Chapter four

1664 Words
After ng limang buwan na pagpapagaling ko ay masasabi ko na magaling na ako. Nakakalakad na at nakakatakbo na rin ako, nakikipaghabulan na nga ako sa dalawang anak ni Ate Fatima. Sa susunod na linggo ay magsisimula na ako sa unang araw ng eskwela ko. Habang nagpapagaling ako ay binigyan ako ng special tutor ni ninong at mabait rin ito at magaling magturo. Marami akong hahabulin na subject na naiwan ko two years ago kaya kailangan ko ulit na magsipag sa pag-aaral. Namg matapos kaming mag-miryenda ay nagpaalam ako kay ate na maglalakad-lakad sa tabing dagat. Hindi na kasi mainit ang araw na panghapon kaya pinayagan na ako ni ate. Nakayapak ako na naglalakad dito sa tabing dagat at nililipad ng hangin ang mahaba ko nang buhok at kitang-kita na rin ang natural na kulay nito. Napaangat ako ng tingin dahil may naramdaman ako na tila may nakatingin sa akin. Nabitiwan ko ang hawak kong tsinelas dahil sa lalakeng nasa harap ko pero may distansya ang layo nito sa akin. “Ninong.“ Bulong ko dahil baka namamalikmata lang ako pero ng ngumiti ito ay dito ko nasiguro na totoo ito. Agad akong tumakbo palapit dito at agad akong yumakap dito dahilan para mapasaklang ako dito na agad naman niya akong inalalayan. “Ang bigat mo na agad.“ Bulong nito kaya pinupog ko ito ng halik sa mukha nito habang tumatawa ito. Miss na miss ko na ito dahil tatlong buwan rin ito na hindi umuwi dito. “Miss na miss na po kita.“ Sabi ko dito habang yakap pa rin ito ng mahigpit. “Yeah, na miss rin kita.“ Sabi rin nito na inalalayan na ako na makakababa sa kanya kaya napatingala ako dito. Lalo itong naging gwapo sa paningin ko at naka-army cut na ang dating mahaba nitong buhok. “Nagpagupit ka na lalo ka tuloy naging gwapo.“ Walang ligoy ko na turan dito na ikinatawa nito ng malakas ay niyaya na akong bumalik sa bahay. “May mga pasalubong ako sa inyo.“ Sabi nito kaya napangiti ako at tumango lang. Hindi ako makapaniwala na maraming pasalubong si Anthony at pati ang kambal ay tuwang-tuwa. Nakita ko na mukhang seryoso na nag-uusap si ate at ninong kaya hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Nang bumalik ito ay nakangiti na ito at pumunta naman ng kusina si ate para maghanda ng hapunan. “Did you like the gift i gave to you?“ Tanong nito sa akin kaya napangiti ako at tumango. Mga libro, painting tools at damit ang binili nito para sa akin at excited ko na itong gamitin at basahin lahat. Ang kambal naman ay may mga damit at laruan rin at masaya ang mga ito. Pero may isa pa pala kaming bisita na kaibigan raw ni ninong si Tito Claude na boss raw nito. “How are you Lirabelle?“ Tanobg nito kaya napatingin ako kay ninong saka nakangiting tumingin dito. “Okay lang po ako at malakas na po.“ Magalang ko na sagot dito kaya napatango lang ito at napangiti. Napaka-gwapo rin nito at may aura na hindi ko maipaliwanag. Pero mas gwapo pa rin naman ang crush ko kaya hindi ako gaanong tititig dito. Naka-set lang kasi ang mga mata ko sa iisang lalake lang kaya ito lang ang hindi ko pagsasawaan na purihin kahit sa sariling isip ko lang. Habang naghahapunan kami ay nag-uusap ang dalawang lalake habang si ate ay inaasikaso ang kambal sa pagkain. Ako naman ay tahimik lang at maganang kumakain. “Did they call you again?“ Tanong ni Tito Claude kay ate kaya napatingin ako dito at kay ate. “Gusto nilang hiramin ang kambal pero ayaw nila.“ Sagot nito kaya napailing na lang si tito. “Don't worry hindi naman nila kayo basta-bastang malalapitan.“ Sabi naman ni ninong kaya napakunot na lang ako ng noo. Then nasagot ang tanong ko dahil habang naghuhugas kami ni ate ng mga pinagkainan namin ay saka niya sinabi sa akin ang pinag-usapan nila kanina. Yong mga magulang pala ng asawa niya na wala na ay gustong kunin ang kambal at ibigay ang custody sa mga ito. Syempre si ate ang ina ay hindi ito pumayag dahilan para magbanta ang mga ito, natatakot si ate kasi ayaw nito na mawalay sa mga anak. Kung hihiramin naman ng mga ito ang kambal ay baka tuluyan na nitong hindi makita ang mga anak kaya humingi na ito ng tulong kina kay Tito Anton. “Sabi niya ay bibigyan niya ako ng magaling na abogado kung sakali man na daanin sa batas ang custody sa mga anak ko.“ Sabi ni ate kaya napatango lang ako at ngumiti. “Hindi nila makukuha ang mga anak mo ate.“ Sabi ko na lang sa kanya at pinalakas ang loob nito. Nakaupo ako dito sa balkohane habang nakatanaw sa madilim na gabi, hindi ako makatulog kaya bumaba ako at nagmuni-muni dito sa labas. Maliwanag ang gabi dahil sa liwanag ng buwan kaya napakaganda nitong pagmasdan. “Why are you still awake?“ Napatingala ako kay ninong kaya akma akong tatayo pero umupo ito sa tabi ko kaya napalunok ako ng bahagya. Nakasando lang ito at naka-pajama na manipis at may hawak na wine glass. “Hindi pa po ako inaantok.“ Sabi ko dito kaya tumango lang ito. “Hows your legs?“ Tanong nito mayamaya kaya kinuyakoy ko ang mgs binti ko sa bariles at napangiti. “Nakakatakbo na po ako at hindi na ako gaanong napapagod kapag ginagawa ko ito.“ Sabi ko dito kaya napatango lang ito. “Papasok ka na ulit pagbutihin mo sa school para maging proud sayo ang mga magulang mo at ang kuya mo.“ Sabi nito mayamaya kaya napayuko ako at nag-init ang mga mata ko. “Don't cry Lirabelle, your family will in place that they will not get hurt anymore and they will always by your side.“ Sabi nito kaya tuluyan na akong napaiyak habang sumusubo ng kanin at hinayaan lang nila ako na umiyak. Hindi ko napigilan ang sarili ko dahil lahat sila ay iisa lang ang sinasabi na nasa lugar na yong pamilya ko na wala nang sakit at paghihirap. Hindi ko maintindihan kung ano iyon pero hindi ko na lang iyon inisip pa. At sumapit nga ang araw ng klase ko, kinakabahan ako habang inaayos ko ang uniform ko dito sa harap ng salamin. Inayos ko rin ang buhok ko na nakalugay lang at suot ko ang hairpin na regalo ni ninong. Muli pa akong umikot para masiguro na maayos at maganda na ako sabay ngiti ko sa salamin. Nang makontento ako sa sarili ko ay kinuha ko ang bag ko at ang cellphone ko. Napangiti ako at dinama ko ang dibdib ko saka huminga ng maluwag saka na ako lumabas ng kwarto ko. Habang pababa ako ng hagdan ay narinig ko na gising na rin ang kambal, papasok na rin kasi ang dalawa sa kindergarten kaya sabay-sabay kami ngayong araw na papasok. “Good morning sa inyong lahat.“ Bati ko sa kina ate at sa isa pa namin na bagong kasama dito sa bahay si Ate Lanie na agad na ngumiti. “Wow! Ang ganda naman ng dalaga namin.“ Nakangiti na sabi sa akin ni Ate Fatima kaya napangiti ako lalo. Oo nga pala kakaalis lang kahapon ni Ninong Anton kaya nakakalungkot na hindi niya ako makikita na naka-uniform. Pero napatingin ako kay ate nang umilaw ang camera niya na nakatutok sa akin, nagpost ako ng maayos at nakangiti ng malawak kaya napatawa na lang ito. “Ipapadala ko ito sa tito mo.“ Sabi ni ate kaya napatango na lang ako. “Dapat maganda ako ate ha.“ Sabi ko dito kaya tumango ito at saka na ako pinaupo at nagsimula na kaming kumain. “Ipakita mo ang charming side mo Bela okay.“ Sabi ni ate nang nasa harap na kami ng school kaya napatingin ako sa kanya at ngumiti. Lumabas na ako ng kotse at saka huminga ng maluwag at kumaway na ako kay ate at saka naglakad papasok sa eskwelahan. My first day of school is amazing, mababait ang mga kaklase ko at hindi ako nahirapan na makihalubilo sa kanila. Mangha rin sila dahil sa itsura ko, may lahi ako dahil kay papa na isang italiano pero mas minana ko kay mama ang halos lahat ng feature ko. Ang unang subject namin ay tagalog at sumunod ay ang math, hindi ako gaanong nahirapan dahil nag-review naman ako. Nang tumunog ang bell na hudyat na lunch time na ay napaunat na lang ako ng mga braso ko. “Lira tara na kain tayo sa canteen.“ Niyaya ako ni Marie at si Anie na agad kong nakapalagayan ng loob. “May baon ako.“ Sabi ko sa dalawa na napangiti lang. “Pero kain tayo sa canteen o kaya sa school garden, oorder na lsng kami ng pagkain.“ Sabi ni Anie kaya agad akong tumango at napangiti. Maybe i feel bless to have a colorful highschool life, napakabilis ng panahon. Fourt year na ako sa highschool at graduating na kaya hindi ako makapaniwala. Maraming nangyari sa loob ng dalawang taon at sa lahat ng oras ay masaya ako. Pauwi na ako nang makasalubong ko si Henry ang kaklase ko na nililigawan ako kahit sinabi ko dito na hindi pa ako handa na magka-boyfriend. “Pauwi ka na?“ Tanong nito kaya tumango ako at napatingin ako sa bumusina sa harap ng gate at nakita ko si ate at ang kambal na kumaway sa akin. “Nandito na ang sundo ko bye.“ Sabi ko dito saka na ako sumakay ng kotse. “Yon ba yong manliligaw mo?“ Tanong ni ate kaya tumango ako at napatawa lang. Nang makauwi kami ay may binigay sa akin si ate na tila invitaion kaya napakunot ako ng noo. Nang mabasa ko ito ay nanlaki ang mga mata ko at bigla na lang nanghina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD