CHAPTER 49 (Part 2)

1032 Words
CHAPTER 49 (Part 2) Natahimik si Oliver nang iniwan na siya ng kanyang ina, hindi niya maiwasan na matulala at mag isip-isip kung ano nga ba ang tamang desisyon na kailangan niyang gawin. Alam niyang ngayon palang ay kailangan na niyang mag-desisyon bago pa lumala ang lahat. Alam niya sa sarili niya kung ano ang dapat na gawin ang kaso nga lang ay hindi niya maatim na may masasaktan sa dalawa pero alam naman niya na kahit anong gawin niyang pagpipigil at pagkontrol sa sitwasyon ay may masasaktan at masasaktan pa rin sa kanila.  Nanghihina siyang umupo sa kanyang kama tiyaka niya nilagay ang kanyang palad sa kanyang mukha habang ang kanyang siko naman ay pinatong niya sa kanyang tuhod. Naguguluhan na siya sa nangyayari, hindi na niya alam ang kanyang pakiramdam. O siguro ay alam na niya ang kaso nga lang ay hindi niya matanggap na masasaktan niya ang babaeng nagparamdam sa kanya kung ano ang pagmamahal. Natatakot siya na baka masaktan niya ang babaeng tinuring niyang kaibigan at kapatid.  Nagagalit siya sa kanyang sarili dahil siya lang naman ang dapat sisihin. Siguro nga ay tama ang kanyang ina na kailangan na niyang may bitawan sa dalawa, na kailangan na niyang putulin kung ano man ang relasyon niya sa isa dahil natatakot siya na baka makagawa siya ng kasalanan na pagsisihan niya sa tanang ng kanyang buhay.  Humiga na siya sa kanyang kama tiyaka niya tinitingnan ang kanilang kisame habang ang kanyang braso ay nakapatong sa kanyang noo at nag-iisip siyang mabuti. Muli siyang nagalit sa kanyang sarili dahil kung sanang nagdesisyon na siya ng mas maaga ay natapos na ng mas maaga pa. Hindi na niya kailangan pang patagalin pa dahil baka mas lalo lang lumaki ang sugat na maiiwan niya.  Ayaw niyang mamili. Ayaw niyang mang-iwan. Pero kahit na anong ayaw niya ay wala siyang magagawa dahil alam niya na wala siyang magagawa kung hindi pumili o ‘di kaya naman ay mang-iwan. Ayaw niyang kuhanin ang kanyang cellphone dahil alam niyang hindi rin makakabuti sa kanya ang pag-scroll sa social media lalo na’t sobrang fan ang kanyang kapatid at makikita niya lang ang mukha ni Avery. Ramdam niyang nag-vibrate na iyon pero mas pinili niyang pumikit para ikalma ang kanyang naiisip, hindi na niya inalintana kung sino man ang tumatawag. Dahil ngayon ay mas pinipili niya muna ang kanyang sarili para makatulog siya ng matiwasay.  Ngumiti namang may ngiti sa labi si Avery, kahit na nag-aalala sa kanya ang mga tao sa bahay ay para bang wala siyang nakita at nagpatuloy siya sa pag-akyat niya ng hagdan nang sa gayon ay makapasok na siya sa kanyang kwarto. May ngiti sa kanyang labi dahil alam niyang nakuha na niya ang loob ng dalawang mahalagang babae kay Oliver. Kaya mapapadali sa kanya ang mission niya dahil nga malapit na siya sa mga malalapit na tao kay Oliver at is alang ang ibig sabihin non: magiging mapalapit na siya kay Oliver sa ayaw o sa gusto man ng binata. Tsk.  Napapailing na ngumiti si Oliver habang in-imagine ang pagpatay niya kay Oliver, exciting ang bagay na iyon dahil si Oliver ang kauna-unahang tao na papatayin niya. Alam niyang mali ang pagpatay pero magbabawas lang naman siya ng populasyon sa bansa kaya makakatulong pa siya kung sakali. Bakit kaya hindi na lang ibigay sa kanya kung ganon? Magiging masaya na siya, makakatulong pa siya sa problema ng bansa tungkol sa populasyon.  Nang makapasok na si Avery sa kanyang kwarto ay kinuha na niya ang kanyang robe pagkatapos ay pumasok na siya sa kanyang banyo tiyaka niya ihahanda ang mga ilalagay niya sa kanyang bathtub pagkatapos ay nilublob na niya ang kanyang sarili doon habang may ngiti sa kanyang labi. Pinikit niya ang kanyang mga mata para makapag-relax siya.  Panatag na ang kanyang loob dahil nagustuhan siya ng ina ni Oliver. At isa sa kahinaan ni Oliver ay ang dalawang babae sa buhay niya. Hindi naman siya mahihirapan sa kapatid niyang si Lianna dahil kahit na huminga lang ito ay pupuruin siya nito. Hindi mawala-wala ang ngiti sa kanyang labi dahil konting kembot na lang ay dadaloy na sa kanyang kamay ang dugo ng lalaki.  Kung gaano kasaya si Avery ay siya namang kabaligtaran ni Oliver na hindi pa rin makatulog at halos na kabilang na siya ng isang daang libo pero hindi pa rin siya makatulog. Para bang pinagtataksilan siya ng kanyang pag-iisip tila ba ayaw tumigil nito sa kakaisip at maging ang kanyang mga mata dahil hindi man lang ito nasasara.  Hindi niya maiwasan na bumuntong-hininga, halos hindi na niya mabilang ang pag buntong-hininga niya dahil sa desisyon niya. Alam niya na hindi dapat magdesisyon kapag sobra-sobra ang emosyon ang kaso nga lang ay kapag pinatagal niya ay baka lumalim lang ang sugat na ibibigay niya sa isang tao. Nasasaktan din naman siya habang iniisip na magagawa niya iyon. Ang buong akala niya ay hindi darating ang araw na ito kaya naman ayos lang sa kanya na magkaroon ng jowa katulad ng mga kaibigan o ‘di kaya ang kanyang mga kaklase. Naguguluhan na siya kung tama pa ba ang ginagawa niya, kung tama ba na ngayon siya nagdedesisyon o baka pagod lang siya kaya niiya naiisip iyon? O baka na-pressure lang siya sa sinabi ng kanyang ina? Hindi na niya alma. Halo-halo na ang nasa utak niya, kung mangyari man ang in-expect nilang mangayari ay pati siya’y maiinis, mandidiri, at magagalit sa kanyang sarili.  Dahil hindi na siya makatuloy ay naupo na siya tiyaka niya tiningnan ang kabuuan ng kanyang kwarto. Nakita niya pang nakasabit ang shirt na binigay sa kanya ni Elisa kaya muli siyang napabuntong hininga. Kinuha niya ang cellphone niya sa kanyang maliit na bed side table. Halos mapapikit pa siya dahil kontin na lang ay mapapasabog na ni Marina ang kanyang cellphone dahil sa call notification nito.  Hindi na lang muna siya pinansin ni Oliver tiyaka siya nag-scroll para makita niya ang conversation nila ni Elisa. Good night ang huling message ng babae kaya nagreact na lang siya ng heart doon dahil wala naman din siyang alam sabihin. Hanggang sa nagtipa na siya ng mensahe para ipadala sa kanyang kasintahan.  “Can we talk tomorrow?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD