"Pakiusap Chantle, bigyan mo naman ako ng kahit kaunting pag-asa," hinawakan ko ang kanyang kamay para pigilan siya sa pag-alis. "Please, stop..." mariin siyang pumikit. Sinubukan niyang bawiin ang kanyang kamay ngunit hindi ako pumayag. "Bigyan mo ako ng puwang sa buhay mo," halos lumuhod na ako sa harapan niya. This is a desperate move, I know. But I want to try. I'll keep trying as long as there's an opportunity. "Sinusubukan kong maging kaswal sa 'yo, Lester..." mahinahon niyang sabi. Bumaling siya sa akin. "Kaya pakiusap rin, tama na... Marami na 'kong iniisip ngayon, huwag ka nang dumagdag pa." Parang paulit-ulit na binibiyak ang puso ko dahil sa kanyang sinabi. Parusa ba ito ng langit sa 'kin? Senyales na ba ito na dapat ko na siyang pakawalan? "Chantle, bigyan mo naman ako ng

