CHAPTER 53 “The f**k that man saying?” pagtatanong ni Marina sa kanyang sarili nang lagpasan na niya si Samuel. Hindi na niya pinansin ang huling salita ni Samuel dahil nag-alboroto ang kanyang tiyan. Mabuti na lang at tinuro ni Samuel ang magiging kwarto nito at nasabi na rin niyang may CR kaya pagkapasok niya sa kwarto ay pumasok siya sa isang pintuan, alam niyang CR na 'yon dahil iyon lang naman ang pintuan sa loob ng kwarto. Nang makaupo na siya sa inidoro ay kinuha niya ang kanyang cellphone dahil dala-dala niya ang kanyang bag. Nilagay naman niya sa may lababo ang kanyang bag, hindi naman basa ang lababo kaya hindi siya kailangan mag-alala na baka basa na ang kanyang bag pagkakuha niya. Nag-scroll lang siya sa f*******: at syempre tinadtad niya ng messages ang kanyang kaibigan

