Sampung taon gulang pa lamang ako noon. Ang tanging mundo ko ay ang malawak at luntiang garden ng mansion ng mga Castellano. Hawak ko ang aking luma at medyo punit na teddy bear habang nakaupo sa damuhan, pinapanood ang mga paru-paro na naglalaro sa mga bulaklak ng gumamela.
“Lyara, anak, huwag kang masyadong malayo sa silong. Baka matuyuan ka ng pawis,” tawag sa akin ni Yaya Celia. Nakaupo siya sa hindi kalayuang bench, abala sa pagtatahi ng ilan sa mga damit ko.
“Yaya, tignan mo ang paru-paro, kulay asul! Parang langit,” masigla kong sagot habang itinuturo ang insekto.
Ngunit bago pa makasagot si Yaya Celia, napukaw ang atensyon namin ng mga ingay ng sasakyan. Narinig namin ang sunod-sunod na busina ng sasakyan sa tapat ng malaking gate. Maya-maya pa, ang mga katulong na dati ay dahan-dahan lang kung kumilos ay biglang naging-aligaga. May mga tumatakbo bitbit ang mga bagong tabas na bulaklak, ang iba naman ay may dalang mga panlinis na tila ba may darating na bisita.
“Yaya, anong meron? Bakit sila nagtatakbuhan?” tanong ko habang hinihila ang laylayan ng damit ni Yaya Celia.
Napahinto si Yaya sa pagtatahi. Bakas ang pag-aalala at kaba sa kanyang mukha na hindi ko maintindihan. “Ah, eh... darating daw kasi ang asawa ng Mommy mo, Lyara.”
Napakunot ang noo ko. “Asawa? Pero wala namang asawa si Mommy, 'di ba? Patay na si Daddy.”
“Ibang asawa, anak. Basta, halika na sa loob. Kailangan mong maglinis ng katawan,” mabilis na sagot ni Yaya pagkatapos ay kinuha ang kamay ko at hinila papasok ng mansion.
Pagpasok namin sa mansyon, mas lalong naging magulo. Ang amoy ng mamahaling wax at pabango ay humahalo sa hangin. Nakita ko si Mommy sa gitna ng sala. Suot niya ang kanyang pinakamagandang silk dress, pero ang kanyang mga kamay ay nanginginig habang inaayos ang isang vase.
“Mommy?” tawag ko.
Lumingon siya sa akin. Hindi ko nakita ang dati niyang ngiti, simula ng mamatay si daddy ay naging iba na si mommy. Ang mga mata niya ay puno ng stress at takot na pilit itinatago sa likod ng makapal na make-up.
“Lyara! Bakit ang dumi-dumi mo? Celia, dalhin mo na siya sa taas! Make sure she wears the white lace dress. Now!” sigaw ni Mommy.
“Mommy, sino po ang darating? Sabi ni Yaya asawa niyo raw—”
“Huwag ka nang magtanong, Lyara! Just do what you're told!” putol niya sa akin. Ang boses niya ay tila isang hagupit na nagpatahimik sa akin. Hindi ako kailanman sinigawan ni mommy pero ng mga oras na ‘yon—parang hindi na siya si mommy. Para bang ibang tao na siya. Bata pa ako noon, wala akong alam sa mga "merger" o "business deals," iyan ang naririnig kong pinag-uusapan nila ni Lolo.
Sumunod na lamang ako kay mommy bago pa siya magalit sa akin, dinala ako ni Yaya sa silid ko at pinaliguan. Walang kaalam-alam ang musmos kong edad na baka ito na pala ang babago sa tahimik kong buhay.
Sumapit ang ala-siyete ng gabi. Ang buong mansyon ay tila isang palasyo na handa na para sa isang malaking pagtatanghal. Pinabihisan ako ni Yaya Celia ng isang puting dress na puno ng kumikislap na dyamante. Mukha akong isang manika— ngayon na lamang ako nakapagsuot na magandang damit.
“Baba ka na, Lyara. Hinihintay ka na nila sa ibaba,” bulong ni Yaya habang sinusuklay ang aking kulot na buhok.
Dahan-dahan akong lumabas ng kwarto. Ang grand staircase ng mga Castellano ay gawa sa marmol, malamig sa paa kahit may suot akong sapatos. Habang bumababa ako, nararamdaman ko ang kakaibang bigat sa hangin. Sa dulo ng hagdan, nakatayo si Mommy, at sa tabi niya... ay isang estranghero.
Tumigil ako sa pangatlong baitang mula sa ibaba. Ang paningin ko ay agad na napako sa lalaking kasama ni Mommy.
Hindi siya matanda. Sa katunayan, mukha siyang bente anyos lang—isang lalaking di hamak na mas bata kay mommy. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at ibinalik na lang kay mommy ang tingin ko.
“Lyara, baby, come here,” tawag ni Mommy, “I want you to meet Death Roosevelt. He’s... he’s my husband now. Your new Papa.”
Ang pangalang Death ay tila isang sumpa na dumaan sa aking pandinig. Tumingala ako para tignan ang kanyang mukha muli. Doon ko unang nakita ang kanyang mga mata. Asul. Ngunit hindi ito ang asul na langit na nakita ko sa garden kanina. Ito ay asul na mas malamig pa sa yelo—isang matalim, at tila nakakalunod na kulay.
Sa halip na bumati, nanatili siyang tahimik. Nakatitig siya sa akin sa paraang hindi ko pa nararanasan sa buong buhay ko. Hindi iyon tingin ng isang ama sa kanyang anak. Ang kanyang mga mata ay tila sinusuri ang bawat parte ng katawan ko—mula sa aking kulot na buhok hanggang sa nanginginig kong mga tuhod.
“So, this is Lyara,” sabi ni Death. Ang boses niya ay malalim na baritono, “M-Mag-hello ka, Lyara,” bulong ni Mommy, habang hinahawakan ang braso ni Death. Pero napansin ko, hindi man lang siya tinapunan ng tingin ni Death. Ang buong atensyon ng lalaki ay nasa akin lang.
Lumapit siya sa akin. Ang bawat hakbang niya ay tila nagpapaliit sa mundo ko. Nang makarating siya sa harap ko, lumuhod siya nang bahagya para maging kapantay ko. Naamoy ko ang kanyang pabango.
“You have very... interesting eyes, Lyara,” bulong niya. Itinaas niya ang kanyang kamay at hinawakan ang buhok ko. Ang kanyang mga daliri ay malamig ng dumampi ito sa gilid ng pisngi ko, pero sa bawat dampi nito sa pisngi ko ay tila ba binabalaan ako.
“Bakit ang bata mo?” ang tanging naisagot ko sa aking kawalang-malay.
Isang tipid at nakakatakot na ngisi ang gumuhit sa kanyang labi. Kinilabutan ako sa uri ng ngiting binigay niya sa akin, marahil natatakot ako sa kanya dahil hindi ko pa siya lubos na kilala. Ito ay ngiti ng isang predator na nakahanap ng bagong laruan. Hindi ko maintindihan sa edad ko ng mga oras na ito basta ang alam ko ay natatakot ako sa kanya.
“Age doesn't matter when you find something you want to keep,” sagot niya habang ang mga asul niyang mata ay tila naglalagablab sa isang kakaibang emosyon. “And I think... I'm going to keep you very close, little bird.”
Hindi ko siya maintindihan kaya napatingin ako kay mommy na namumutla na rin ngayon. “D-Death, baka nagugutom kana? Nakapaghanda ako ng hapunan mo,” agaw ni mommy sa atensyon ng lalaki. Doon lamang lumayo si Death sa akin at bumaling ng tingin kay mommy.
“Lyara, anak? Pumunta kana sa kusina at kakain na tayo,”
“Pero hindi pa po ako gutom mommy,”
“Sumunod ka sa akin, okay? Pagkatapos ay magpahinga kana may klase ka pa bukas.”
Wala akong nagawa kundi sumunod kay mommy, sumunod ako sa kanila patungo sa kusina. Nakaupo si Mommy sa dulo ng mahabang mesa, habang si Death ay nasa kabisera—ang pwestong dati ay pag-aari ng aking ama. Pinaupo ako sa tapat ni Death, kung saan wala akong kawala sa bawat galaw ng kanyang mga asul na mata.
Tahimik ang paligid, tanging ang tunog lamang ng mga kubyertos ang naririnig. Ang mga katulong ay parang mga anino na pabalik-balik, ngunit bawat isa sa kanila ay tila hindi makatingin nang diretso kay Death. May kung anong bigat sa presensya niya na nagpapatigil sa paghinga ng sinumang malapit sa kanya.
“Hindi ka kumakain, Lyara,” pukaw ni Death sa akin.
Napatingin ako sa aking pinggan. Ang paborito kong carbonara na niluto ni Yaya Celia ay tila nawalan ng lasa. "Busog pa po ako," mahina kong sagot, "Sa bahay na ito, walang nagsasabi ng 'hindi' sa akin," malumanay ngunit mariin niyang sabi.
Naramdaman ko ang pagsulyap ni Mommy sa akin, ang kanyang mga mata ay nagmamakaawa na sumunod na lang ako. “Lyara, baby, eat a little bit. Para kay Papa Death…”
“He's not my Papa,” bulong ko na siyang lalong nagpaputla kay mommy at sa mga katulong na kasama namin ngayon dito sa dining area. Nabitawan ni Mommy ang kanyang tinidor, at sa isang iglap pinaspas ni mommy ang mesa kaya napakislot ako sa gulat lalo na ng sigawan niya ako. “Lyara! Magsorry ka sa kanya!”
“B-Bakit po mommy? Totoo naman po na hindi siya ang daddy ko! Bakit ka po nagagalit sa akin?”