CHAPTER 62 (Part 2) “Marina, what’s happening?” hindi mapigilan na lumapit ni Lian sa kanyang pamangkin at sa kanyang anak dahil bigla na lang silang nag-away. Hindi siya sanay na makitang nag-aaway ang dalawa, nagtatalo sa maliit na bagay pwede pa pero palagi naman pinagbibigyan ng kanyang anak ang kanyang pamangkin. Hindi siya nagrereklamo doon dahil sinabihan niya na rin ang kanyang anak na kung kaya niyang magbigay ng pasensya o ‘di kaya naman ay pagbigyan ang kanyang pinsan ay gawin niya. Itrato niya ang kanyang pinsan na parang isang tunay na kapatid dahil ayaw niyang magkaroon ng lamat ang magpipinsan dahil lang nahiwalay na siya sa kanilang pamilya. Ayaw niyang idamay ang anak ng kanilang mga kapatid kung ano man ang hindi pagkakaintindihan na meron sa kanila ng kanilang mga mag

