Chapter three

1591 Words
Nang magising ako ay wala akong maalala kung ano ang nangyari nong araw na naaksidente kami ng pamilya ko na namatay nong mismong araw na iyon. Halos hindi ako makahinga habang malakas akong umiiyak dahil sa sinabi ni Ninong Anton na siyang namulatan ko agad pagkagising ko. “You've been sleeping for two years Lirabelle.“ Sabi nito na lumapit sa amin at niyakap ako kaya lalo akong napaiyak ng malakas. Paanong sa isang iglap lang ng gabing iyon ay nawala ang buo kong pamilya at nabuhay nga ako pero magigising pala ako after two years. Ang masaklap ay wala pa akong maalala nong gabing iyon, ang huli kong natatandaan ay graduation ni kuya iyon. Ginabi na kami ng uwi dahil kumain kami sa labas, masaya at maingay kami habang binabagtas ang daan pauwi. Pero isang kotse ang bigla na sumalpok sa amin at hindi ko na naalala pa ang mga sumunod na nangyari. Habang nakaupo ako dito sa kama ko ay hindi ko na naman maiwasan ang hindi mapaiyak. Miss na miss ko na sina papa pero wala na sila at sobrang sakit dahil hindi ko na sila makikita pa kailanman. Napatingin ako sa pinto ng kwarto ko nang pumasok si Ate Fatima ang sekretarya ni ninong. “Umiiyak ka na naman Bela.“ Sabi nito na nilapag sa maliit na lamesa ang pagkain ko. “Hindi ko po maiwasan.“ Sabi ko dito kaya lumapit siya sa akin at niyakap ako at pinatahan. Mabait si ate at ito pala ang nag-alaga sa akin habang tulog ako, ito rin ang madalas na nandito sa kwarto ko at binabantayan ako. Isang buwan na rin pala mula nang magising ako at hindi pa ako gaanong nakakalad pero may therapist ako na siyang tumutulong sa akin na maigalaw ko na ang ibabang parte ng katawan ko. Ang katawan ko ay nagkakalaman na rin at hindi na ako madalas manghina. Kaya ko nang igalaw ang mga braso ko at ang mga tusok ng karayom sa akin ay naghihilom na unti-unti. Ang buhok ko ay tumutubo na rin pero hindi pa rin maganda. Sabi ni Ate Fatima ay kinakailangan nilang kalbuhin ang ulo ko dahil sa gamot na nilalagay sa akin. May mga makapal na kulisap na bumalot sa anit ko at ito rin ang ginagamot sa akin. Mahirap raw kasi ang naging kalagayan ko dahil may allergy ako sa gamot na kailangan pa rin ng katawan ko kaya madaming tumubong kung ano-ano sa akin. “Kain ka na muna at iinom ka pa ng gamot.“ Sabi ni ate kaya napatango ako at napangiti dahil paborito ko ang nakahain. “Si Ninong Anton po? Uuwi po ba siya?“ Magkasunod kong tanong kaya napailing ito. “Marami siyang trabaho sa Manila kaya baka sa susunod na linggo pa siya makakauwi.“ Sagot nito kaya napatango lang ako at nagpatuloy na sa pagkain. Kahit nanginginig pa ang kamay ko ay kaya ko nang kumain mag-isa kaya hindi na ako nahihiya kay ate na siyang nagpapakain sa akin. Naubos ko ang pagkain at ang prutas na binalatan ni ate sa akin at ininom ko na ang calcium at vitamin na para sa buto ko at sa katawan ko para mapabilis ang paggaling ko. “Very good talaga ang prinsesa ko.“ Sabi ni ate kaya napangiti lang ako ng malawak. Nagpaalam na si ate dahil pakakainin naman niya ang dalawa niyang anak. Nong nakaraan na linggo lang ito dumating dito sa bahay at nahihiya pa ang dalawa sa akin. Ang cute ng kambal na iyon kaya gusto kong mapalapit sa kanila. Miss na miss ko na tuloy ang bunso kong kapatid, nakalabas na si ate saka naman tumulo ang luha sa mga mata ko at napasinghot pa. Tinangal ko ang negative thoughts ko sa isip ko at kinuha ang libro na sinisimulan ko nang basahin. May mga binabasa ako na libro na binigay sa akin ni Ate Fatima at nawiwili ako dito. Miss ko na rin ang mag-aral kaya napaisip ako at nalungkot na naman. Kumusta na kaya ang mga kaibigan ko sa school? Ang teachers ko at ang eskwelahan ko. Alam kaya nila na nagising na ako, o baka hindi na nila ako naalala pa. Gustong-gusto ko na rin ang makauwi at bisitahin ang pamilya ko pero sabi ng doktor ko ay kailangan ko pa raw magpagaling ng husto. Kaya naman pagbubutihin ko pa at hindi magpapatalo sa lungkot kahit madalas ay umiiyak ako ay alam ko na kaya ko. Bumalik si ate dahil maliligo raw kami kaya napangiti lang ako at kumuha ng damit sa kabinet ko. Napatingin ako kay ate nang tumunog ang cellphone nito kaya napakunot ang noo ko dahil napatitig ito sa akin. Pero sinagot niya ito at pinakita sa akin ang tumatawag kaya bigla akong kinabahan na hindi ko maipaliwanag. “How are you Lirabelle?“ Tanong ng nasa kabilang linya na naka-video call. “Okay lang po ako Ninong Anton.“ Nakangiti ko na sagot dito na tinanong ang mga ginawa ko nitong nakaraang araw. Masigla ko itong sinagot at nangako ito na uuwi tatlong araw mula ngayon, sa ngayon kasi ay busy ito sa trabaho. “Kailan po pala ako pwedeng umuwi?“ Lakas loob ko na tanong kaya nakita ko na natigilan ito at napahinga ng malalim. “Soon babe but now you need to get healed first okay?“ Sabi nito na ikinatango ko na lang. Mayamaya lang ay nagpaalam na ito kaya kumaway ako sa kanya at namatay na ang tawag. “Gaano ka na po pala katagal nagtatrabaho kay Tito Anton?“ Tanong ko kay ate kaya napangiti ito habang binabasa na ang buhok ko dahil nandito na kami sa banyo. “Almost eight years na yata sng asawa ko ay driver ng mommy niya noon at ako ay nagsimula nang magtrabaho bilang sekretarya ng daddy niya, at ng mawala ang mga ito ay naging sekretarya naman niya ako.“ Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi nito. “Patay na po pala ang mga magulang niya.“ Bulong ko na kumirot ang dibdib ko dahil sa nalaman ko. “Naaksidente ang sinasakyan nilang kotse apat na taon na ang nakararaan at kasama ang asawa ko na namatay.“ Mahinang turan ni ate kaya napaharap ako sa kanya at hindi makapaniwala. Iyak ako ng iyak habang pinapaliguan ako ni ate at hindi ako makapaniwala. Ang sakit rin pala ng pinagdaanan ni ate at naiwan sila ng mga anak niya na mag-isa, i feel so sorry for her dahil namatay rin sa aksidente ang asawa niya. At ang mga magulang ni Ninong Anton ay wala na rin. Bakit lahat aksidente sa sasakyan ang kumitil sa buhay ng mga taong mahal namin? Pinapatahan ako ng pilit ni ate na umiiyak kaya lalo akong umiyak ng malakas at kahit basa pa ang katawan ko ay niyakap ko na lang ito ng mahigpit. Mayamaya pa ay lumapit sa amin ang kambal at binigyan ako ng tig-isang candy kaya lalo akong napaiyak. “Tignan mo kakaiyak mo sinipon ka tuloy.“ Sabi sa akin ni Ate Fatima na inaayos ang kama ko, napangiti lang ako at habang sumisinga sa tissue. “Pwede tayong mamasyal bukas ate?“ Tanong ko dito kaya napatingin ito sa akin at napatango lang. “Sige punta tayo ng parke bukas.“ Sabi nito saka na ako pinahiga kaya napangiti ako dito habang hinahaplos ang pisngi ko. “Salamat ate kasi para na rin kitang nanay, inaalagaan mo ako katulad ng pag-aalaga mo sa kambal.“ Sabi ko dito kaya napangiti lang ito at hinalikan ako sa noo. Dahil inaantok na ako ay agad akong nakatulog at nang magising ako kinabukasan ay hindi ako makapaniwala na makikita ko si Ninong Anton. “Hello sleepyhead.“ Sabi nito kaya agad akong napangiti at yumakap dito ng mahigpit. “Akala ko po ay sa susunod ka pa uuwi?“ Tanong ko kay ninong habang kumakain kami ng agahan. Hinawakan ko ang kamay ko na nanginginig na naman pero inalalayan niya ako. “Fatima the therapys need to focus on Lirabelle right hand.“ Sabi nito kay atw na agad na tumango, imbes na sagutin ang tanong ko ay nag-alala ito sa kamay ko. “Mamasyal pala kami sa parke kung okay lang.“ Paalam ni ate dito kaya tumango lang ito at nagpatuloy ns kami sa pagkain. Habang kumakain kami ay napapangiti ako dahil napaaga ang pag-uwi nito. Napatitig ako sa suot nitong military uniform at napakunot ako ng noo. “Anthony Smith?“ Tanong ko kaya napatingin ito sa akin. “Its my real name.“ Sabi nito kaya nagulat ako akala ko ay Anton lang ang pangalan nito pero Anthony pala. Its really manly name and it suit him well too. Naglalakad ako na may saklay habang ang dalawang bata ay nagtatakbuhan sa di-kalayuan sa akin. “Pilay yata yan kaya may ganyan tignan mo iika-ika kung maglakad.“ Narinig ko na usapan ng dalawang babae sa may upuan kaya napahinga ako ng malalim. Sa dinami-dami ba naman ng makikita ng mga ito ay ako pa, pero siguro nga dahil sa saklay ko. “Mawalang galang na no mga ale pero hindi naman yata tama na ganyanin niyo ang bata.“ Napatingin ako kay Ate Fatima na nakaharap na ngayon sa dalawang babae. Napapangiti ako habang nakatingin kay ate na pinapakain ang kambal. Pero mas nakakagulat ay nandito rin pala si ninong na siyang bumili ng miryenda namin. “Eat now Lirabelle.“ Sabi nito kaya napangiti ako at tumango lang saka ako nagsimulang kumain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD