa naman niya alam kung hindi ba niya napansin na may sakit ang kanyang ina. Mukhang maayos naman siya ang kaso nga lang ay nag-aalala siya sa malungkot na mata ng kanyang ina kahit na nakakurba ng ngiti ang kanyang labi.  “Now, I know why Lianna was so obsessed with her,” panimula niya tiyaka ito naupo sa pang-isahang upuan na kawayan habang hawak-hawak niya ang tinimpla niyang kape.  “Ah yeah, maybe she’s really a good writer,” komento ni Oliver kahit na hindi niya alam kung ano ang pinapahiwatig ng kanyang ina iyon. Hindi niya alam kung bakit siya kinakabahan sa mga tingin at malugkot na ngiti ng kanyang ina.  “Yeah, and she’s pretty too. Also, she’s kind,” sambit ng kanyang ina kaya kumunot ang noo ni Oliver  dahil hindi niya alam kung ano ang gustong ipahiwatig ng kanyang ina. Nong una ay pinagbabawalan pa niya tapos ngayon ay pupurihin niya ang babae? Hindi nagkakaroon ng sense iyon kay Oliver.  “What do you mean?” hindi mapigilan ni Oliver ang magtanong dahil hindi niya maintindihan kung bakit nag-iba ang mood bigla ni Lian na kanyang ina. “You look different when you’re with her and your eyes were shining while you’re looking at her,” kumunot lalo ang kanyang noo dahil sa pinahiwatig ng kanyang ina. “I know that I already give you an advised or warned you with it but I wanted you to know that I understand that you’re confuse but I won’t tolerate such reason for cheating,”  “If you feel like you can’t see your future with her, better break up with her. Everyone doesn’t deserve to be cheated on,” sambit pa ng kanyang ina. “Especially those who are pure to their loved ones. Do not give trauma to the other people for it will be devastating to watch.”  “I like Elisa, I really like her,” sambit pa ni Lian sa kanyang anak. “She got everything that a man wants it,” dagdag pa na papuri niya. “I can see that she’s innocent and pure. You are his first boyfriend, the first man that he trusts next to his father.” “It’s your decision but if you decide to cheat then find a new mother and I won’t accept you,” seryosong sambit ni Lian na may halong pambabanta.  “Always remember that, the moment you cheated was the moment you finally turned your back on me. And they will be the first day you’ll become homeless.” Lian said.  “I don’t tolerate cheating here and I wouldn't tolerate cheating no matter who you are in my life. My son is not a cheater so if you’re a cheater you are no longer my son.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD