Isang wedding invitation ang nasa harap ko ngayon pero ang pangalan na nakalagay ay pangalan ni Ninong Anton.
Iyak ako ng iyak dahil sa sinabi ni Ate Fatima na ikakasal na si ninong at luluwas kami ng Manila sa makalawa para umatend ng kasal nito.
“Ayoko ate hindi ako sasama.“ Iyak ko habang nakasubsob ang ulo ko sa unan.
“Magagalit si Anton kapag hindi ka sumama.“ Sabi nito na tila nanunudyo pa.
Alam kasi nito na gustong-gusto ko si ninong at lagi nitong sinasabi na imposible ang nararamdaman ko dito.
Pero dahil nga ayokong magalit si ninong sa akin ay sumama pa rin ako at hindi ko alam kung ano ang kailangan kong gawin.
Ito rin ang unang beses na makakatapak ulit ako sa Manila at nangako si ninong na uuwi kami ng bahay.
Mabibisita ko na rin ang mga magulang ko at ang kapatid ko kaya kahit masakit ang dibdib ko ay kailangan kong umuwi.
Isang anak ng isang chinese businessman ang papakasalan ni Tito Anton at napakaganda ng babae.
Naiinis ako dahil hindi ko man lang nalaman na may nobya pala ito kaya pala bihira itong umuwi dito.
Huminga ako ng maluwag habang papunta na sa hotel ang sinasakyan namin ngayon.
Ang kambal ay nakatulog na dahil napagod sa byahe, kami ni Ate Fatima at Ate Lanie ay naubusan na ng kwentuhan.
“Lira smile ka na diyan, hind ka ba masaya na ikakasal na ang ninong mo?“ Tanong ni Ate Lanie na sinundot pa ang pisngi ko.
“Ayoko ate hindi ko kaya.“ Bulong ko na nangalumbaba na lang at napatingin sa labas.
Gabi na rin pero napakaliwanag pa rin ng labas dahil sa mga sasakyan at gusali na buhay na buhay.
Maraming nagtataasan na building at mga tao na abala sa kanya-kanya nilang lakad.
Ganito na pala ang Manila ngayon maingay at marami nang pinagbago.
Nasa Taguig ang bahay namin at nandito kami ngayon sa Makati at ang hotel na pupuntahan namin ay isa sa pinakamataas na building daw dito.
Ayokong isipin ang kasal ni Anton pero nasasaktan ako ng husto dahil bakit ikakasal siya? Hindi pwede dahil gusto ko ito.
Namg makarating na kami sa hotel ay namangha ako sa ganda ng harapan nito.
Mukhang mamahalin na hotel ito at nang makababa ako ay agad kong nakita si ninong na nag-aabang na pala sa amin.
Kinabahan ako dahil mukha itong seryoso ngayon at nang mapatingin ako sa babaeng nasa tabi nito ay agad akong napairap.
Malamang ito ang babaeng pakakasalan nito kaya nagdadabog ako na kinuha ang bag ko.
“Hello you must be Lirabelle nice to meet you.“ Bati ng babae na bineso ako pero hindi ako nagsalita.
“Greet her Lira.“ Sabi ni Tito Anton kaya napatingin ako sa babae at bahagyang yumuko dito.
“Hello po.“ Bulong ko dito na ngumiti lang ito.
“Ikaw na bata ka huwag kang ganin sa harap ng tito mo.“ Sabi ni Ate Lanie kaya napatingin lang ako dito.
Nandito na kami sa kwarto namin at inaayos ko ang gamit ko.
“Ayoko sa babaeng iyon ate parang hindi mo mapagkakatiwalaan.“ Sabi ko dito na tumawa lang ng malakas.
“Pero hindi mo dapat pinakita iyon sa harap ni Anton alam mo naman na napakabait non.“ Sabi nito mayamaya kaya napatitig ako dito at tumango na lang.
Everything went well naman nagpahinga muna kami at ako nga ay natulog lang, alas tres ang kasal kaya may tatlong oras pa kami para maghanda.
Sabi ni Ate Fatima ay intimate wedding lang daw ito, ibig sabihin ay pamilya at mga kaibigan lang ang dadalo sa kasal.
Kami lang ang pamilya ni ninong na dadalo kaya medyo nalungkot ako.
Hindi ko alam kung may pamilya pa ba ito dahil napaka-misteryoso nitong tao.
Maging sina ate ay walang alam o kilala man lang na kung nasaan ang pamilya nito.
Dahil may oras pa ay nagpaalam ako kina ate na maglalakad-lakad muna sa baba nitong hotel.
Matagal rin akong nasa mansyon lang sa probinsya kaya na-miss ko ang ambiance ng Manila.
“Bumalik ka agad at huwag kang lalayo okay.“ Sabi ni Ate Fatima na inaayos ang susuutin namin na damit.
Lumabas na ako at sumakay ng elevator pababa, dala ko ang camera ko at kukuha ako ng magagandang shot para may magagamit na naman ako sa painting ko.
May ilan na tao dito at may cafe rin pero pumunta ako sa garden ng nitong hotel na may napakagandang pool area.
Nakangiti ako na kumuha ng mga shot pero hindi ko sinasadya na makuhanan ang isang babae at lalake na tila naghahalikan sa tagong lugar ng pool area.
Napalunok ako nang tignan ko ang nasa litrato at hindi ako makapaniwala.
Ang babae ay ang pakakasalan ngayong araw mismo ni ninong at isang lalake na hindi ang magiging asawa nito.
Napaatras ako at sa ginawa ko ay nabanga ako sa isang matigas na bagay kaya nagulat ako.
“What are you doing here Lirabelle?“ Tanong ni ninong na siya pala ang nabanga ko.
Kinuha nito ang camera ko at napayuko ako ng kalikutin niya ito.
“Hindi ko po sinasadya na mukuhanan sila ng litrato.“ Bulong ko kaya napamura ito ng malutong habang tinitignan ang litrato sa camera.
“Good thing you have this now hindi ako matutulad sa kaibigan ko na kinasal sa hindi nito mahal.“ Sabi nito kaya napatingala ako dito.
Wala akong imik habang hawak nito ang kamay ko na pabalik sa loob ng hotel at diretso kami na pumunta ng elevator.
Isang malaking silid ang pinasukan namin at may dalawang lalake dito na napatingin sa akin.
“I found something really interesting Dylan.“ Sabi ni ninong sabay bigay dito ng camera ko na agad naman nitong kinuha.
“Then she is just lying about herself, to think na dito pa mismo gagawa ng milagro ang babaeng pakakasalan mo sana.“ Sabi ng isang lalake na seryoso lang na nakaupo habang nanonood ng telebisyon pero walang sound.
“So this is Lirabelle now?“ Tanong ng lalake na natatawa pa habang tinitigan ang camera ko.
“Yeah, my goddaughter.“ Tila wala sa loob na sabi ninong kaya hindi ko alam kung ano ang nangyayari.
“Nice to meet sweetheart, my name is Dylan and that man is Troy don't mind him he is just a jerk.“ Sabi ni Kuya Dylan na nagpakilala sa akin kaya napatango lang ako.
“Ikinagagalak ko po kayong makilala.“ Sabi ko sa mga ito sabay yuko bilang paggalang.
“Wow! This is big news pare.“ Sabi ni Kuya Dylan na mukha naman na mas bata kay ninong kaya kuya na lang ang itatawag ko dito.
“Make sure to put that on the news later.“ Balewala na turan ni ninong kaya napatitig lang ako dito.
Then sa mabilis na pangyayari ay hindi natuloy ang kasal ni ninong at sinabi nito sa babae na hinuli niya lang pala.
I can't believe it, even sina Ate Fatima ay nagulat sa nangyari.
Ang ama ng fiance ni ninong or mas tamang itawag dito na ex-fiance na ay galit na galit sa babae.
Nagpanggap pala ito na buntis na si ninong ang ama pero hindi naman pala totoo, ang gulo ng sitwasyon nila.
Daig pa yong teleserye sa telebisyon kaya naman ako sa isang banda ay tuwang-tuwa sa nangyari.
Hindi matutuloy ang kasal ni ninong kaya may pag-asa pa ako, pero nakurot ako sa tagiliran nina ate dahil hindi ko mapigilan na hindi maging masaya.
“Lirabelle you want to go home later? And visit your families graveyard?“ Magakasunod na tanong ni ninong habang nag-aagahan kami.
Napatitig ako dito at ngumiti at tumango, oo nga pala nangako siya sa akin na uuwi kami kaya excited ako na malungkot.
Napatingala ako sa isang bahay na hindi ako makapaniwala na muli kong makikita.
Bumaba na ako nang buksan ni ninong ang pinto ng kotse kaya nagpasalamat ako dito.
“Ang tagal rin po bago ako nakauwi.“ Bulong ko habang hawak ako sa kamay ko at saka nito binuksan ang maliit namin na gate.
May naalala ako sa gate na ito na madalas na tumatama ang ulo ni kuya sa tuwing nagmamadali itong lumabas o kaya ay pumasok.
Unti-unting bumigat ang dibdib ko dahil sa hindi ko mapigilan na emosyon.
“I didn't take anything in this house Lira, i promise to you when you still on coma that you will see this house again just like before.“ Bulong ni ninong kaya humigpit ang hawak ko sa kamay niya at napahawak na ako sa dibdib ko.
Napatingin ako sa bike namin nina kuya na nakagarahe pa sa ginawang parkingan nito ni papa.
Lumapit ako dito at napaiyak na ako ng tuluyan at hindi ko maiwasan na hindi magkaroon ng tunog ang iyak ko.
At nang maglakad ako papasok ng bahay namin ay lalo akong napaiyak at napaupo na lang sa sahig.
Iyak ako ng iyak habang naaalala ko ang ingay ng bahay na ito noon, ang malakas na tawa ng bunso kong kapatid, si papa at kuya na maingay na nanonood ng football game.
Si mama na naghahanda ng miryends namin sa kusina at ako na tinutulungan ito na maghanda ng mga plato sa lamesa namin.
Napakasakit bakit ganito, bakit kinuha agad sa kain ang pamilya ko.
Naramdaman ko ang mahigpit na yakap sa akin ni ninong na hindi nagsalita at hinayaan lang ako na umiyak.