Chapter 12

344 Words
Kaya naman hindi na napansin ni Tom ang kakaibang tingin sa kanya ni Gerardo at ang tingin na iyon ay mapaghinala. Dahil nakita mismo ni Gerardo ng dalawa niyang mata na umalis ng kanilang bahay ang asawa nitong si Susana kaya naman natitiyak niya na nagsisinungaling sa kanya si Tom kaya naman mas lalong tumindi ang hinala niya na may malaking sikreto talaga na tinatago ang pamilya ni Tom sa mga tao. “Konse, mainit dyan. Ano ba ang gusto niyo? Kape o juice?” alok ni Tom sa kanya. “Tubig na lang Sir Tom,” nakangiti na sabi ni Gerardo at sa huling pagkakataon ay lumingon pa siya sa likuran ng bahay nina Tom dahil sigurado siya na doon tumakbo yung nilalang na kanyang nakita at doon rin lumabas si Tom. “Muli nga pala ako humihingi ng pasensya dahil pumasok ako sa bahay niyo ng walang pahintulot,” sabi ni Gerardo kay Tom pagkatapos niyang inumin ang tubig na bigay ni Tom sa kanya. “Ayos lang iyon konse.” “Ang sadya ko nga pala sa inyo ng asawa mo ay iniimbitahan ko kayo sa bahay namin upang doon na maghapunan dahil mayroon kaming maliit na salo-salo dahil kaarawan ngayon ng aking anak. Isa pa ay inaasahan niya na dadalo ang mga paborito niyang guro kaya naman ang sabi ko ay ako na ang pupunta dito sa inyo,” nakangiti na sabi ni Gerardo kay Tom. Naalala naman ni Tom na nakapangako na sila kay Amelia na sabay-sabay silang muli na maghahapunan dahil balak magluto nina Amelia at Susana ng kanilang kakainin para sa gabing ito. “Ang totoo kasi niya ay may iba na kaming plano ng asawa ko dahil magluluto rin siya,” pagtanggi sana ni Tom kay Gerardo. “Naku, malulungkot nito si Aubrey. Ang sabi ko pa naman ay malakas ako sa inyo ng asawa mo. Ngunit hindi pala kayo makakadalo. Birthday pa naman ng anak ko,” nahalata naman ni Tom na parang kinokonsensya siya ni Gerardo kaya naman napapayag siya ng wala sa oras.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD