"We'll miss you both," malungkot na sabi ni Mommy nang maihatid na kami sa airport. "Babalik po kami," I assured her. "We'll just settle some things. Magbabakasyon po kami ulit dito." "Alright. Basta tawagan niyo kami kapag nakalapag na kayo sa Manila," niyakap ako ni Mommy. Niyakap ko rin siya pabalik. "Opo, tatawagan namin kayo," sagot ko. Niyakap na rin ni Mommy si Chantle. Si Tito Carl naman ay tinapik ang aking balikat. Sa totoo lang, silang dawala ay hindi sang-ayon sa pagbalik namin sa Pilipinas. Halos isang linggo pa lang kami dito pagkatapos ay umaalis na kami ngayon. Ngunit naiintindihan rin naman nila na may mga bagay kaming dapat ayusin doon. Gusto kong alamin ang lahat ng nangyari. We don't need to worry now, right? Maayos na ang lahat. All of us can live a peaceful life

