CHAPTER 51 Hindi alam ni Elisa kung ano ang mararamdaman niya pagkatapos niyang mabasa ang mensahe ng kanyang kasintahan. Kung sabik ba dahil magkakausap sila at baka sakaling malinawan pa kung ano mang meron sa kanila o kaba dahil nga malilinawan na kung ano talagang estado ng relasyon nila ay bigla na lang itong mawawala sa kanya sa isang iglap. Kung siya ang tatanungin ay ayaw niyang mawala kung ano mang meron sa kanila kahit na hindi na siya masaya. Dahil ang relasyon ay hindi naman puro saya lang, kailangan din makasagupa ng problema para matawag na relasyon. Kaya naman niyang maghintay hanggang sa maging ayos na ang lahat. Ganon siya kabulag pagdating sa pag-ibig. Lahat naman yata tayo ay natatanga sa pag-ibig. Kaya wala ng pakialam si Elisa kung ano man ang isipin ng ibang tao sa

