CHAPTER 73 (Part 4) “Why are you asking this out of nowhere?” hindi mapigilan ni Oliver na tanungin niya ang dalaga. Nagulat siya na biglang ganoon na lang ang napag-usapan nilang dalawa. Sa katunayan ay hindi talaga inaasahan ni Oliver na pag-uusapan nila ang mga ganoong bagay. Hindi niya inakala na bubuksan ni Avery ang ganoong usapin na silang dalawa lang. Una na niyang narinig ang kwento ng dalaga dahil sa kanyang ina noon. Binabawalan niya nga ang kanyang ina noon dahil alam niyang sensitibong topic iyon para kay Avery. Ang buong akala niya talaga noon ay nasa ibang bansa lang ang kanyang mga magulang. Hindi niya inaasahan na matagal na pala silang wala sa piling niya. Kaya siguro naging matapang na rin ang personalidad ni Avery sa ibang tao dahil ayaw niyang ipakita kung gaano k

