Maaga akong nagising dahil may kailangan akong asikasuhin ngayin araw. Linggo na ngayon at bukas na ang simula nang trabaho ko kaya naisipan ko na tawagan ang dalawa kong kaibigan. Si Shirley at Annie na nakagaanan ko talaga ng loob dahil magkakapareho kami ng mga hilig. At isa pa sabi ni Dryle ay malinis ang background ng dalawa kaya hindi na rin sila nagsalita pa tungkol sa pakikipagkaibigan ko sa mga ito. It's like they are little sister kaya naman excited ako na makasama sila ngayong araw. Nakakuha na rin kami ng bahay nina Daphne kasama namin syempre si Damon at Dryle. Pababa na ako nang makita ko na gising na si Daphne at nag-hahanda na ng almusal. “Good morning Bella.“ Bati nito kaya napangiti ako at binati rin ito at saka nagpasalamat dahil tinimplahan na ako nito ng kape.

