CHAPTER 71 (Part 2) “Are you serious?” hindi makapaniwalang tanong ni Oliver kay Avery. Hindi niya alam kung nagprank lang ang dalaga o seryoso ba talaga ito. Hindi niya rin maintindihan ang kanyang nararamdaman, dapat ay maguluhan siya ang kaso nga lang ay mas lamang pa rin ang nararamdaman niyang excitement kung saan man sila pupunta ng dalaga. May ipon naman siya, iniipon niya iyon para kung sakaling mag emergency man ay may mailabas siya na pera. Pero hindi niya inaasahan na sa ganitong emergency niya mailalabas iyon. Teka nga lang! Ayaw niya namang sumama kay Avery dahil malakas talaga ang epekto sa kanya ng dalaga. Pero bakit naman niya iniisip ang savings niya na kahit kailanman ay hindi niya ginagastos pwera na lang kung kailan ng kanyang mga magulang, tinitipid niya nga ang

