CHAPTER 50
“Elisa!” Pagtawag ni Marina sa kanyang kaibigan dahil bigla na lang niyang binitawan tiyaka ito umalis. Hindi na pinansin ni Elisa ang kanyang kaibigan dahil wala na siya sa mood. Ang gusto na lang niya ngayon ay makapag-shower siya at makapagbihis na ng pantulog para humilata na lang siya sa kama. Alam niyang mahihirapan siyang makatulog pero kailangan nalang niyang itulog ang lahat ng gumugulo sa kanyang isipan.
“Elisa!” muling pagtawag ni Marina sa kanya, dahil nauna siyang naglakad ay hinahabol na siya ni Marina. Alam niyang hindi niya dapat iwanan ang kanyang kaibigan at ihahatid naman sila ng kaibigan ng kanyang kasintahan ang kaso nga lang ay masyado na siyang pagod ngayong araw na ito para pakinggan niya pa ang pag-aaway ng dalawa. Alam niyang hindi titigil ang dalawa sa pag-aaway dahil walang gustong magpatalo o magbigay daan sa kanila.
“Aray!” napahinto siya ng marinig niya ang boses ni Marina sa kanyang likuran. Nakita nalang niya itong hawak-hawak niya ang kanyang sakong dahil mukhang natapilok iton, hindi niya napansin na hindi pantay ang kanyang nilalakaran kaya naman nawalan siya ng balanse dahil mataas din ang suot niyang heels. Lalapitan na niya sana si Marina para tulungan ang kaso nga lang ay may taxi na paparating, nakita na rin niya na tinulungan na siya ni Samuel kaya napabuntong-hininga nalang si Elisa at mas pinili na parahan ang taxi.
Alam niyang magagalit sa kanya si Marina pagkatapos ng gabing ito dahil mas pinili niyang umuwi na hindi man naayos o nakakausap si Marina. Pero masama ba na kahit minsan ay piliin naman niya ang sarili niya? Dahil hindi na niya alam kung tama pa ba ang binibigay niyang pagmamahal sa sarili niya at masyado ng napapasobra sa ibang tao. Hindi na niya malaman kung kailan niya pinasaya ang kanyang sarili without the help of other people, Gusto niyang maramdaman ang pagmamahal na binibigay niya sa iba. Hindi naman masama ang pagpili sa sarili lalo na kung nakakapagod na magbigay ng pagmamahal sa ibang tao at hindi man lang ito nabibigay pabalik sayo.
Bakit niya naman hahanapin ang pagmamahal na binibigay niya sa ibang tao kung kaya naman niyang ibigay at iparamdam sa sarili niya iyon? Ang kailangan niya ngayong gabi ay makapag isip-isip kung ano ang tamang desisyon na gagawin niya. Nahihirapan lang din siyang mag-decide kung ano ang pipiliin niya.
Kung pipiliin pa rin ba niya ang pagmamahal niya sa kanya kahit na sakit at overthink ang binibigay ni Oliver sa kanya pero masaya siya o kung pipiliin niya bang mahalin ang sarili niya, mararamdaman niya ang pagmamahal na pinagkait niya sa sarili niya pero hindi siya masaya?
Hindi na niya alam kung anong tamang gawin. Masaya siya na kasama si Oliver pero hindi siya masaya kapag may tumatakbo na sa isip niya at wala man lang nabibigay na assurance ang lalaki. Lumalabs na lang palagi na siya ang nag-aayos sa mga problemang hindi naman niya ginawa. O siya lang talaga ang gumagawa ng problema sa utak niya?
“Elisa!” muling sigaw ni Marina kahit na hirap na hirap na siya sa paglalakad ay mas pinili niya pa rin sundan ang kanyang kaibigan ang kaso nga lang ay kaagad na sinara ni Elisa ang pintuan at sinabi na niya sa driver kung saan ang kanilang address.
Alam niyang makakagulo rin sa pag-iisip niya kapag kasama niya ang kanyang kaibigan. Ayaw naman niyang magalit si Marina kay Oliver dahil magkadugo sila. At naniniwala kasi siya na hindi magandang tingnan sa magkakadugo ang alitan. Ayaw niyang maging dahilan kung bakit hindi sila magkasundo. Dahil baka nga kasalanna niya talaga at nakakakonsensya na nasayang pa ang relasyon nila dahil sa kanya.
“Ano ba?! Bakit ba ayaw mo akong bitawan?” pagtatanong ni Marina kay Samuel dahil saglit siyang nainis sa paghawak nito sa kanya. “Kung hindi moa ko hinawakan edi sana nahabol ko si Elisa!” inis na sambit niya tiyaka niya pinagpagan ang kanyang pouch dahil kaninang natapilok siya ay naitukod niya ang kanyang pouch sa sahig at nagkaroon ito ng konting dumi.
“Kung bitawan kita ngayon hindi ka makakapaglakad,” pakikipagtalo ni Samuel sa kanya habang hawak-hawak niya ang braso ng dalaga. Hindi pinansin ni Marina iyon dahil abala siya sa paglilinis ng kanyang bag.
“Masyado naman malaki ang tiwala mo sa sarili mo, anong akala mo sa akin? Kaya ko naman na wala ka no!” Sambit niya na naiinis ang tono dahil parang pinamukha ni Samuel sa kanya na hindi niya kayang tumayo kung hindi dahil sa kanya. “Natapilok lang ako pero hindi ako lumpo,” masungit na sabi pa ni Marina tiyaka niya hinarapan ang binata at binigyan niya ng masamang tingin.
“Ikaw na nga ang tinulungan pero bakit mukhang kasalanan ko pa?” pagtatanong ni Samuel dahil hindi niya talaga magets ang pinsan ng kanyang kaibigan. Hindi niya tuloy alam kung anong mangyayari sa kanya sa oras na nakagawa siya ng kasalanna at narealize niya na dahil sa kanya iyon dahil kung titingnan ngayon ay mukhang hindi niya matatanggap na magkakaroon siya ng kamalian sa buhay.
“Oo! Kung sinundan mo na lang si Elisa edi sana nahatid na lang natin siya, ‘diba? Paano kung nawala iyon o ‘di kaya naman ay nabastos muli siya katulad kanina?” pakikipagtalo pa ni Marina kay Samuel. Napailing na lang si Samuel dahil hindi niya talaga maintindihan ang logic ng pinsan ng kaibigan niyang si Oliver. Hindi niya alam kung bakit magkaiba sila ng mindset kahit na pareho naman silang matalino, para siyang bata kung mag-isip at sinisisi ang lahat ng nasa paligid sa kanya. Kahit na mali siya ay ipipilit niya pa rin na tama siya.
“Okay, okay, kasalanan ko na, okay?” pagod na sambit ni Samuel dahil alam niyang hindi naman papatalo si Marina. Mas maayos na sumuko na lang siya keysa abutan pa sila ng araw sa pagpapaliwanag niya na siya ang may kasalanan at hindi siya.
“Oh? Bakit mukhang napilitan ka? Hindi mo ba tanggap na ikaw ang may kasalanan?” pagtatanong na hamon ni Marina sa kanya.
“Tangina.” mahina ngunit malutong na mura ni Samuel dahil hindi siya makapaniwala sa pag-iisip ni Marina. Parang hindi pa siya nagmamature, pero ano pa nga bang aasahan niya sa isang spoiled brat?
“Oh bakit? Why are you cursing me? Pinapakain mo ba ako, huh? Pinag-aral mo ba ako? Hindi naman ah? Sino ka para murahin ako?” inis na tanong ni Marina kay Samuel na nasa tapat niya habang hawak-hawak niya pa rin ang kamay nito. Inalis niya tuloy ito sa sobrang inis niya. Kahit na gusto niyang layasin ang lalaki ay hindi niya magawa dahil halos hindi na niya magalaw ang kanyang paa sa sobrang sakit nito. Inukutan niya tuloy ng mata ang kanyang paa dahil don.
“What? I didn’t curse you!” sambit ni Samuel dahil mukhang may bago pa silang pag-aawayan. Ang totoo anong topic ang hindi kayang gawan ng pag-aaway ng babaeng nasa harapan niya? Bakit parang lahat na lang ng salita ay nagagawan niya ng paraan para gawing away.
“You really lied, huh? Natapilok ako, hindi ako bingi kaya narinig ko na minura mo ako!” inis na sambit ni Marina dahil ayaw niya talaga sa mga lalaking manloloko o ‘di kaya naman ay sinungaling. Hindi naman siya nagkaroon ng guni-guni para makarinig siya ng kung ano-anong bagay gayong silang dalawa lang ang nasa parking lot.
“I didn’t curse you,” pang-uulit ni Samuel dahil wala siyang naalala na minura niya ang dalaga. Wala rin namang ibang tao liban sa kanila kaya hindi niya maintindihan kung saan nanggaling ang sinasabi ni Marina na minura niya ito. Hindi niya alam kung anong meron sa babae pero hindi niya ito kayang murahin para bang hindi siya makakatulog ngayong gabi kong totoo nga ang sinabi ng babae.
“Talagang ipipilit mo pa ang pagsisinungaling mo no? Ganyan talaga kayong mga lalaki,” sambit pa ni Marina dahil na bwisit na siya, malinaw ang pagkakarinig niya pero hindi niya maintindihan kung bakit dinedeny pa ‘yon ng lalaki.
“Hindi kita maintindihan,” iyon na lang ang halos sabihin ni Samuel dahil hindi niya talaga maintindihan ang dalaga na para bang kahit anong gawin niya ay puro mali sa kanya at hahanapan niya ng paraan para mag-away sila. Na simpleng salita lang ay lumalaki ang pag-aaway nila at hindi niya alam kung bakit.
Kung siya ang tatanungin ay gusto naman niyang maka-close ang dalaga dahil pinsan din naman siya ng kaibigan nito tiyaka mukha siyang wasak at hindi niya kilala ang sarili niya. Na ang lahat ng katigasan na pinapakita niya ay tinatakpan lang niya ang malambot niyang puso.
“Ako pa talaga ang mahirap intindihin? It is clear that you cursed me,” pagpipilit ni Marina dahil hindi naman siya pwedeng magkamali ng dinig. “Tangina,” pag-uulit niya pa sa malutong na mura ni Samuel kanina.
“What?” hindi makapaniwala tanong ni Samuel dahil mukhang na-misinterpret siya ng dalaga. “Tangina was just an expression, I didn’t curse you,” paliwanag niya sa mahinahon na paraan dahil baka bumaligtad na naman ang sitwasyon at siya na naman ang magiging makasalanan.
“That was just the same thing,” maarteng sagot ni Marina dahil lolokohin pa siya ni Samuel. Magpapalusot pa siya na hindi siya minura pero ang totoo ay iyon naman talaga ang gusto niyang ipahiwatig.
“Tangina is different from tangina mo,” hirap na paliwanag ni Samuel. Halos sabunutan na niya ang sarili niya para lang malaman ni Marina na nagsasabi siya ng totoo.
“It’s the same thing, it’s a curse,” sambit ni Marina dahil wala na siyang energy para makipag-away pa sa binata pero ayaw niya pa rin naman magpatalo dahil alam niya na may point siya.
“Tangina is an expression while tangina mo is a curse,” ulit na pagpapaliwanag ni Samuel sa dalaga. Humugot siya ng malalim na hininga. “Let’s go home, you need a rest,” sambit ni Samuel. Ngumuso si Marina nang may naalala siya.
“I can’t,” kumunot ang noo ni Samuel dahil sa sinagot ng dalaga.
“Why?” Pagtatanong niya dahil mukhang naging problema bigla iyon ni Marina dahil sa pag-iiba ng tono niya.
“I told my parents about me sleeping over Elisa’s house but I guess that she needs to be alone,” paliwanag niya dahil mukhang natahimik na ang kanyang kaibigan. Kahit na makulit at isip bata siya minsna ay naintindihan naman niya kung gustong mapag-isa ng isang tao. Lalo na kanina kay Elisa dahil hindi naman ganon ang kanyang kaibigan. Hindi siya iiwanan nito kahit na gusto niyang mapag-isa pero ngayon ay desidido siya sa pag-iisa niya dahil hindi man niya ito binalikan pagkatapos niyang matapilok.
“Where are you going now?” pagtatanong ni Samuel dahil hindi naman niya maiwanan ang dalaga dito lalo na kung siya lang mag-isa.
“Maybe, Oliver’s?” pagtatanong ni Marina, napasinghap si Samuel tiyaka siya napailing dahil mukhang hindi magandang ideya na doon matulog si Marina dahil baka guluhin niya si Oliver na pinsan niya at kaibigan naman ni Samuel. Baka lalo lang siyang makagulo sa problema nila lalo na alam niyang kakampihan ni Marina ang kaibigan niyang si Elisa.
Alam niyang may problema ang dalawnag magkasintahan ang kaso nga lang ay hindi niya alam kung anong pinagmulan at kung anong problema. Kung maari ay ayaw niyang kampihan ang isa sa kanila dahil kawawa naman ang isa pero kung ang kaibigan niya ang may kasalanan ay hindi na niya alam kung anong gagawin pa niya.
Hindi man nagsasabi si Oliver ng problema tungkol don dahil mas gusto pa niyang kimikimin lahat ang kaso nga lang ay napapansin din naman ni Samuel na tulala rin siya sa mga nakaraan na araw. Ang buong akala niya ay dahil sa finals pero ngayong nakita niya na mukhang may problema nga sa relasyon nila ni Elisa ay alam niyang iyon ang dahilan kung bakit palaging malalim ang iniisip ni Oliver.
Nang makauwi na sa bahay si Elisa ay kaagad na siyang nagshower at nagbihis. Binagsak na rin niya ang katawan niya sa kama at pinagmamasdan ang mga glow in the dark na star na nilagay niya sa kanyang kisame dahil nagagandahan siya sa mga bitwin. Ngumiti na lang siya ng mapait sa t’wingn naiisp niya na baka hindi nga siya mahal ni Oliver.
Nag-vibrate ang cellphone niya kaya kaagad niya itong kinuha pero mukhang mawawalan siya ng dugo dahil sa kanyang nabasa.
“Can we talk tomorrow?”