Naging normal na ang lahat pagbalik namin sa Maynila. Pinilit kong maging abala para hindi na masyadong mag-isip pa. I checked different art galleries and met several artists with same interests. I keep telling myself this is for my own good. This would help me heal faster. Mas mabuti na ito. Hindi na rin ako nanunuod ng balita para hindi na makita si Chantle kung paano umapila sa kaso ng senador na iyon. Lahat ng konektado sa kanya o sa kanila ay iniiwasan ko na. Alam kong hindi rin naman siya magiging masaya pag nalaman niyang nakikibalita pa rin ako sa buhay niya. "I've seen your works online, Mr. Dela Vega. Lahat ay magaganda. Do you want to exhibit them? I can help you," alok ni Mr. Henry Arnaiz, isa sa mga kilalang pintor sa bansa. Narito ako ngayon sa kanyang opisina. Matagal ko

