CHAPTER 52 (Part 3) “Are you really sure na wala kang girlfriend?” pagtatanong ni Marina kay Samuel habang iniikot niya ang kanyang mata sa loob ng kanyang condo. Dahil nga hindi na niya masundan ang kanyang kaibigan at mukhang kailangan ni Elisa ng personal space ay wala siyang choice kung hindi sumama na lang kay Samuel dahil hindi niya dala ang kanyang mga cards, naiwan niya kasi ang mga iyon sa kanyang bag na nasa bahay nina Elisa. Hindi sakto ang cash na dala niya para mag check-in sa hotel kaya wala talaga siyang choice. Bawal siyang umuwi dahil nakapagpaalam na siya, isa pa hindi siya pwedeng umuwi na ganito ang itsura niya at amoy alak pa dahil nakarami din sila ng inom kanina ni Elisa. Kaya na rin siguro hindi ma-control ng kanyang kaibigan ang emosyon niya ay dahil may tama na

