Chapter forty-three

1814 Words

Hinaturan na lang ako ng hapunan ni Dryle dito sa kwarto ko dahil ayokong bumangon. Si Daphne ay hindi na rin umalis dito sa tabi ko kaya nainis lang ako dito dahil kahit anong taboy ko dito ay hindi nakikinig sa akin. May dala na rin pala itong pagkain para kay Daphne kaya inasikaso na nito ang pagkain namin. “Salamat Dryle.“ Mahinang turan ni Daphne na bihira lang magsalita pero dalawa o tatlong letra nga lang. “Ikaw na bahala diyan ha pakainin mo.“ Sabi ni Dryle dito kaya napakuyom ako ng kamao at namaluktot na lang. Tinangal ni Daphne ang kumot ko kaya napaharap ako dito. “Let's eat paborito mo ang niluto ni Dryle.“ Sabi nito na naapiling na lang ako. Binabawi ko na ang sinabi ko na maikli lang kung magsalita ang babaeng ito, dahil pitong salita ang lumabas ngayon sa bibig niya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD