bc

The Billionaire Soldiers Alien Bride

book_age18+
3
FOLLOW
1K
READ
HE
time-travel
powerful
prince
princess
drama
sweet
bxg
another world
superpower
war
affair
like
intro-logo
Blurb

Si Princess Azaria ang tagapagmana ng makapangyarihang kaharian sa planetang Astrion—isang mundong lihim na namumuhay sa likod ng mga bituin. Ngunit matapos ang isang mapanganib na pag-atake laban sa kanilang kaharian, napilitan siyang tumakas at mapadpad sa Earth—ang mundong matagal nang ipinagbabawal sa kanilang lahi.Sugatan, naliligaw, at walang ibang matakbuhan, natagpuan siya ni General Zion Vale—a billionaire soldier known for his cold heart, deadly skills, and powerful influence in the military world. Sanay si Zion sa digmaan, pagtataksil, at panganib… ngunit hindi sa isang babaeng bigla na lamang nahulog mula sa kalangitan.Habang pilit tinatago ni Azaria ang tunay niyang pagkatao, unti-unting nabubuksan ang puso niyang noon ay nakatali lamang sa tungkulin bilang prinsesa. Ngunit paano kung malaman ni Zion na ang babaeng minahal niya ay hindi tao?At paano kung sundan si Azaria ng mga nilalang na handang wasakin ang Earth para lamang maibalik ang nawawalang prinsesa?Sa mundong pinaghiwalay ng bituin at realidad, maaari bang manaig ang pag-ibig… o magiging simula ito ng isang digmaan sa pagitan ng dalawang mundo?

chap-preview
Free preview
kabanata 1
Kabanata 1 Ang Huling Ilaw ng Astrion Mula sa mataas na balkonahe ng Celestia Palace, tanaw ko ang buong kaharian na tila kumikislap sa ilalim ng dalawang buwan. Ang mga kristal na gusali ay sumasalamin sa liwanag ng kalangitan, habang ang mga hardin ng Aether flowers ay banayad na sumasabay sa hangin. Sa ibaba, masiglang nagsasaya ang aking nasasakupan. “Liora Azaria!” Narinig ko ang tawag nila sa akin. Hindi “prinsesa” lamang. Kundi “Liora” ang liwanag at pag-asa ng lahat. Kumaway ako sa kanila, at mas lalong lumakas ang sigawan ng kasiyahan. Para bang kahit sandali, wala kaming problema. Walang digmaan. Walang takot. Ngayon ang aking kaarawan. At sa unang pagkakataon sa mahabang panahon, pinayagan akong ngumiti nang hindi iniisip ang tungkulin ko bilang susunod na tagapagmana ng trono. “Masaya ka ba, Liora?” Napalingon ako. Si Sereia. Ang aking ina. Tahimik siyang lumapit sa akin, suot ang puting kasuotang tila hinabi mula sa liwanag mismo. Ang kanyang mga mata ay kalmado, ngunit alam kong sa likod noon ay maraming iniisip. “Opo, Sereia,” magalang at mahinang sagot ko. “Masaya po ang lahat ng mga nasasakupan kaya maliga din po ako.” Ngumiti siya, ngunit hindi umabot sa kanyang mga mata. “Hindi ka ba masaya para sa sarili mo?” Hindi ako agad nakasagot. Dahil ang totoo, hindi ko alam ang sagot. Sa buong buhay ko, ang pagiging masaya ay laging para sa iba para sa Astrion, para sa Aether Core, para sa kaharian. “Hinahanap ka ng Vael,” dagdag niya. Tumango ako. Si Vael. Ang aking ama. Ang Sol-Vael ng Astrion. Sa loob ng grand hall, mas lalo kong naramdaman ang bigat ng pagiging maharlika. Nasa gitna si Vael matangkad, makapangyarihan, at tahimik na tulad ng isang bundok na hindi gumagalaw kahit anong bagyo. Ngunit nang makita niya ako, bahagyang lumambot ang kanyang ekspresyon. “Liora,” tawag niya sa akin agad akong lumapit at isang matamis na ngiti ang ibigay ko. “Vael.” Hindi siya agad nagsalita. Sa halip, inilagay niya ang kamay sa aking noo isang royal blessing. “Maligayang pag-ikot ng araw, anak ko.” “Salamat po.” Isang sandaling katahimikan. Yun ang tanging panahon na hindi siya hari, at ako ay hindi prinsesa. Bago pa siya muling magsalita, biglang yumanig ang buong palasyo. Napahawak ako sa mesa sa gilid ko. “Vael…?” bulong ko. Nagkatinginan sina Vael at Sereia. At sa unang pagkakataon na nakita ko ang kanilang mga mata. May takot. “Hindi ito natural,” malamig na sabi ni Vael. Muling yumanig ang paligid, mas malakas na ngayon. Sumunod ang tunog ng alarma ng kaharian. WARNING. WARNING. OUTER BARRIER BREACH. Nanlamig ang buong katawan ko. Hindi maaari. Ang barrier ng Astrion ay hindi basta-basta nabubutas. Mabilis na pumasok ang isang royal guard, duguan at humihingal. “Sol-Vael!” sigaw niya. “Nasa loob na sila ng northern sector!” Sandaling katahimikan. At halos nag singhapan ang lahat, pagkatapos noon Parang gumuho ang mundo. “Solarite…” mahinang bigkas ni Vael. Napalingon ako sa kanya. “Vael, ano po ang Solarite?” Hindi siya sumagot. Sa halip, tumalikod siya at naglakad patungo sa malaking bintana. Sinundan ko siya. At doon ko sila nakita. Mga barkong itim. Mga sasakyang pangkalawakan na parang patay na anino sa langit. At sa bawat pagbagsak nila sa lupa Sumasabog ang liwanag ng aming mga lungsod. “Hindi…” bulong ko. “Azaria,” sabi ni Sereia, lumapit sa akin at hinawakan ang aking kamay. Nanginginig siya. “Huwag kang tumingin.” Pero huli na. Nakikita ko na ang pagbagsak ng aming mga mandirigma. Mga Asterian na hindi na naghihilom. Mga sugat na hindi nagsasara. Solarite. Ginagamit nila ang kahinaan namin. “Nilabag nila ang Astrion…” malamig na sabi ni Vael, habang nakatitig sa apoy sa malayo. Biglang bumukas ang malaking pinto ng bulwagan. “Sol-Vael!” sigaw ni Commander Elric. “Papunta na ang hukbo ni Kael sa palasyo!” Parang tumigil ang lahat. Kael. Emperor Kael Vorthan. Siya ang dahilan kung bakit kami tinuturuan ng mga kwento ng digmaan mula pagkabata. Ngunit ngayon. Narito na siya. Lumapit si Sereia sa akin at hinawakan ang aking mukha. “Azaria,” mahina niyang sabi. “Makinig ka sa akin. “Ayoko pong umalis,” agad kong sagot. Ngumiti siya, ngunit may luha sa kanyang mga mata. “Hindi ito tungkol sa gusto mo ngayon.” Napailing ako. “Vael, hindi ko kayo iiwan.” Lumapit si Vael sa akin. Sa unang pagkakataon, nakita ko siyang hindi bilang Sol-Vael, kundi bilang isang ama. “Liora,” mahinang sabi niya. “Ikaw na lang ang natitira naming pag-asa.” Nanigas ako. “Ano po…?” Hindi siya agad sumagot. Sa halip, inilagay niya ang kamay niya sa dibdib ko. “Ang Blood of Solaris… nasa iyo.” Nanlamig ako. “Kung mahuhulog ka sa kamay nila, tapos na ang Astrion.” Biglang yumanig ang buong gusali. Mas malapit na sila. Naririnig ko na ang sigawan sa labas. Ang digmaan. “Hindi ko kaya…” bulong ko. Hinawakan ako ni Sereia nang mahigpit. “Kaya mo.” Mabilis na lumapit si Vael sa isang lihim na silid sa gilid ng bulwagan at binuksan iyon. Isang maliit na escape pod. “Hindi,” agad kong sabi. “Hindi ako aalis nang wala kayo!” “Azaria!” boses ni Vael na ngayon ay mas malalim at mas matindi. Sandali akong natigilan. At doon ko naramdaman.Hindi ito utos ng hari. Ito ay pakiusap ng isang ama. “Umalis ka.” “Kailangan mo mskatakas, dahil kapag nasakamay ka ng kalaban ang ating lahi, magiging katapusan na,” sambut ng aking ama. Hindi ko na mapigilang mapaluha. “Vael, Sereia,” sambut ko habang hawak ang mga kamay nila. “Sumama na lang po kayo sa akin,” Ngunit umiling lang ang mga ito. “Hindi, kami pwede umalis. Dahil kailangan pa kami ng aying kaharian.” Sambit ni Ama. Alam ko na ang sagot. Lumapit si Sereia at inilagay sa palad ko ang isang maliit na kristal. “Royal Core Stone,” sabi niya. “Babantayan ka nito.” Luha na ang aking mga mata. Ayokong umalis. Ngunit bago pa ako makapagsalita. Isang malakas na pagsabog ang sumira sa bahagi ng pader. Pumasok ang usok. At kasama nito. Ang mga sundalo ng Nethraxis. “Vael!” sigaw ni Elric. “Ngayon na!” sigaw ni Vael sa akin. Hinila ako ni Elric papunta sa pod. “Hindi!” pilit kong lumaban. “Sereia! Vael!” Ngunit habang hinihila ako palabas. Huli kong nakita ang aking ama at ina. Nakatayo sila sa gitna ng liwanag at usok. Magkatabi. Tulad ng lagi. Ngumiti sila sa akin. Parang sinasabi nilang. “Mabuhay ka.” At sa isang iglap. Isinara ang pinto ng escape pod. Habang papalayo ang Astrion sa likuran ko, nakatitig ako sa kumukupas nitong liwanag.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Unscentable

read
1.8M
bc

He's an Alpha: She doesn't Care

read
701.8K
bc

Claimed by the Biker Giant

read
1.5M
bc

Holiday Hockey Tale: The Icebreaker's Impasse

read
941.8K
bc

A Warrior's Second Chance

read
337.4K
bc

Not just, the Beta

read
336.7K
bc

The Broken Wolf

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook