Nanigas ang buong katawan ko nang maramdaman ang malamig na daliri ni Death na humahaplos sa aking pisngi. Ang bawat dampi nito ay tila nag-iiwan ng pasong hindi kayang pawiin ng anumang luha. Ang bango ng mamahaling alak at ang matapang na amoy ng kanyang perfume ay tila lason na dahan-dahang lumulunod sa aking katinuan.
“Dahil nalaman mo na kung gaano karami na ang kinitil ng mga kamay ko para lang mapunta ka sa akin... sa tingin mo ba ay hahayaan pa kitang makaalis dito?”
Ang bulong ni Death ay siyang nagbigay ng matinding kilabot sa buong katawan ko. Gusto kong sumigaw, gusto kong dumura sa mukha niya, pero tila nawalan ako ng lakas lalo na nang maramdaman ko ang haplos niya sa mga hita ko.
“Hayop ka, Death...” nanginginig ang boses ko, hindi dahil sa takot kundi dahil sa nag-aalab na poot. “Ang mommy ko... pinatay mo siya. Ginamit mo siya para makuha ang kumpanya ni Daddy, at ngayon, pati ako ay gusto mong itulad sa kanya?”
Isang mapait na tawa ang kumawala sa kanyang mga labi. Binitiwan niya ang aking mukha at lumakad patungo sa bintana, tila ninanamnam ang dilim ng gabi sa labas ng mansyong ito. “Ang mommy mo ay isang mahinang babae, Lyara. Namatay siya sa sarili niyang mga bisyo. Hindi ko kasalanan kung mas pinili niyang lunurin ang sarili sa droga kaysa harapin ang katotohanang kailanman ay hindi ko siya minahal,” malamig niyang saad nang hindi man lang lumingon sa direksyon ko.
Si Yaya Celia na nakayuko ngayon habang nakaluhod sa malamig na sahig habang nakatutok sa kanya dalawang baril na hawak ng mga tauhan ni Mikael. Nanginginig ako sa takot dahil hindi ko alam kung ano pa ba ang kaya niyang gawin sa amin ni Yaya,
Humarap siya sa akin, at sa ilalim ng liwanag ng chandelier, ang kanyang asul na mga mata ay tila nagniningas. “But you... you are different. You have your father’s fire and your mother’s face. Isang perpektong kombinasyon para sa isang koleksyong hinding-hindi ko pagsasawaan.”
“Hindi mo ako pag-aari!” sigaw ko. Susugod sana ako sa kanya pero bago pa ako makahakbang, mabilis akong nahawakan sa magkabilang braso ng dalawa niyang tauhan. “Bitawan niyo ako! Death, pakawalan mo si Yaya Celia! Wala siyang kinalaman dito!”
“Hijo, maaawa ka sa kanya, hindi mo maaaring angkinin ang isang tao dahil hindi ito isang bagay na pwede mong itago o gustuhin,”
“Wala kang kinalaman dito, Celia. Gagawin ko rin ang gusto kong gawin at wala kang magagawa roon. Dalhin niyo siya sa basement.” utos ni Mikael bago sumenyas sa mga tauhan niya bago ito kinaladkad na palabas ng silid ang nagpupumiglas na si Yaya Celia. Ang huling narinig ko ay ang pagmamakaawa ng matanda bago tuluyang sumara ang pinto. Nanlambat ang tuhod ko. Si Yaya na lang ang meron ako, at ngayon, ginagamit niya ito laban sa akin.
Lumapit sa akin si Death, dahan-dahan, dahil sa matinding takot ay siya din paghakbang ko palayo. Hanggang sa hindi ko na namalayan ang malamig na pader sa likuran ko. Noon pa man bata ako sa tuwing nakikita ko ang asul at walang buhay niyang mga mata ay kinikilabutan na ako. Ngayon pang alam ko kung ano ang mga kaya niyang gawin? Isang dangkal ang layo namin sa isa’t isa bago siya nagsalita kung saan amoy na amoy ko ang alak sa hininga niya.
“Ngayon, Lyara... pag-usapan natin ang mga patakaran sa bahay na ito,” aniya bago hinawakan ang baba ko at sapilitang itinitingala upang magtagpo ang aming mga mata. “Rule number one: Never, ever try to investigate things that don’t concern you. Rule number two: Every word I say is law. And rule number three...”
Idiniin niya ang pagkakahawak sa akin, sapat para masaktan ako. Subalit hindi ko pinakita iyon bagkus mas lalo kong pinakatitigan siya sa mga mata. “You will call me ‘Daddy’ or ‘Sir Death’ with respect. At sa bawat pagkakamaling gagawin mo, may katumbas na parusa.”
“Hinding-hindi ko gagawin iyon,” pagmamatigas ko. Hinding-hindi ko bibigyan ng respeto ang pumatay sa ama ko at sumira ng pamilya ko.
Isang mapanganib na ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi. “Gusto ko ang katapangan mo. Pero tignan natin kung hanggang saan ang itatagal niyan.”
Sa isang iglap, binuhat niya ako na parang isang sako ng bigas. Nagpumiglas ako, pinaghahampas ang kanyang likod, pero tila bakal ang kanyang pangangatawan. Dinala niya ako sa isang silid na malayo sa dati kong kwarto—isang silid na walang bintana, tanging isang malaking kama at isang monitor sa pader ang laman.
Ibinagsak niya ako sa kama at mabilis na pumatong sa ibabaw ko. Ikinulong niya ang mga kamay ko sa itaas ng aking ulo gamit ang isa lamang niyang kamay. Ang bigat ng kanyang katawan ay tila sumasakal sa akin.
“B-Bitawan mo ako! Ano ba!” malakas kong sigaw at pilit na binabawi ang mga kamay ko pero hindi ko magawa. Ang lakas niya ni hindi ko siya magawang maitulak.
“Ano ba! Demonyo ka! Pakawalan mo ako sabi!”
“Huwag mo na akong labanan pa, Lyara. Dahil alam naman natin na wala kang magagawa dahil ako pa rin ang guardian mo. May kasunduan din kami ng mommy mo at magpapakasal tayong dalawa.”
Mas lalo akong nanggalaiti sa galit dahil sa sinabi niya. Kasal? Matapos niyang pakasalan ang mommy ko kahit na sabihin nating peke lamang iyon subalit minahal siya ni mommy. Nakikita ko iyon sa mga mata niya noon. “Wala kana ba ni katiting na konsensya? Pakakasalan mo ako? Pakakasalan kita? Ni hindi nga kita matagalan na makasama sa iisang lugar eh!” singhal ko.
“Hindi mahalaga sa akin ang opinion o gusto mo, Lyara. Ang gusto ko ay mamatay ka ng hayop ka!” gigil kong sigaw. Pero ang demonyo ay ngumiti lang na para bang may nakakatawa sa sinabi ko.
Binitawan niya ako pagkuwan at mabilis na tumayo, siya ring pagtayo ko agad at mabilis na isiniksik ang katawan ko sa sulok ng kama. Inayos pa niya ang suot niyang kurbata bago muling bumaling sa akin.
“Dito ka mananatili. Walang telepono, walang internet, walang Yaya Celia. Ako lang ang makikita mo, at ako lang ang kakausapin mo,” mariin niyang sabi.
“Bakit mo ito ginagawa? Bakit kailangang ganito?” humahagulgol na ako. Hindi ko na napigilan pa ang galit na nararamdaman ko. Sa dami ng masasamang tao sa mundi bakit ako? Bakit pa ako?
“Dahil labinlimang taon akong naghintay, Lyara. Labinlimang taon kong tiniis ang kawalan mo habang pinapanood kita mula sa malayo. Inakala mo ba na sa London ay malaya ka? Bawat kilos mo, bawat lalakeng lumalapit sa iyo, alam ko. At ngayon na nandito ka na sa buhay ko, sisiguraduhin kong hindi ka na makakawala pa.”
Isang matinding kilabot ang gumapang sa buong katawan ko. Ang obsesyon niya ay higit pa sa inaakala ko. Hindi lang pala ito tungkol sa yaman ni Daddy o sa kapangyarihan na sinasabi ni Yaya Celia. May mas malalim pa at hindi tao ang makakaya ang ginagawa niya.
“You’re insane...” bulong ko.
Muli siyang bumalik kung nasaan ako alerto akong umatras subalit wala na akong a-atrasan dahil nakorner na niya ako. Napapikit pa ako ng lumapit ang ulo niya sa gilid ng leeg ko. Para akong sinilaban ng maramdaman ang mainit-init niyang hininga roon.
“Insane for you? Perhaps,” sagot niya bago idiniin ang kanyang mga labi sa leeg ko. “Ano ba!” muli kong pagpupumiglas ng maramdaman ang mariin niyang kagat roon. Halos napapikit ako sa pandidiri at sakit. Ramdam ko ang kanyang pagmamarka, isang paalala na siya ang may-ari sa akin ngayon.