Chapter 11

213 Words
Isa pa ay alam naman ni Tom na hindi papayag si Gerardo na hindi sila makadalo at nahihiya naman siya a tumanggi pa sa paanyaya ng isa sa konsehal ng kanilang barangay. Kanina nga noong hindi pa pumapayag si Tom ay sinabi na ni Gerardo na maaari na lang na sa bahay na lang nila ganapin ang kaarawan ng kanyang anak ngunit naisip rin ni Tom na mahiiapan nanaman si Amelia na magtago kaya naman napapayag na rin siya. Siya na rin ang bahala na magpaliwanag kay Amelia at alam naman niya na maiintindihan sila ng kanilang anak. Ngunit may parte kay Tom na labis na ang awa na nararamdaman para sa kanyang anak dahil lagi na lang rin nagsasakripisyo si Amelia. “Matutuwa nito ang aking anak dahil dadalo kayo. Alam niyo na parang magulang na rin ang tingin niya sa inyo dahil kayo ang guro niya sa paaralan.” nakangiti na sabi ni Gerardo kaya naman napangiti na rin si Tom. “Nakabalik na ako, Tom? Ame---, Konse kayo po pala,” gulat na wika ni Susana at mabuti na lang dahil hindi na niya tuluyan na nabanggit ang pangalan ng anak nila ni Tom. “Ang akala ko ba Sir Tom nasa likuran ng bahay niyo ang asawa mo?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD