CHAPTER 72 “Careful,” sambit ni Oliver nang hinawakan niya ang braso ng dalaga dahil muntik na siyang madapa sa hanging bridge na tinatawid nila ngayon. Kung titingnan niyang mabuti ay si Avery na ang malakas ang loob na maglakad nang hindi man lang humahawak sa hawakan ng hanging bridge sa lahat ng mga babae na tumatawid. Karamihan sa kanila ay umiiyak na sa kaba habang nakahawak sa gilid at ang iba naman ay nakaluhod na dahil hindi na nila kinakaya. Habang ang mga kasamahan naman nila ay kung hindi sila vine video at tinawanan ay tinutulungan naman nila itong makatayo. “This is so boring,” sambit ni Avery tiyaka niya pinagpatuloy ang kanyang paglalakad. “Why are they overacting? This bridge is safe,” bulong-bulong niya dahil hindi niya maatim ang ibang babae na nagpapabebe para sa ka

