CHAPTER 56 “Are you ready?” pagtatanong ni Avery kay Lindsey habang kumakain sila ng umagahan. Tiningnan sila ng kanyang lolo dahil walang kaalam-alam si Alejandro kung ano man ang lakad ng dalawang magkaibigan. Alam niya na hindi tinuturing na kaibigan ng apo niya si Lindsey pero umaasa pa rin siya na sana ay iyon lang ang pinapakita ni Avery pero ibang-iba ang kalooban niya. Pero hindi ganon si Avery, hindi nga niya maintindihan kung bakit may mga taong nagmamahal o naawa? Paano sila nakakaramdam ng ganon at bakit sila nakakaramdam ng ganon? Dahil kung siya ang tatanungin ay wala siyang pakialam sa mga tao sa paligid niya. Ni hindi man nga siya naiiyak kapag may nakikita siya “kaawa-awa” gaya ng sabi ng ibang tao o ‘di kaya naman sa mga nirerecommend nilang movie na nakakaiyak. Ang b

