Chapter 3

2262 Words
"Damn it, type mo si Engineer Versoza?" akbay sa akin ni Caleb habang pabalik kami sa aming villa. Mabilis akong umiling sa tukso niya dahil ayokong mag-isip siya ng kung ano. Alam ko pa naman ang pag-iisip ng isang ito kung minsan. "Hindi..." tanggi ko. "Sus! Nakita ko kung paano mo siya tingnan," tudyo ulit niya, tila pinapaamin ako sa bagay na hindi ko naman ginawa. "Tumigil ka nga..." tinanggal ko ang kamay niya sa balikat ko. Inunahan ko siya sa paglalakad. Wala akong mapapala sa lalaking ito. Puro kalokohan lang ang nasa isip. Pagdating pa lang namin sa villa ay agad na akong humiga sa kama para makapagpahinga. I need some sleep. Pakiramdam ko'y kulang pa ang tulog ko kahit na medyo maaga naman akong natulog kagabi. Baka hindi ako makapag-concentrate mamayang gabi kapag nagkulang ako sa tulog. Isa pa... ayokong mapahiya kay Engineer Versoza. Baka isipin niya na wala kaming kakayahan ni Caleb para sa project na ito. I am kind of curious about her. May kakaiba sa kanya ngunit hindi ko malaman kung ano ba iyon. There's something about her fierce eyes and personality. Hindi ko maintindihan kung bakit parang naiinis siya sa akin. Lahat ng sasabihin ko, para sa kanya ay mali. Alas-syete ng gabi nang umalis kami ni Caleb para i-meet ang aming kliyente sa isang kilalang restaurant dito sa lugar. Hindi ko alam kung ano ba ang isusuot ko. Damn it! Para akong gago. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ako ngayon. Sakto naman ang tulog na nakuha ko kanina. Nakapag-pahinga naman ako ng maayos, pero bakit ba ako nagpa-panic? "Umayos ka nga, Lester," puna ni Caleb habang papasok kami sa restaurant. Panay kasi ang tingin ko sa kabuoan ng lugar. Tumikhim ako at tumingin na sa dinadaanan namin. Nasilayan ko kaagad ang aming kliyente habang nakikipagkwentuhan kay Engineer Versoza. Napalunok ako nang makita siya. Mabilis akong nagbaba ng tingin nang mapansin niyang papalapit kami ni Caleb. Sht! "Late kayo," puna ni Engineer Versoza bago tumayo. Late? Limang minuto pa lang ang lumipas pagkatapos mag alas-syete, late na ba ang tawag doon? "Pasensya na," paumanhin ni Caleb. "Hindi pa naman sila late Engineer," anang matandang babae sa kanya pagkatapos ay lumingon siya sa amin. "I am Divina Zamora. Please, join us." Sinaluhan namin sila ni Caleb. Sa harap niya ay si Miss Zamora habang ako naman ay si Engineer Versoza. "I am Caleb Ramos, and this is Lester Dela Vega." Tumingin ako sa matanda at ngumiti ng tipid. Nilahad ko ang aking kamay sa kanya, tinanggap naman niya ito. "Okay, shall we start?" Engineer Versoza asked. Nagkatinginan kami, batid ko sa mga mata niya ang pagkawala ng emosyon ng mga ito. Habang nag-uusap kami ay bigla na lang tumunog ang aking cellphone. Hiyang-hiya ako sa kanila dahil ako pa ang naging dahilan kung bakit naudlot ang aming diskusyon. Tiningnan ko ang tumatawag, si Chantle pala. Siguro'y maiintindihan naman niya kung hindi ko muna sasagutin ang kanyang tawag. I swiped the reject button. Huminga ako ng malalim at muling humarap sa kanila. Nagkatinginan kami ni Engineer Versoza, kumunot ang kanyang noo pagkatapos ay nag-iwas ng tingin. "Saan na nga ba ang usapan natin?" tanong niya na tila ba nakalimutan na namin kung tungkol saan ang aming pinag-uusapan. "Well, we're talking about the materials," maagap kong sagot para malaman niya na alam ko pa rin kung ano ba ang pinag-uusapan namin. "Alright," tango niya. "So what we need is to use tropical materials since it's near the ocean. Hindi ba't mas maganda kung maramdaman ng may-ari na nasa bakasyon talaga siya dahil sa disenyo ng bahay." "That's right," sang-ayon ko. "Pero kailangan din nating isipin iyong mga natural na kalimidad na maaaring mangyari lalo na't malapit ito sa dagat. Kailangan ay iyong konkretong materyal ang gamitin." Bumaling ulit sa akin si Engineer Versoza, matalim ang mga mata niyang nakatuon sa akin na para bang hindi maganda ang sinabi ko. "I'm the Engineer, alam ko kung anong sinasabi ko," mariin niyang sabi. "Uhh," tikhim ni Miss Zamora. "Pwede ba iyong konkreto at tropikal na materyal na lang? Pwede naman siguro 'yun, 'di ba?" "Pwede po," ani Caleb. Pasimple niya akong siniko sa tagiliran kaya naman sumang-ayon na rin ako. Ilang minuto pa kaming nag-usap hanggang sa magpaalam na si Engineer Versoza. "So, I think that's all for tonight. I need to go now..." walang emosyong sambit ni Engineer Versoza pagkatapos ay isa-isa na niyang inayos ang mga gamit. "See you soon, Miss Zamora," paalam niya sa aming kliyente. Tumingin rin siya sa amin ngunit si Caleb lang ang kanyang tinanguan. Nakipagkwentuhan muna kami kay Miss Zamora tungkol sa nais pa niyang gawin sa kanyang resthouse. Pagkalipas ng ilang sandali ay nagpaalam na rin siya dahil tutulak pa siya patungong Cavite. Napagpasyahan namin ni Caleb na uminom muna kahit na ilang bote ng beer lang. Nakapagpahinga naman kasi kami ng maayos kanina kaya hindi pa kami inaantok ngayon. "Masungit si Engineer, 'no?" anang aking kaibigan. Hawak niya ang bote ng beer habang nakatingin sa dagat. "Mukhang mahirap siyang maging ka-trabaho." Tumawa ako, sumang-ayon sa kanyang sinabi. "Pero type mo..." humarap siya sa akin, malaki ang ngisi na nakapinta sa kanyang labi. "Hindi," tumawa ako. "Alam mo naman na wala pa sa isip ko ang magka-girlfriend." "Hindi ko naman sinabing magiging girlfriend mo siya. Tinatanong ko lang kung type mo ba. Wag kang masyadong magpahalata," mas lalong lumaki ang ngisi sa kanyang labi dahil sa sinabi. Napailing ako at ininom ang bote ng beer. Engineer Versoza is really beautiful and hot, alright. I'm attracted? Maybe... but that doesn't mean that I like her. Wala pa talaga sa plano ko ang manligaw. Ang tanging gusto ko lang ay bigyan ng panahon ang aking trabaho. I'm not yet successful in life, kahit na sinasabi ng iba na nasa tamang edad na ako para mag-asawa. Paano ako mag aasawa kung girlfriend nga ay wala ako. "Si Kia, gusto ko na siyang pakasalan," muling sambit ni Caleb. Binaling niya ang tingin sa kawalan. Nakangiti siya ngunit batid ko ang lungkot sa kanyang mga mata. "Pero ang sabi niya ay hindi pa rin siya handa." "Hintayin mo muna. Malay mo may gusto pa siyang gawin sa buhay niya ngayon." "Pwede ko naman siyang hayaan sa gusto niyang gawin kahit na kasal na kami," bumuntong hininga siya. "Sa tingin ko kasi ay hindi naman niya talaga ako mahal." "Ba't mo naman nasabi 'yan?" Tumingin ulit siya sa akin. "Alam mo naman kung paano kami nag-umpisa, 'di ba?" nagkibit balikat siya. They we're bestfriends... in bed. Hindi naman iyon tinatago ni Caleb noon pa man. I don't know, though, but he fell for her instantly. Siguro'y dala na rin ng pisikal na koneksyon nila. Hindi maaaring walang mahulog sa isa sa kanila. Unfortunately, that's Caleb. Siya ang naunang bumigay, siya ang humingi ng relasyon. Binigay naman iyon ni Kia sa kanya. "I think she's cheating on me. Ayoko lang pag-usapan namin 'yun dahil magagalit siya sa akin," inubos niya ang natitirang laman sa bote ng beer. Nagbukas ulit siya ng panibago. "Nakita mo na ba siyang may kasamang iba?" "More than that..."sarkastiko siyang tumawa. "You know, when you love someone, you're starting to get blind. Kahit na alam mo na ang totoo ay magpapakabulag ka pa rin dahil ayaw mong mawala ang taong iyon sa 'yo." Nilagay ko ang aking beer sa mesa. Nag-ayos ako ng upo at tumingin sa madilim na dagat. "Pagmamahal pa ba ang tawag d'yan?" I asked. "I think so." "Hindi," I crossed my arms. "Sa tingin ko'y masyado ka nang nagiging martir. Sa tingin mo ba magiging masaya ka kapag pinagpatuloy mo ang pag bubulag-bulagan mo?" "Have you ever been in love, Lester?" tanong niya na siyang ikinagulat ko. "Naramdaman mo na ba kung paano magtiis at magpakatanga sa pag-ibig?" "No," iling ko. "Kung magmamahal man ako, hindi ko 'yan gagawin. Aalis ako pag kailangan na. Bibitiw ako kapag mahirap na." "Then, you don't have the right to love if that's your perception about love." Nagtigilan kami sa pag-uusap dahil muli na namang may tumawag sa akin. Hindi ko na kailangan hulaan kung sino ang tumatawag dahil alam kong si Chantle ito. I took my phone in my pocket to answer her call. "Hey!" bungad pa lang niya ay alam ko na ang pagiging iritado niya. "Ba't ngayon ka lang sumagot?" "Busy ako kanina," inabot ko ulit ang beer sa mesa. "Tatawagan naman kita mamaya pagbalik namin sa villa. Nasa labas pa kasi ako ngayon... umiinom kami ni Caleb." "Hmp!" I can imagine her sneer. "Akala ko ba trabaho ang pinunta mo d'yan sa Batangas? Ba't ka umiinom?" "Tapos na po ang meeting namin. Ilang bote lang naman," napangiti ako. Nakita ko ang pagsulyap ni Caleb sa akin, nagtataka ang kanyang mukha. Tila nalilito kung sino ang aking kausap. "Okay fine," she sighed. "Tumawag ako kasi bored na ako dito. Hay! Nagsisisi ako kung bakit pa ako sumama." Wow, this little girl is very indecisive, huh? "Bakit naman? Diba noong isang araw ay gusto mo nang sumama d'yan sa outing niyo? Bakit ngayon ay nagrereklamo ka?" "Wala lang! Magkwento ka... para naman malibang ako." "Teka, nasaan ka ngayon?" I looked at my watch, it's already 10PM. "Nasa tabing dagat kami, nagbo-bonfire at nag-iinit ng mga marshmallow." Napailing ako, kids... "Anong suot mo?" "Uhm, romper." "With sleeves?"  "Without," papagalitan ko na sana siya ngunit maagap niya akong inunahan. "But hey, I have cardigan. Huwag kang ano d'yan... para kang si Kuya Samuel at Evan." I sigh in relief. "May katabi ka ba? Babae o lalaki?" "Seriously?" hindi makapaniwalang tanong niya. "Babae pareho... tss... teka nga... ang sabi ko magkwento ka. Bakit mo ba iniiba ang usapan?" Tumawa ako. Ang kulit talaga ng batang 'to. "Okay," nagkatinginan kami ni Caleb, hanggang ngayon ay kunot noo pa rin siya. "Maghapon akong natulog sa villa, pagkatapos ngayong gabi ay nakipagkita kami sa kliyante para pag-usapan ang plano sa resthouse na gusto niya. And then now... we're drinking." "Naka-ilang bote ka na ng beer?" "Pangalawa pa lang po itong iniinom ko." "Hanggang tatlo ka lang, okay." "Opo, Ma'am..." humalakhak ako, dinig ko na naman ang pag-irap niya. Iba talaga ang batang ito kung makapag-utos. Hindi ko tuloy alam kung sino ba ang mas matanda sa aming dalawa. Mukhang mas ako pa ang sumusunod sa kanya, eh. Someone called her name from the background, lalaki ang boses nito. "Oh, oo teka... teka..." malinaw na sagot naman ni Chantle. Nawala ang ngiti ko nang marinig iyon.  "What was that? Sino 'yung tumawag sa pangalan mo?" "That's Jarren. Pinsan siya 'nong isa sa mga kaklase ko." "Ba't ka niya tinatawag?" "Wala! Hayaan mo 'yun." "Chantle," may tono ng pagbabanta ang aking boses. "Wala akong ginagawang masama, okay? Tinawag lang niya ako kasi inaabot niya 'yong marshmallow na iniinit niya kanina tapos binigay niya sa akin. 'Yun lang 'yun." "Sigurado ka?" "Oo nga. Tss... para ka talagang sila Kuya. Sige na, ba-bye na muna. Enjoy!" Mabilis niyang tinapos ang tawag. Mahina akong napamura, I tried to call her again but she's out of coverage. Sa tingin ko'y pinatay na niya ang kanyang cellphone. Damn it, ano kaya talaga ang ginagawa niya? I wonder if she's telling the truth... not that she's lying, though. But she's still a teenager, thirteen lang siya! Ang mga kabataan ngayon ay iba na ang nasa isip. I trust Chantle, I know she's matured, but I don't know if she can handle herself right now. "Oh, napano?" tanong ni Caleb nang mapansin na halos basagin ko na ang cellphone dahil hindi ko na matawagan si Chantle. "Si Chantle kasi... hindi ko na matawagan. May lalaki siyang kausap kanina. Hindi ko alam kung... tss..." hindi ko magawang tapusin ang aking sinasabi. Nilapag ko ang aking cellphone sa mesa dahil mukhang hindi na bubuksan ni Chantle ang cellphone niya. "Chantle... yung bunsong anak 'nong bestfriend ng Mommy mo?" "Oo," nilaro ko ang aking bote ng beer. "Do you like her?" "What?" halos mahulog ako sa aking kinauupuan dahil sa tanong ni Caleb. "Tinatanong ko kung gusto mo ba siya." "Damn, are you serious?" "Yes, I am," tango niya. "Simpleng 'oo' at 'hindi' lang ang sagot, Lester." "Parang kapatid ko na siya," hindi na ako makatingin ng maayos ngayon. Bakit ba kasi ganito ang tanong niya? Ano bang pumasok sa utak niya at ganito ang iniisip niya ngayon? "You're very protective, though." "Syempre, dahil nga parang kapatid ko na siya." "Pero may dalawang Kuya na siya, 'di ba? Sigurado ay nasasakal na iyon sa mga Kuya niya... tapos dumagdag ka pa." "She's just thirteen. Nasa outing siya,.. walang kasamang mas matanda. Normal lang na mag-alala sa kanya." "Pero 'yang inis mo dahil hindi niya sinasagot ang tawag mo ay hindi normal." "Bakit?" "I don't know... ask yourself. Sa ibang anak ba ng kaibigan ng Mommy mo ay protective ka rin? Hindi naman 'di ba? Kay Chantle lang." "Syempre nakita ko ang paglaki niya," depensa ko. "Pero hindi ibig sabihin na gusto ko siya." "Sana lang ay totoo 'yang sinasabi mo. Tandaan mo, labing tatlong taon ang agwat niyo sa isa't-isa. I know age doesn't matter... pero nakita mo ang paglaki niya... sa tingin mo ba ay magiging maganda iyon sa mata ng mga tao?" "Society will judge us in whatever we do." "Hindi kaya dahil hindi ka pa nagkaka girlfriend dahil si Chantle ang gusto mo?" "What the fck, Caleb? Stop it. Hindi ko gusto si Chantle.." "Okay then, patunayan mo 'yan sa sarili mo... huwag sa akin. Coz honestly, I don't believe you... I think you like that little girl."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD