Prologue
Katatapos lang ng photoshoot ni Ran para sa isang magazine, hindi nya na nagawang magpalit ng kanyang outfit, suot nya pa rin ang magandang white dress. An outfit that made her appear like an angel. Yun kasi ang tema ng photoshoot. However, bilang lang naman ang mga pagngiti nya roon. Her fans didn't mind, marami pa rin namang bumibili ng mga product na ineendorso nya. Kilala siya bilang Claudeth sa ganoong larangan, she used her second name.
Tumawag din kasi ang bunso nila na si Rojan. Gusto raw syang makita na suot ang damit na yun, hindi kasi ito nakasama sa photoshoot dahil may sinat. Hindi pinayagan ng kanilang mommy na bumuntot sa kanya, kaya si Ali, ang kanyang bestfriend ang kasama nya, tutal wala na rin naman itong halos pasok sa school. Ali and Ren are going in the same university, yun nga lang parang di magkakilala at hindi nagpapansinan. Mahilig kasing mang asar si Ren, para hindi mabully masyado si Ali lumalayo na lang ito ng ilang milya sa kanyang kakambal.
“Ran, pwede tayong dumaan sa park? Yung nasa kabilang village?” pakiusap ni Alison sa kanya, inalis nya ang mata mula sa binabasa nyang mysterious novel. Nasa magandang part pa naman siya.
“Why?” tanong nyang naguguluhan…hindi kasi mapakali ang hitsura nito…parang may gusto pero nahihiyang sabihin. Hindi nya maiwasang magtaka dahil anong gagawin nila sa park? Hindi naman ito yung tipo na tumatambay doon at lalong hindi sya. She prefer to stay at home like they want her to be. Laging bawal syang lumabas, laging dapat may kasama sya, hanggang sa napagod na sya.
Siguro ganoon na nga lamang iikot ang buhay nya.
Malaki nga ang bahay nila at nakatrap sya doon. Mahirap pero wala syang choice, she carry this illness, narcolepsy, na may pagkatraydor. Ayaw nilang isapalaran na atakihin siya sa labas at matagpuan ng mga mapangabusong tao. She’s a beauty. She understands that her parents are just afraid of the consequences, too afraid actually. Takot sila na baka mangyari na naman yung pagkidnap sa kanya noong bata pa siya. But that’s all in the past now, nakakulong na yung taong yun. And her dad, hindi hahayaang makawala ito. Hindi lang naman ang dad nya ang OA kung makabantay, even her twin Ren, na hindi na yata magbabago. Simula bata pa sila , to the point na nakakasakal, yet sweet at the same time. But she will not let her brother knew about that.
“Just answer Ali, bakit tayo pupunta roon?” tuluyan nya ng sinara ang libro at nagfocus sa naguguluhang si Ali…”bakit nga? Hindi ako papayag , if you won’t tell me?”
“Ano kasi may titignan lang ako, si ano kasi…” namumula ito habang nagpapaliwanag.
“I won’t buy that short explanation,”piksi ni Ran dito.
“okay, okay sasabihin na,” suko nito, paano kasi handa ng utusan ni Ran ang driver na umuwi na sila.
“yung kaibigan ko sa school, nakipag break yung guy sa kanya para maidate yung isang mas popular…” explain nito.
“Baka crush mo yun at nanghihinayang ka dahil hindi ikaw yung ka-date? I didn’t know, akala ko si Ren ang crush mo.” Ngumiwi naman ang mukha nito pagkarinig sa pangalan ng kakambal.
“Sa nakasinghot ng katol mong kapatid? Wag na no!" Tigas na tanggi nito. "Pero Ran I’m serious , narinig ko kasi yung kaklase ko na magdadate sila ni Dexter at sa park ang meeting place nila at yung kaibigan ko iyak nang iyak nung nalaman nya, gustong usto ko siyang iganti…”medyo hindi siya convince sa paliwag nito, parang may mali, parang may kulang.
But there’s only one way to find out.
“ I think I overheard his name somewhere,”
“Kaibigan siya ni Ren, mabait siya granted, di ko alam kung bakit naging magkaibigan sila ng bully mong kapatid, total opposite sila, kaya lang lagi nalang maling babae ang nagugustuhan nya.”
“So what’s your point, ikaw yung tamang babae?” tinuro pa siya ni Ran na nakasmirk. Sunod sunod ang pag iling ni Ali.
“Of course not-yung kaibigan ko syempe!” hindi mabali na sagot nito.
They reach the park , agad na nakita ito ni Ali, napailing na lang si Ran sa istura ni Ali habang nakatingin doon sa Dexter na nakatayo malapit sa fountain, naghihintay.
Marami ring couple sa gilid na nakatambay.
“What will you do?” tanong nya kay Ali, nakalabas na sila, opposite sa lugar kung nasaan si Dexter.
“Hin-hindi ko alam.”sagot nito,kumunot ang noo ni Ran.
“Akala ko gaganti ka, bakit wala kang plan?”iritadong tanong nya.
“kasi ano eh-kasi…”itinaas ni Ran ang palad sa harapan ni Ali to shut her up. Sanay na si Ali sa ugali ni Ran ma ganoon, sa tagal nilang magkasama, masyado siyang irtable at masungit. Sungit nga yung isang tawag ni Ren sa kanya.
“That’s stupid.”
“Sungit mo,”
“I know right,” sagot niyang tila proud pa, sandali itong nag-isip bago nilahad ang palad,” give me your necklace,” utos nito kay Ali.
“binabawi mo na? pero regalo mo to sa akin diba?” takang sabi nito. pero walang nagawa sa gusto ng kaharap. Wala sa loob nitong tinanggal yun, sandali lang yun sa kamay ni Ran dahil agad nitong hinagis sa fountain ang kanyang necklace.
“Why did you do that?!!” impit nyang sigaw dito na nagpalingon sa ibang couples, buti na lang hindi narinig ni Dexter.
“saka mo sagutin muli ang tanong ko, pagkatapos ng gagawin ko sa ex ng kaibigan mo,” sabi ni Ran matapos tanggalin ang sandals at lumusong sa faountain.
“Anong ginagawa mo? Bawal yan! Naku papatayin ako ng parents mo.” saway ni Ali sa kanya, bakas ang takot sa mukha nito.
“Hide, I alreasy caught his attention o gusto mong makita ka nya?” nakakalokong ngisi ni Ran, walang nagawa si Ali kung hindi magkubli sa likod ng isang puno. Wala siyang magagawa umandar ang pagiging pilyo ni Ran. Bakit nya ba nakalimutan na kambal nito si Ren? Kung tutuusin mas malala ang topak ng sleeping beauty na ito kaysa doon sa isa lalo na kapag nakasumpong.
....
“Ms. Anong kinukuha mo? Bawal manguha ng coins dyan?” tumigil sya at tumayo, tumingin sa kanyang target. Mukha naman itong natulala noong magtama ang kanilang mga mata. May mga times talaga na nagsisi siya sa kanyang pagiging pakialamera,
“baba mo ako!” lumapit ito sa tapat ko.
“ha?”
“Bingi, sabi ko baba mo ako!” inabot ko ang kamay ko sa kanya, pero nang aabutin nya na ito, bigla ko iyang tinabig.“Joke lang marunong akong bumaba, nakaakyat ako di ako marunong bababa? Ang tanga ko naman?”
"Psyhic ka ba?" Mukhang ewan na tanong nito.
“Hind ako psyhic ,madali lang talaga basahin yung nasa isip mo,” Pinanood nito ang pagbaba ni Ran hanggang sa pagsuot ng sandals, sumunod na ito sa kanynag tabi.
“Bakit nakasunod ka?” Tanong nya rito habang nakataas ang isang kilay.
“Hindi kita sinusundan no, may hihintay lang ako,” Kunwaring dahlan nito.
“Maniwala sayo,” pangaasar nya.
Mukha naman itong napahiya, tumalikod na lang at naupo roon sa medyo malayo sa kanya, hinhintay yung ka date na hanggang ngayon hindi pa dumarating.
“Type mo ako no?”
“Ha?!” Mukhang wala sa sarili dahil sobrang nagulat nang bigla siyang pumuwesto sa harapan nito. Natawa sya at naupo sa tabi nito.
“Laro tayo, habang hinihintay mo yung ka date mo,” suggest nya, ito naman ang kanyang balak umpisa pa lang.
"Alam mo?"
“Hello, tignan mo lahat ng nandito may ka -date, kanina pa ako dito kaya alam ko kung sino ang unang dumating sa mga mag couple na yun at kung sino ang na late!” pagmamalaki nya kunwari, habang tinuturo yung mga nilalanggam na pares sa paligid…
“Ikaw anong ginagwa mo rito? May ka date ka rin? Late rin ba?” Umiling si Ran.
“Hindi, may itinapon ako, kaya lang nagbago ang isip ko, gusto ko ulit kunin kaya lang inabala mo ako eh, di ko nakuha,” Dahilan niya kunwari.
“Sorry na Ms.,” sagot nito na medyo guilty.
“Ok lang. ‘
"Do you want to play games while waiting for your date?" suggest nya muli.
“Anong laro, taguan, jack en poy?”
“Hello, hindi ganong laro ano. Ang corny mo.”
“Ano pala?” curious na tanong nito, kuhang -kuha na ni Ran ang buong atensyon ng binata.
“Magsasabi akong ng limang bagay tungkol sa akin, dalawa roon totoo, yung tatlo fallacy lang, kapag nakahula ka ng isang tama, I kikiss kita sa cheek, kapag nahulaan mo yung dalawa, I kikiss kita sa lips “
Napalunok naman ito bigla sa kanyang sinabi.
“Sandali, paano kapag natalo ako anong parusa?”
“Walang parusa, wala ka ring kiss,’ sabi nya na parang wala lang ang paghalik.
“Stalker ba kita at gusto mo lang makakiss?” Nang makabawi ay naakusahan pa siya.
“Ang kapal mo.” Tumawa si Ran habang mataman naman itong nakatitig sa kanya.
“wala talagang parusa?” pag-ulit nito. Umiling muli si Ran.
“Wala talaga. Gusto ko lang mailabas yung nararamdaman ko, sasabog na kasi kapag hindi ko ito nailabas, ang hirap na masyado, tulungan mo ako, gusto ko ng makikinig sa kin.” seryosong sabi niya na bumenta naman dito.
"Okay game!"
She smile widely, this is it.“One, may nakakadiri akong balat sa pwet." Mukhang pigil na pigil ito sa pagtawa. "Two, Crush ko yung roommate ko, natatakot ako na lumalim pa ito, to think na parehas kaming babae, three , ninakaw ko yung sagot sa exam kaya nakaperfect ako. Four, limang beses kong binasa yung fifty shades of grey at pang lima mula pagkabata hanggang ngayon in love ako sa kapatid ko, I love him not as a brother but as a man. " Ang hirap magpigil ng tawa pero pinilit ni Ran na maging seryoso habang nakatingin sa gulat na reaksyon ng kaharap.
“So ano sa tingin mo ang totoo tungkol sa akin?”
“Ha?”
“Pumili ka na ng dalawa.” Malalim itong nag-iisip, siya man ay naiinip na sa tagal. Gusto niya ng matapos ang kalokohan niyang ito. "Ano na?”
“Number two and five?” Nakatingin lang si Ran sa naging sagot nito.
“Ang galing mo, salamat.” sagot ni Ran
“Tama yung sagot ko?Ilan ang tama?” Excited na tanong nito., wala itong pinagkaiba sa ibang lalake, excited sa kiss.
“Pikit ka?” utos niya na sinunod naman nito.
Medyo cute nga ang lalaking ito, napatingin siya sa lugar ni Ali kung saan ito nagtatago at kanina pa nagmamasid sa kanila, pagkatapos ay dinampian niya ng halik ang labi ni Dexter.
Mabilis lamang iyon.
“Salamat sa tulong mo.” sabi nya pagtapos, dumilat na ito habang napahawak sa labi at nakatingin sa kanya.
“Aalis na ako, ayun na yata yung ka date mo,” Tinuro nya yung babae na palapit, umuusok sa galit dahil sa nasaksihan,
Bago pa man sya makalakad palayo , hinablot nito ang kanyang braso.
“Kailan kita makikita ulit?” tanong nito.
Nagkibit sya ng balikat bago sumagot,
“Hindi na tayo magkikita, kaya nga ikaw yung sinabihan ko ng sikreto kasi di na magkukrus ang landas natin. ”
“Alam ko magkikita pa tayo, ako si Dexter, ikaw anong pangalan mo?”
“It's not important.” Mukhang hindi ito pamilyar sa mga modelo , hindi kasi siya nito kilala.
“SInong nagsabi? Walang nakakaalam, sige na anong panglan mo? Kahit pangalan lang,”
“Takbo, yun ang pangalan ko.” sagot nya bago tuluyang tumakbo palayo, tapos na ang pakikipaglaro.
…….
“Let’s go." Hindi man lang siya namalayan ni Ali, tulala pa rin ito.
“Anong nangyari, bakit may kiss?” Natanong rin nito sa wakas, nakasakay na sila sa sasakyan.
“Small reward sa isang game, he looks so stupid, paniwalang -paniwala sa kalokohang sinabi ko.
“Anong sinabi mo? “ tumawa siya habang inaalala ang nangyari.
“I told him na inlove ako sa kakambal ko, aside from that I also told him na inlove din ako sa roommate ko na babae.”
“What!” sigaw ni Ali,” magkapatid po kayo ni Ren at wala ka namang roommate na babae, wala ka namang ganoon?” sabi nitong tila naeskandalo.
“Exactly!”
“Eh, bakit mo siya hinalikan?!” hindi pa rin maka move on si Alison doon, alam niya kung bakit at iyon ang kanyang napatunayan.
“It’s not my first, na-kiss na ako noon,” inis na sagot nya habang inaalala kung sino at saan naganap yun. napakabata nya pa ng mahalikan ng lalakeng kinaiinisan nya.
“Saka I wanna see you jealous,” dugtong nya. Napalunok ng laway si Ali.”Crush mo yung ex ng kaibigan mo right?”And you’re mad because it's him that I kissed and not because I gave my kiss away.” Ran stated na nagpatigil kay Ali.
Nagkatitigan sila at halos mauntog ng malakas nang nagpreno ang driver.
“Sorry po ma’am, may bigalng humarang.”
Dinungaw nila ang nasa tapat, isang lalake naka big-bike at helmet. Kung hindi nakapagpreno ang driver nasagasaan na ito. Makailang beses bumusina ang driver pero hindi ito umalis sa gitna, hindi tuloy sila maka daan.
“Diyan lang po muna kayo ma’am, wag po kayong lumabas,” pakiusap ng driver para labasin ang estranghero. Bumaba ang lalake sa big bike nito , matangkad ito at nakamaong at leather jacket kahit mainit ang panahon. Matikas ang tayo nito. Kita nya ang frustration sa mukha ng kanilang driver. Ilang minuto na ring nag-uusap ang dalawa, lumingon pa yung driver sa kanila. Hindi nya makuha ang ibig sabihin.
“Hey, bakit ka bababa?” nag-aalalang tanong ni Ali sa kanya, Pero huli na hindi nya ito sinagot, gusto nya ng umuwi at may baliw na humahadlang sa daan. Bumaba na rin si Ali para sumunod sakanya.
“What’s the problem here?”
“Ma’am doon na lang po kayo sa loob.” Nilingon siya ng lalake na nakahelmet pa rin. Tanging mata lang ang nakikita nya rito. Parang galit. Hindi naman siya siguro nito sasaktan right? Saka lamang nito tinanggal ang suot na helmet. Ginulo nito ang magulo ng buhok at muling tumitig sa kanyang mata.
Narinig ni Ran ang pagsinghap ni Ali sa kanyang tabi. Gwapo ito, maputi, singkit ang mga mata. Hinawi nito ang driver at lumapit sa kanyang harapan. Hindi man lang ngumingiti , seryoso ito.
May dinudukot ito sa bulsa. Kinakabahan si Ran sa kung anong kukuhanin nito. Pero laking pagtataka nya ng isa iyong puting panyo.
Yumuko ito ng kaunti at yung panyo ay pinunas sa kanyang bibig. Nanlaki ang kanyang mata sa ginawa nito kaya naman hindi siya agad nakareact habang marahang pinupunas nito ang labi niya. May dumi ba yun?
“What the hell are you doing?! “ Sa wakas tinabig nya ang kamay nito. He smirks at her,
“Kadarating ko lang kaya super excited akong makita ka, tapos yun yung bubungad sa akin? Nakakasama ng loob.” naguguluhan siya sinasabi nito.
Kunot ang noon na tinignan ito ni Ran, hindi nya ito kilala.
“Look Mr., hindi kita kilala kaya please lang-”
“Hindi kilala?” putol nito sa kanya, parang nasaktan ito kanyang sinabi,” Okay, I’ll make you remember me.” bigla siya nitong hinila at hinalikan sa harap ni Ali at ng driver.
Mahigpit ang hawak nito sa kanya kaya hindi siya makawala. Naririnig nya ang driver na sinasaktan ito para pakawalan siya, pero hindi naman iniinda. Si Alison, masyadong nagulat, pero sa wakas hinila na rin siya palayo.
Si Ran gulat pa rin at namumula ang mukha. Mukhang ito yata ang karma sa ginawa nya kanina.
“Iyan, malinis na.” sabi pa nito matapos siyang halikan.
“Yuan, tara na!” tawag ng lalaki na nasa convertible car, napalingon din si Ran doon tapos sa lalaking kaharap. Hindi makapaniwala na ito na yung batang yun. Isa lang naman ang Yuan sa kanyang alaala na hindi niya malilimutan kahit anong mangyari, sa kadahilanang may atraso ito sa kanya.
Muli itong ngumisi sa kanya, bago sumakay sa motor nito.
“See you soon princess.”
Nakaalis na ito pero nakatingin pa rin siya sa direksyon na tinahak nito. Maaring nagbago ang hitsura nito, pero ang ugali yun pa rin. Sakit pa rin sa kanyang ulo. Nakakainis.
Tsk. Stalker.
Her Stalker is back.
Bulong nya bago bumalik sa van. Inaantok siya.
Nakakaasar.