TPS 1:

2106 Words
Kanina pa tinataas ni Ran ang kanyang kanang kamay kay Ali, kanina pa rin halos bumabaliktad ang kanyang kilay sa pag-irap dito…pero wala pa rin tigil ang bibig nito sa kakausisa. She’s damn curious and her curiosity pushes her patience in its limit. " Sino yun? Kilala mo? Kasi sigurado kilala ka? Matagal mo na ba siyang kilala? Secret boyfriend? Paano nangyari yun nang di ko alam!" histerya nito sa kanya. "Pwede ba, will you shut up! Kanina ka pa!" saway nya rito, kung si Ren lang ‘to kanina pa niya nabato o nahampas ng hawak na libro. Pero naisip nya rin , buti na lang hindi si Ren ang kasama dahil baka magkareunion bugbugan kanina, kagaya noong party ng kaibigan ng  daddy niya noong mga bata pa sila....Galit nag alit si Ren noon. Noon nga hindi pinalampas ni Ren ang pagnakaw sa kanya ng halik ni Yuan ngayon pa kaya? Yuan. Her kiss stealer. Yes he is that kid, hindi na nga lang mataba, hindi na rin bungi,.mas matangkad na rin kumpara sa kanya, pero yung mga mata nito...ganoon pa rin. Hindi maipaliwanag ni Ran ang pakiramdam ng magtama kanina ang kanilang mga mata, matapos ang nakaw na halik nito... Nakaw, palagi na lang…kung inilista niya lahat ng mga kasalanan nito sa kanya noong bata pa sila, nakabuo na siya ng isang libro. Elementary pa nang huli niya itong makita, kahit pa marami siyang bantay noon, hindi yun hadlang sa batang Yuan para lumapit sa kanya. At kapag may Yuan at Ren sa paligid laging g**o ang resulta...Protective masyado si Ren, lalo na ng magkaroon siya ng sakit, lagi siyang natutulog sa klase, kailangan din ipaliwanag sa school ang kanyang kondisyon. Ayaw ng daddy niya na kinakaawaan siyang ng ibang tao, kaya naman nagdesisyon ito na ipa homeschooling na lang siya,  bagay  na ikinatuwa pa ni Ren, kaya naman mula noon, pakiramdam niya isa siyang Prinsesa na nakakulong, kailangan ng bantay bago kumilos, sa takot ng mga tao sa paligid niya ba baka atakihin lamang siya sa kung saan. Malungkot. Pero natanggap niya ang kapalaran na yon, lalo na't busog naman siya sa pagmamahal. "Sino kasi yun?!" Akala niya tapos na ang usapan na yun, hindi pa pala. " Takas sa mental" inirapan nito ang sagot niya... "Ganda mo te ha,sa bagay maganda ka naman talaga, pero pwede ba wag mo akong sungitan?" Ran just rolled her eyes, kahit ilang beses itong magrequest wala yata siyang planong bumait. Naalala niya pa ang laging sinasabi sa kanya ng kanyang daddy noon. "Princess okay lang maging masungit, basta wag mo lang susungitan si daddy ha? I love you!" Lagi yun sinasabi ng daddy niya kaya naman nabuo sa utak ng mga kapatid na siya daw ang pinakapaborito, hindi  naman nagrereklamo ang mga kapatid, siya lang kasi ang nag-iisang babaeng anak, pero kahit seventeen na , princess pa rin ang tawag sa kanya ng kanyang daddy.. Lahat ng desisyon dumadaan muna rito, lahat ng gusto niya, nakakasakal sa una, dahil kung ano ang luwag nito kay Ren, siya naman ang higpit sa kanya, pero noong nalaman niya ang labis na pag-aalala nito ng makidnap siya, yung hindi pagkausap ng mommy niya rito, naiintindihan niya ang pagiging mahigpit ng kanyang daddy. Idagdag pa na only girl lang siya at siya daw ang face of the family.. “Masungit na face of the family,” Litanya naman ni Ren, pero imbes na mapikon lalo niya pa itong inaasar, asar talo pa rin ito sa kanya, at magpahanggang ngayon, hindi pa rin ito manalonalo. “Ang gwapong baliw naman noon? Kung ganoon ang mga gwapo papa admit na lang ako sa mental.” Nababaliw na sabi  ni Ali. Kinuha ni Ran ang phone, may kabaitan naman talaga siya eh. “Hello Janine,” wika ni Ran sa kabilang linya, personal assistant niya ito, kapag hindi niya kailangan ay nasa kumpanya naman nagtatrabaho. “Yes, Ms. Ran,” “Paki contact ang mental institution, ipapapasok ko si Ali-“ bago pa man matapos ang kanyang sasabihin ay naagaw na ito ni Ali sa kanyang tabi,  hindi niya maipaliwanag ang histura nito. “Po?” nadinig niya pa ang malakas na sagot ni Janine sa kabilang linya. “Ate si Ali po ito, wag kang makinig kay Ran, sinusumpong lang ng kasungitan sige na po bye.” Ito na ang nagbaba ng phone, Ran just rolled her eyes, ibibigay nya lang naman ang gusto nito. “Ang sama mo,” himutok nito. “Yes I know,”  walang emosyong sabi niya, nasa tapat na sila ng mansion, napahinto sila sa pagbaba ng marinig ang iyak ng driver. “Kuya Jun, bakit po kaya umiiyak?” si Ali na ang nagtanong sa kanilang matandang driver, hindi muna ito sumagot, hinintay muna nilang tumahan ito, hinihimas pa ni Ali ang likod ng matanda para pakalmahin… “Bakit po? Sabi ko naman kasi sa inyo wag kayong masyadong manonood ng Maalaala mo kaya, malulungkot lang kayo, hinay- hinay lang sa panonood ng mga drama sa t.v..Manood na lamang po kayo ng Forevermore kikiligin pa kayo? Sinimangutan lang ni Ran ang pagpapatawa kuno ni Ali, alam naman kasi niya na ito ang mahilig doon at hindi ang matanda. Hindi na lang siya nagsalita. “Hindi Ali, naiiyak ako  mawawalan na ako ng trabaho, siguro po pagnalaman ng daddy nyo Ms. Ran na nahalikan kayo kanina ng lalaki at di ko kayo napagtanggol, mapapagalitan at mapapaalis po ako. Wala na pong bubuhay sa pamilya ko, nag-aaral pa po ang mga anak ko,” tinignan siya ni Ali nang masama. “Ikaw pala ang may kasalanan eh, ikaw pala ang dahilan ng pag-iyak ni kuya,” sisi sa kanya ni Ali, nagpigil siya na sagutin ito, malay niya ba na iyon ang dahilan? She think for a while. “Hindi po kayo mawawalan ng trabaho kung tatanggalan nyo ng dila ang parrot dito,” tinignan niya ng masama si Ali na agad tinakpan ang bibig. Wala namang ibang madaldal kung hindi ito lang. “Kainis bakit ako?”  Bumaba na lang si Ran at hinayaan ang dalawa na mag-usap, ayaw naman din niya na mapaalis ang matanda, sanay na siya dito… mapapatahimik din ang bibig ni Ali. Saka isa pa kasalanan naman ito ni Yuan. Blame him. Kakakita niya pa lamang dito pero ginugulo na naman nito ang utak niya… “Ate!” napangiti siya habang hinhintay ang paglapit ng bunsong kapatid, nakapajama pa ito habang pababa sa hagdanan, nagmamadali. “Careful Rojan,” boses ng kanilang mommy na nakasunod dito, nakabukas ang mga braso nito payakap sa kanya… “Ate I miss you!” kinarga niya ito, hinalikan naman siya nito sa cheeks, parang hindi sila nagkita kaninang umaga, inahatid pa nga siya nito sa kotse, gustong gusto nga nitong sumama kaya lang may sakit. Hindi malungkot ang makulong sa bahay lalo na’t dumating si Rojan, he always follow her around. Ito daw ang kanyang knight in shining armor. May times pa nga dala- dala nito ang Espada na laruan. Minsan naman doctor niya na may nakasabit na stethoscope sa leeg. Yes, Rojan wanted to be a doctor, pero mukhang hindi doctor ng mga tao ang gusto nito kundi doctor ng mga hayop, patunay yung mga alaga nito. “Ni kiss na kita, baba mo na ako ate, I’m heavy,” “Magaling ka na?” tanong niya rito, hawak naman nito ang kanyang mga kamay. “Yes, magaling na nurse si honey eh,” puri nito sa kanilang papalapit na ina. After all these years, maganda pa rin ang kanilang mommy, mabait  at mahal na mahal ng kanilang ama. Hindi na nga lang nagbago ang pagtawag ng kanyang mga kapatid na honey dito, bagay na ginaya kay Ren. “Okay na siya, hyper na ulit eh,”  lumapit ang kanyang mommy Clem at niyakap siya,” you’re so beautiful anak,” “Mana sayo mommy,” nakangiting sagot niya rito…napakabait ng kanyang mommy, nagtataka siya kung bakit hindi siya nagmana rito. Tumawa ito sa kanyang sinabi. “Buti na lang wala ang daddy mo, kung marinig nya yun magtatampo yun, mahirap pa naman yung suyuin,” nguso ni Clem. “Yeah right,” “Ate, let’s take a picture!” hawak na ni Rojan ang camera, nangako nga pala siya na magpapapicture dito. ……………………………………………………………………………………… “Sa wakas kumpleto na ang barkada,” Itinaas ni Yuan ang kanyang beer sa mga kaibigan, maingay sa loob ng bar, not his type pero hindi nya naman mahindian ang mga ito. Gusto niya sanang magpakalunod sa saya, sa wakas pinabalik na siya ng kanyang mahal na ina sa bansa…sa wakas matapos ang matagal na paghihintay, ito na iyon, wala nang atrasan, lalo’t nat confident na confident na siya sa kanyang sarili. Wala na  kasi siyang mga baby fats. Hindi na rin siya bungi. Pero inlove na inlove pa rin siya sa prinsesang masungit. Wala siyang pakialam kahit mayaman pa ito sa kanila. Magsusumikap siya para dito. “Anong meron sa lips natin bakit di mabitawan?” tukso ng kanyang kaibigan na si Jackson. “Hayaan nyo na nakanakaw eh, magaling talaga kahit kailan magnakaw,” makahulugang wika ni Topher, ito yung kasama niya kanina, may kaakbay na itong babae, pati ang ibang barkada na sina Bono at Jackson…siya lamang ang wala,  may lumapit sa kanya pero tinignan niya ito ng masama. “Sungit mo naman pogi,” sabi ng babae at lumayo sa kanya, wala siyang paki, wala siyang panahon sa iba. Isa lang naman ang gusto niya, kahit pa gaano iyon kahirap, aakyatin niya pa rin yun. Prinsipyo niya kaya ang never say die mula pagkabata. “Are you gay?” Napikon yata ang babae kaya sinabihan siya noon, nagtawanan naman ang mga barkada pati ang mga babaeng katabi nito, pati yung babaeng tinggihan niya ay tumatawa na rin sa sariling insulto. “Kung sa tingin mo dahil sa sinabi mo makukuha mo ako, sorry miss pero walang wala ka sa kagandahan ng babaeng mahal na mahal ko.” Namula ang babae sa hiya , tumayo at umalis. Tawanan naman ang mga barkada niya. “Yuck, baduy mo bro!” sanay na siyang masabihan ng baduy, pakialam niya ba? Nakaprogram na siya kay  Ran parang computer… sabi niya nga noon sa mommy niya, nakatadhana talaga sila sa isat-isa, kasi yung pangalan ni Ran parang idinugtong lang sa pangalan niya, kaya para talaga sila sa isat-isa… Nagkaingay lalo ng may grupo ng mga kalalakihan na pumasok, maraming bumati sa bagong dating, lalo na mga babae. Isang pangalan ang matunog na nagpalingon sa kanya. Hi Ren! Ren! Ren my love! Nilingon ito ni Yuan, no doubt ang kakambal ng kanyang si Ran, bata pa lamang sikat na ito, ngayon pa kaya? Hindi na siya nagtataka, sa estado nito sa buhay at sa  hitsura nito talagang pagkakaguluhan. Aminado naman siya na gwapo ito, sa ganda ba naman ng kanyang si Ran, saka isa lang ang pinagmulan ng dalawa, natural na halos parehas ng features.  Buti na lamang talaga at naging babae si Ran… Kung nagkataon? Paano na siya? Isang lalaki rin ang nakaagaw ng kanyang atensyon, “Sino yung mukhang bampira sa puti?” nguso ni Yuan sa lalakeng katabi ni Ren, ito yung lalake sa park, tyempo naman na napatingin ito sa kanya. Tingin pa lang naiinis na siya dito.. “Si Dexter yun, bestfriend ni Ren, yung isa si Josh, magbabarkada yang tatlong ungas na yan eh,” sagot ni Bono, napatingin si Ren sa tinitignan ni Dexter, hindi ito nakikinig sa kanya kaya naman tinignan nito kung saan nakatingin. At doon nagtama ang kanilang mga mata. Pilit siyang kinikilala nito, halata sa kunot ng noo, itinaas ni Yuan ang hawak na beer saka ngumisi. Kinuyom nito ang kamao saka pinakita saka pinakita sa kanyang direksyon. He wanted him to read his signal. Diyan ka lang. Wag kang lalampas sa linya. Kung hindi lagot ka sa akin. Napailing na rin si Yuan, hindi pa rin nagbabago. "Ang yabang talaga." Inis na bulong ng kanyang kaibigan, "Ano saktan na natin?"  tinawanan lang yun ni Yuan. Noon nga hindi siya nagpasindak dito, ngayon pa kaya? "Hindi pwede, hindi ako mananakit ng walang dahilan lalo na't magiging bayaw ko pa." He said smirking, nakaani naman iyon ng mga tukso sa mga kaibigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD