"Lester, wake up!" Napamulat ako nang marahang tampalin ni Chantle ang pisngi ko. "Ang sabi mo mamamasyal tayo ngayong araw." "Hmmm..." hinila ko siya at isiniksik sa aking dibdib. Pumukit ulit ako dahil inaantok pa 'ko. Ayoko pang bumangon. "Mamaya na... maaga pa naman." "Anong maaga?" Kumawala siya sa yakap pagkatapos ay umupo sa bandang paanan ko. "It's almost noon, Lester. Kanina ka pa nakahilata d'yan! Sina Mommy ay kanina pa umalis." "Five minutes," inaantok kong ngiti. Inilahad ko ang aking mga kamay sa kanya. "Come here. Let's hug..." "No!" Humalukipkip siya. "Tatayo ka o hihila--" Hindi niya naituloy ang sasabihin dahil hinila ko na siya patungo sa 'kin. Napatili siya nang bumagsak sa dibdib ko. Hinigpitan ko ang yakap para hindi siya makawala. "Five minutes, please..." paki

