Isang malakas na sampal ang gumising sa akin. Naliliyo ako. Hindi ko maituwid ang aking paningin. Muli kong ininda ang sakit ng aking ulo. Tila binibiyak ito ng paulit-ulit. Nanghihina man, sinubukan ko pa ring ilibot ang aking paningin. Hindi ko maigalaw ang buong katawan ko. Nakatali ang aking kamay mula sa likuran pati na rin ang mga paa. Nakaupo ako sa isang maliit na silya. Sinubukan kong kumawala ngunit hindi ako nagtagumpay. "Gising na!" tawa ng isang lalaki. Muli niya akong sinampal sa pisngi. Nalasahan ko ang dugo sa aking bibig. Nagtawanan naman ang iba dahil sa sampal sa 'kin ng lalaki. "S-saan ako?" namamaos kong tanong. "Sino... sino k-kayo?" napakurap ako at pinilit ituwid ang paningin. Hindi ko masyadong maaninag ang mukha ng lalaki dala ng pagkahilo. "Sino raw tayo?" ta

