CHAPTER 53 (Part 2) “Just wear my shirt and my unused boxer,” sambit ni Samuel habang binibigay niya ang kulay puti niyang shirt at ang kulay itim naman niyang boxer na bago pa lang at hindi niya ginagamit. Nakasiwang ng kautni ang pinto kung saan kasya ang kanyang kamay para ibigay kay Marina na nasa loob ng banyo ang mga gamit, kaagad naman itong tinanggap ni Marina kaya noong nakuha na ng dalaga ang damit ay kaagad din namang inalis ni Samuel ang kanyang kamay sa siwang tiyaka na siya lumabas ng kwarto. Tiningnan muna ni Marina ang binigay ng lalaki sa kanya tiyaka niya ito inamoy, baka kasi nagamit na pala pero mukhang amoy bago pa lang naman kaya sinuot na lang niya. Wala siyang bra pero ayos na iyon dahil kumportable naman siya na walang ganoon lalo na kapag nasa bahay siya. Sigur

