"The God's Gift"
"Baby, may sasabihin ako sayo."
Sambit ni Steven sa akin. Nandito kami ngayon sa terrace, nagpapahangin habang umiinom ng kape. Mag-dadapit hapon na, kaya tanaw ang paglubog ng araw.
"Ano yun baby?"
Binigay ko ang aking buong atensyon sa kaniya.
"Baby, meron ako good news at bad news sayo. Ano gusto mo unahin ko?"
Nangingiting sabi nya na sinabayan ng akbay sa akin.
"Hmmmm.. yung bad news muna baby? Para after ng bad news, meron good news." Na sinabayan ko ng tawa.
"Baby, the bad news is malilipat ako ng area, mata-transfer ako sa Manila."
Nagulat ako sa sinabi niya. Napatuwid ako ng pagkakaupo at lumayo ng kaunti sa kanya para harapin siya mabuti.
"Huh? Bakit? Bakit ang layo?" Sagot ko sa kaniya.
"Baby, dun papasok si good news. The good news is, na-promote ako. Magiging Manager na ako!" Masayang sabi niya.
"Wow! Congrats Baby! Ang galing mo talaga! Pero, bakit mata-transfer ka sa Manila?"
"Nag-resign na kasi yung Manager dun baby, kaya ni-recommend ako ng boss ko sa Main Branch para maging Manager. Sayang naman daw kasi yung galing ko kung mag-stay ako dito. Ganon ka-galing ang Baby mo."
May kasunod na halakhak ang kaniyang sinabi. Nalungkot ako sa kaniyang sinabi. Napasandal akong muli sa upuan, napatahimik ako, madami bigla pumasok sa isipan ko. Paano? Paano kami kung malayo siya? Paano kung nasa Manila siya at nandito ako Mindoro? Paano kung makahanap siya ng iba duon? Paano na ako? Hindi ko kaya ng wala siya.
"Oh baby, napatahimik ka? Why? Are you not happy that I am promoted?"
Tanong niya na at tumayo upang umupo sa harapan ko.
"Masaya ako baby, masaya ako para sayo. Syempre naman no! Magiging manager kana, nalulungkot ako kasi mapapalayo ka sa akin. Magka-kalayo tayo. Alam mo naman hindi ako sanay na hindi tayo lagi magkasama, tsaka paano kung makahanap ka ng iba duon?"
Nalulungkot kong sagot sa kaniya at napayuko ako. Pinipigilang wag pumatak ang luha sa aking mata.
"Baby.." at hinawakan ang aking baba upang iangat ang aking mukha at iharap sa kaniya.
Ngumiti ako sa kaniya, at unti-unti pumatak ang luha ko kanina pa pinipigilan.
"Shhh.. wag kana umiyak baby. Isipin mo na para naman sa future natin to. Tsaka, kahit malayo ako ikaw at ikaw lang ang mahal ko." Sabay yakap niya sa akin at halik sa aking ulo.
Pumayag ako sa pag-alis ni Steven, nilabanan ko ang takot ko at binigay ang aking buong pagtitiwala sa kaniya.
Nang makadating siya ng Manila at mag-umpisa sa kaniyang trabaho, madalas ang over time niya. Pero naiintindihan ko naman dahil bago pa siya at marami pa kailangan aralin sa bago niyang posisyon at alam ko naman na mahirap na ang trabaho niya ngayon. Sa kaniya nakasalalay ang buong store.
"Hi baby, paalam po ako sayo. Naabot kasi namin ang quota this month kaya magkakaroon kami ng celebration. Pupunta kami sa Bar malapit dito sa store." Sabi niya habang magka-video call kami.
"Wow naman baby, congrats baby! Galing mo talaga, nakaka-ilang buwan kapa lang diyan pero tignan mo naman nahi-hit mo na agad ang quota niyo. Sige baby, basta mag-iingat ka ah. Wag masyado iinom at send pictures." Nakangiting ko sabi sa kaniya.
"Sure baby, thank you. I love you. Miss na kita baby" malambing niyang sabi.
"Aysus! Naglambing kapa, eh pinayagan na nga kita." Na may kasunod na halakhak.
"Wala man lang bang i love you too at i miss you too din?" Na may boses na nagkukunwaring nagtatampo.
"Oh sige na, i love you too baby and i miss you so much. Happy?" Nangingiti kong sagot sa kaniya.
Lumabas sila ng mga kasamahan niya sa trabaho, nag-send din siya ng mga pictures. Dahil halos nakikita ko madalas ang mga ka-trabaho niya kapag magka-video call kami kaya halos alam ko na ang itsura ng mga katrabaho niya. Sa aking pag-tingin sa mga pictures, nakita ko na may isa silang kasamang babae na hindi familiar sa akin. Naisip ko na bago siguro nilang katrabaho.
Lumipas ang mga araw, linggo at buwan na magkalayo kami ni Steven. At sa bawat pag-lipas ng panahon, unti-unti nagbabago ang pakikitungo niya sa akin.
"Ano ba Angelica?! Boss sa ibang branch ang kausap ko kanina kaya hindi mo ako matawagan. Ang hirap sayo ang dumi ng utak mo! Mahirap sa yo wala kang tiwala sa akin!" Sigaw niya sa akin habang magka-video call kami.
"Nagtatanong lang naman ako kung bakit hindi kita matawagan. Ilang beses ako nag-try tawagan ka pero laging in-another call ka. Hindi mo ako kailangan sigawan, hindi mo kailangan magalit Steven. Nagtatanong lang ako!" Sagot ko sa kaniya na naiinis na din.
Pinipigilan ko na huwag maiyak sa sakit na nararamdaman. Ganito na siya ngayon. Yung dati na malambing, yung dating ayaw ako masakatan, ito na siya ngayon. Nagagawa na akong sigawan.
"Yung tanong mo kasi may kasamang pagdududa! Kung ganyan lang din na wala kang tiwala sa akin, mag-break na tayo!"
Nagulat ako sa sinabi niya. Napatitig ako sa screen ng phone. Tinatantya kung seryoso ba siya sa sinabi niya o baka nabigla lang dahil sa galit niya. Hindi ako makasagot.
"Sige na, mamaya na lang tayo mag-usap. Bye" paalam niya at pinatay ang tawag niya.
Unti-unti pumatak ang luha ko. Ang hapdi ng dibdib ko. Ang sakit mg nararamdaman ko. Hindi ko akalain na masasabi ni Steven iyon. Umaasa ako na sana nadala lang siya ng galit niya. Pero alam ko, nararamdaman ko na unti-unti na nagbabago ang pagmamahal ni Steven sa akin. Nasasaktan ako dahil alam ko na ang kausap niya ay ang babae na madalas nilang kasama kapag lumalabas sila. Oo, alam ko dahil hindi ko sinasabi sa kaniya na naoopen ko ang messenger niya. Kaya mas lalo ako nasasaktan, kasi nararamadaman ko na may iba na.
Nagkaayos din kami ni Steven, hindi siya nag-sorry, hindi napag-usapan, parang walang nangyari. Pero napapansin ko na hindi na madalas online si Steven. Madalas na hindi na din siya tumatawag sa akin, lagi niya sinasabi na maraming ginagawa sa trabaho. Unti-unti lumalayo ang loob niya. Unti-unti, nawawala na sa akin yung dating Steven na meron ako.
"Uy! Angelica, may iba ba f*******: si Steven?" Minsan tanong sa akin ni Mika, na kaibigan ko habang kumakain kami sa isang resto.
"Huh? Wala naman. Bakit?"
Kinabahan ako bigla sa tanong ni Mika.
"Look oh!" Sabay abot sa akin ng cellphone niya.
Nanginginig ang kamay ko na inabot ang phone niya. At duon, nakita ko na profile picture niya ang nasa f*******: pero ibang name ang nakalagay. Iniscroll ko pababa, at nakita ko na may mga naka-tagged na pictures sa kaniya si Carmelita De Jesus. Chineck ko ang profile niya, at nakita ko ito yung babae na laging kasama nila lumabas. Ito ung babae na nakita ko na matagal nya kausap sa messenger.
Hindi ko alam ang mararamdaman, parang unti-unti pinupunit yung puso ko. Kitang-kita ko sa mga pictures kung gaano sila ka-close, maraming pictures na lagi sila magkadikit. Meron na nakaakbay si Steven sa kaniya. Binalik ko kay Mika yung phone niya. Trinay ko search sa f*******: ko ang name ni Steven na isa niyang f*******:. Pero hindi ko makita. Hindi nag-a-appear sa akin.
"Saan mo nakita yan Mikz?" Tanong ko kay Mika.
"Uhmm.. di ba friend ko yung isang nagtatrabaho sa isang branch nila sa Makati? Nakita ko kasi na naka-tagged siya sa mga pictures at nakita ko na kasama si Steven dun sa mga pictures." Sagot ni Mika na asa mukha ang pag-aalala.
Nanghina ako, naisip ko na baka blocked ako sa f*******: niya na isa kaya hindi ko masearch. Unti-unti pumatak ang luha ko. Nang makita ito ni Mika, tumayo siya at niyakap ako.
Hindi ko alam kung paano tatanungin si Steven tungkol duon, hindi ko alam kung paano siya kakausapin. Pero, hindi ako mapakali. Mas lalo ako nasasaktan, mababaliw ako kung hindi ko malalaman ang sagot. Kaya kinagabihan, naisipan ko na tanungin si Steven.
"Steven, may itatanong ako." Chat ko sa kaniya.
"Ano yun?" Matipid niyang reply.
"Sayo ba to?" Kasunod nuon ay screenshot ng isa niyang f*******: account.
Matagal na hindi siya mag-reply. Maya-maya ay tumatawag siya.
Hindi ko sinagot ang tawag niya. Hindi ko alam kung kaya ko na kausapin siya. Hindi ko alam kung handa ako sa sagot na maririnig sa kaniya.
"Answer me." Chat niya.
"Sorry, hindi ko kayang sagutin ang tawag mo. Just answer my question, Steven." Sagot ko.
"Yes." Matipid na sagot niya.
Sa sagot niya, unti-unti pumatak ang luha ko. At napahagulgol ako sa kasunod na chat niya.
"Angelica, let's break up. I'm sorry, pero hindi na kita mahal. Im sorry, pero may mahal na akong iba.
Pumapatak ang luha ko sa screen ng phone ko habang binabasa ang chat niya. Ang sakit. Ang sakit-sakit. Akala ko ba sabi niya nuon ako lang mamahalin niya kahit magkalayo kami? Akala ko para sa future namin ang pagpili niyang lumayo? Pero bakit ngayon may iba na? Bakit ngayon sinasabi niya na may mahal na siyang iba? Ano yun? Nasaan duon yung mga sinabi niya nuon? Tanong ko sa sarili ko habang umiiyak.
Hindi ko na nagawang mag-reply pa kay Steven. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Ang alam ko lang, ang sakit-sakit ng nararamdaman ko. Nakatulugan ko na ang pag-iyak ko.
Nakita nina Mama at Papa ang pananamlay ko sa mga nakalipas na araw. Napansin nila na ang madalas na pananahimik ko at madalas na pagkatulala. Madalas na nagkukulong ako sa aking kwarto at madalas nalilipasan ng gutom. Bahay trabaho lang ang aking ginawa, at lagi ako nagoover time sa trabaho. Sibubsob ko ang aking sarili sa pagta-trabaho.
Isang araw, habang nakahiga ako at tulala sa aking kwarto, narinig ko ang katok sa pintuan ng aking kwarto. Pinagbuksan ko si Mama, at humiga ulit. Umupo si mama sa gilid ng aking kama.
"Anak, okay ka lang ba? May problema kaba?" Nag-aalalang tanong ni Mama.
"Wala po Ma. Okay lang po ako." Sagot ko at nginitian sya upang hindi na mag-alala.
Pero, nagulat ako ng biglang yakapin ako ni Mama. Narinig ko ang hikbi niya.
"Anak, sabihin mo kay Mama kung may problema ka. Makikinig ako sayo anak. Ilabas mo anak kung ano nararamdaman mo. Alam ko anak, nararamdaman ko na may problema ka. Anak kita, kaya ramdam ko." Sabi ni Mama habang yakap ako at umiiyak.
Napahagulgol ako. Para bang sa yakap ni Mama lumabas lahat ng luha ng tinago ko. Lumabas lahat ng sakit na pilit ko kinakalimutan.
"Ma.. si Steven.. Ma.. wala na kami ni Steven.. meron na siya iba, Ma."
"Sshhh.. sige lang anak, ilabas mo lahat. Iiyak mo lang anak. 'wag mo pigilan ang iyak mo, wag mo itago anak. Andito lang si Mama na makikinig sayo. Andito kami ni Papa mo anak." Sagot ni Mama habang hinahaplos ang likod ko.
"Ma, ang sakit-sakit. Hindi ko alam kung kakayanin ko Ma na wala siya. Hindi ko alam Ma. Mahal na mahal ko si Steven, pero bakit ganon Ma? Bakit andali niya makahanap ng iba? Hindi ba ako naging sapat Ma? Saan ba ako nagkulang Ma?"
"Anak, wala kang pagkukulang. Alam ko na minahal mo ng sobra-sobra si Steven. Saksi kami ng Papa mo dun. Pero anak, ganuon talaga. May mga bagay na kahit ibigay natin lahat ng buong pagmamahal natin kung hindi siya para sa atin, hindi siya para sa atin. Kailangan mo maging malakas anak, kailangan mo tanggapin na wala na kayo ni Steven. Alam ko masakit anak, pero sana kayanin mo. Nagagalit ako kay Steven sa ginawa niya sayo anak, pero sana ikaw anak huwag mo hayaan na lunurin ka ng sakit. Wag mo pabayaan ang sarili mo anak. Mas doble ang sakit na nararamdaman namin ng Papa mo na nakikita ka namin ganito Anak. Mahal na mahal ka namin anak, nandito naman kami. Baka hindi talaga kayo ang para sa isat-isa ni Steven anak. Masakit, pero kailangan mo tanggapin anak. Palayain muna ang pagmamahal mo sa kaniya anak, huwag mo sana hayaan ang sarili mo na maging ganito anak."
"Ma, hindi ko alam kung kakayanin ko" sagot ko kay Mama at bumitaw ako ng yakap sa kaniya.
Nginitan ako ni Mama at pinunasan ang aking luha.
"Anak, hindi ibibigay to sayo ni Lord kung alam niya na hindi mo kaya. Pagsubok lang sayo ito anak. Isipin mo na lang na nangyari ito kasi gusto ni Lord na maging matatag ka. Malaki ang tiwala sayo ni Lord anak, malaki ang tiwala namin sayo. Alam namin na kaya mo yan anak. Kaya sana magpakatatag ka." Sagot ni Mama at niyakap akong muli.
Sa naging pag-uusap namin iyon ni Mama, naging dahilan para magising ako. Unti-unti tinatanggap ko ang nangyari sa amin ni Steven. Unti-unti, bumabangon ako sa pagmamahal ko para kay Steven. Mahirap, pero alam ko na kakayanin ko. At alam, ko dadating yung panahong na makakalimutan ko din siya.
2yeas later...
Nagkita kami ni Steven sa isang mall dito sa Mindoro. Nginitian niya ako, at bumalik ako ng ngiti sa kaniya. Lumapit sya sa kinatatayuan ko.
"Hi. Kamusta kana? Long time, no see ah!" Sambit ni Steven.
"Oo nga, okay naman ako. Ikaw? Kamusta? Nakabakasyon ka niyan?"
"Ah, hindi. Dito na ako ulet." Sagot niya na napahawak ang kamay sa batok.
"Oh bakit?" Gulat kong tanong.
"Nagsara kasi yung pinapasukan ko na trabaho dati. Lumipat ako sa ibang kumpanya, pero hindi kinakaya mg sahod. Masyado malaki ang gastos sa Manila, kaya naisipan ko bumalik dito."
"Ah.. sayang naman. Kasama mo si Carmelita niyan dito?" Tanong ko.
"Uhmmm.. hindi, matagal na kaming wala ni Carmelita."
"Ohhh.." tanging nasagot ko at tumango-tango sa kaniya.
"Honey!"
Tawag ni Robert sa akin, at inakbayan ako. Nagulat siya sa nakitang kausap ko. Ngumiti ako sa kaniya at pasimple na tumango. Na parang sinasagot na ang tanong niya na "siya ba yung ex mo?" Tumango-tango din siya ng banayad.
"Ah, by the way Steven, si Robert fiancé ko. Hon, si Steven friend ko." Pakilala ko sa kanila.
Nagtanguan ang dalawa. At inaya ko na si Steven na umalis.
"Sige Steven, mauna na kami. Ingat!"
Umalis na kami ni Robert. Kumapit ako sa braso niya habang naglalakad kami, at humilig sa kaniyang balikat.
Masaya ako. Masaya na nakalimutan ko na si Steven, masaya na napalaya ko na ang pagmamahal ko sa kaniya. Masaya ako, na ilang linggo na lang at ikakasal na ako sa lalaking minahal ako ng tunay, sa lalaking nilaan ni Lord para sa akin-at yun ay si Robert.
Habang naglalakad kami, hinawakan ko ang kamay niya at pinisil ito. Tumingin siya sa akin, at nginitian ko siya.
"I love you" bulong ko.
"I love you, more" bulong niya at hinalikan ako sa aking ulo.