CHAPTER 72 (Part3) Napatigil si Avery dahil sa sinabi ni Oliver tiyaka siya marahan na ngumiti sa binata. Habang ang kaloob-looban naman niya ay nagsasaya dahil tama nga ang kanyang hinala na makukuha niya ang binata sa ganoong kadaling paraan. Sa paggamit niya sa kanyang nakaraan na wala naman sa kanya. Minsan ay hindi nga niya maintindihan kung bakit ibang-iba siya sa ibang tao. Kung siguro isang normal na tao ang nakaranasan kung ano man ang naranasan niya noong bata pa siya ay mag-iiwan iyon ng trauma sa kanya at isa pa, makakaramdam sila ng sobra-sobrang sakit sa t’wing naalala nila iyon. Pero ni minsan ay hindi siya nakaramdam ng kirot sa kanyang puso habang inaalala nag nangyari noong gabing iyon, hindi siya nasasaktan sa t’wing pinag-uusapan ang kanyang mga magulang kahit na mu

