CHAPTER 63 Hindi alam ni Marina kung saan siya pupunta. Ni hindi nga niya kabisado ang kanto nina Oliver pero naglalakad lang siya. Naiinis siya kay Samuel dahil sa sinabi nito pero mas naiinis siya sa kanyang sarili dahil nagpapa-apekto siya sa sinabi ni Samuel. Siguro ay hindi niya lang maipagkaila na tama nga si Samuel, kung kaninang umaga ay iniisip niya na parte lang siya kung bakit nasasaktan ang kanyang kaibigan ngayon ay para bang nabigyan linaw ang lahat na dahil sa kanya talaga kung bakit nagdurusa ngayon ang kaibigan niya. Gusto niyang makaiwas ito sa sakit o gusto niya itong protektahan pero siya pala mismo ang nagbigay ng apoy sa kanyang buhay. Hindi niya matanggap na kasalanan niya ang lahat ng nangyari. Kung hindi lang sana niya pinilit ang kanyang pinsan ay hindi sana n

